Ivy Mendez

2 0 0
                                    


"Ikaw ba si Ivy Mendez?"


Napakunot noo ako saka sinagot ang mamang nagtatanong sa akin.


"Ako nga po! Bakit po?"


"Halika, sumama ka sa amin."


Saka nya ako hinili papasok sa isang putting van.


Bigla akong kinabahan, nagpupumiglas ako pero ang lakas ng mga taong nahawak sa akin. Nasa tatlo sila pero matitipuno ang mga katawan. Ano bang panama ko sa mga ito?


Sisigaw n asana ako ng magsalita ang nasa gilid ko.


"Wag kang magkakamaling sumigaw, pagkatiwalaan mo lang kami. Dadalhin ka namin sa ama mo."


AMA????? What the heck??? You mean, father?? Papa ko? Daddy??? Haligi ng tahanan????


Wala na ang Papa ko. Sinong ama ba ang pinagsasabi nitong mga higante na to?


Baka nagkakamali lang sila.


"Teka po, nagkakamali po kayo! Wala na po ang papa ko. Almost 3 years na din simula ng iwan kami ng papa. I mean, wala na talaga. Pumunta na po sya sa langit!"


Nangingiming sabi ko sa mamang nasa driver set na. Di ko man lang napansin na nasa loob na ako ng sasakyan nila.


Nakita ko nalang na umiling sila. Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang cellphone ng katabi ko.


"Yes boss??" "Opo, nakuha na po namin. Nasa tabi ko na po sya." Saka nya ako tinignan ng mataimtim. "Ok po! Papunta na po kami dyan. Bibilisan na po namin"


Nakita kong tapos na makipagusap ang katabi ko. Tinapik nya ang nagmamaneho.


"Bro, bilisan mo. Kailangan na syang maihatid. Naghihingalo na si Boss. Gusto nya pang makita si Ivy!"


Wooowww huhhh! Di ko na talaga gets tong mga nangyayari sa buhay ko. Pano ako yung balak nalang kunin? Well, Ivy Mendez nga ang pangalan ko pero di ibig sabihin na ako na ako lang ang Ivy Mendeze dito sa Pilipinas.


"Kuya! Sure na ba talaga na ako yung hinahanap nyo? Alam nyo, wala kaming pera at wala kaming pangransom! Nagaaksaya lang kayo ng pagod and effort. Kuyaaaa, pleaseeee! Pababain mo na ako at kakalimutan ko tong mga pangyayari na to. Di ako magsusumbong sa pulis at higit sa lahat, di po ako magtatanim ng sama ng loob."


Hindi man lang ako tinignan ng mga mamang ito.


Takot ang nararamdaman ko ngayon. Pano nalang if may mangyaring masama sa akin? Pano nalang si Mama and Punyo?


Pano na ang mga pangarap ko? Wala pa naman akong natutupad ni isa dun. Pano nalang yung pangako ko kay papa na ako na ang bahala sa kay Mama at sa kapatid ko.


Wala nalang akong nagawa kundi ang umiyak ng malakas at sa hindi alam na kadahilanan, bigla nalang nanlabo ang mga mata ko saka ako napapikit. 

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon