asdfghjkILOVEYOU

251 1 0
                                    

P R O L O G U E

'Di ko sukat akalain na sa dinami-dami nga naman ng tao sa mundong ito, sa kanya pa ako napamahal. Ewan ko ba kung ano ang meroon sa kanya, oo mabait, maalalahanin, unexpectedly sweet, masayahin at oo gwapo siya kahit na parati kong sinasabi na pangit siya at sa huli ako parin yung hirap sa pag-amo sa kanya pero ayos lang kasi napaka-cute niya :">, pero sa tinagal-tagal na naming magkasama sa iisang eskwelahan,bakit ngayon ko lang siya lubusang nakilala at tila ngayon ay nahuhulog na ang loob ko sa kanya.

Madaling sabihin, mahirap panindigan.'Di ko alam kung bakit pero parati kong tinatanggi sa lahat at sa aaking sarili na may gusto ako sa kanya dahil para saakin, under processing parin ang lahat at ayokong magdecide permanently on temporary feelings mahirap na, baka pagsisihan ko lang ang lahat sa huli.

Ayoko maging assuming na parehas kami ng nararamdaman para sa isa't isa dahil alam kong sobrang masasaktan lang ako sa huli pag mali yung inakala ko at kung tama man, daig ng bangs ko ang buhok ni Rapunzel sa haba :D Ang hirap naman kasing maging babae kung ang lalaking mamahalin mo ay naka sulyap lamang.

Ano man ang kahantungan ng nabubuong pag-ibig na 'to, bahala na si Superman aasa nalang ako namakikita mo rin ang chuchu sa'king mata. Tiwala lang, magkakaroon din ng "tayo".

I will always believe on what Mark Twain said:

“Twenty years from now you will be more disappointed by the things that you didn't do than by the ones you did do. So throw off the bowlines. Sail away from the safe harbor. Catch the trade winds in your sails. Explore. Dream. Discover.”

Akalain mo ‘yun, tama pala ko di ko manlang namalayan.

asdfghjkILOVEYOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon