Dahil Sa Inggit

339 6 2
                                    


Chapter 1

Liza's POV

"Ma, pasok na po ako.." paalam ko sa mama ko na di man lang tinapunan ng tingin.

Papasok na ako ngayon sa bago kong nilipatang eskwelahan. Sanay na ako sa pagtrato ng pamilya ko sakin. Yung tipong parang di ako nageexist sa mundong to' kung tratuhin nila ako.

Si Papa, Si Leana na kapatid ko na halos kaedaran ko lang, at pati si mama. Lahat sila ay walang pakialam sakin. Puro lang sila Leana, Leana, Leana! Nakakasawa na. Porket ba ampon ako eh, di na nila ako itatrato ng maayos?

May pamilya ngang naturingan pero parang wala pa rin naman. Lahat ng tao ay ganyan kung ituring ako. Na para lang akong anino.

Well. Sanay naman na ako , at isa pa , may paraan naman ako para mawala yung inis ko.

Pagdating sa eskwelahan, umaasa ako na may lalapit sakin, at kakausap pero wala eh. Ba't kaya ganun? Maayos naman ako ah? May maging kakilala man ako, puro plastik naman. Lalapit lang sila sakin non pag may kailangan. Pag may ipagagawa sila. Mga wala silang kwenta. Kaya buti nalang talaga sa kanya yung ginawa ko! Wala kasi syang kwentang kaibigan.

*Flashback*


"Talaga Ria? Gusto mo akong maging bestfriend?" tuwang tanong ko kay Ria.

Siya lang yung bukod tanging kaklase ko na nilapitan ako. Lahat kase halos ng mga kaklase ko ay ayaw ako pansinin. Parang di ako nag eexist sa paningin nila. Hindi naman ako panget. Pero sadyang di rin talaga siguro ako pansinin. Masyado akong ordinaryo. tsk.

Kaya tuwang tuwa ako sa sinabi ni Ria na gusto nya ko maging bestfriend.

Nakilala ko sya isang beses nung nakita ko syang binubully dahil may pagka nerd talaga sya, ayun pinagtanggol ko sya. First time ko din maagaw yung atensyon ng mga tao nun at talaga namang may kung anong saya akong naramdaman sa dibdib ko.

"Oo naman. Ayaw mo ba?" nakangiting sabi nya.

"Syempre gusto ko!"

"Bestfriend na tayo ah?!"

"Yeah. Bestfriend na tayo." tuwang sabi ko.
Mula non lagi kami magkasama. Marami rami na rin ako nakilala dahil sa kanya , yung mga dating kaklase niya at sawakas kahit papano , medyo napapansin na rin ako.

Binago ko si Ria. Tinuruan ko syang magayos. Mula din non nagkaroon na sya ng manliligaw , Si Rain , at talagang di ko maiwasang wag mainggit sa kanya.

Matagal ko ng crush si Rain pero dahil nga di naman ako pansinin, Si Ria yung napansin nya saming dalawa. At talaga namang maganda na si Ria ngayon. Ibang iba na sya at walang wala ako kumpara sa kanya.

Isang beses. . .

"bes CR lang ako ah.." sabi ni Ria. Nandito kami sa canteen ngayon.

"Sige.." nagpaiwan ako. Maya maya ay napansin kong naiwan nya yung CP nya, tumunog kasi at mukang may nagtext.

Out of curiosity ay pinakealaman ko ito.

1 message received
From: Babe Rain

Agad may kumirot sa puso ko ng malaman ko kung sino yung nagtex. Kelan pa naging sila? Babe pa talaga huh?

Hindi ako nagseselos. NAIINGGIT AKO.

*Babe, kita naman tayo oh? Miss u na. Kasama mu nnman ba kaibgan mung engot?*

Kaibigang engot?! Ako ba ang tinutukoy ni Rain? Binasa ko yung conversation nila kahit nanginginig na yung kamay ko.

Ria- Kala naman nya gusto ko sya maging kaibigan ? Duhh. Tinatapos ko lang yung 1 month na usapan na kaibiganin ko tong babae na to para matapos na yung Dare nyu sakin noh.

Rain- chill lang babe. Bagay naman sayo nung nagpanggap kang nerd. Hahaha!

Ria-Ah ganon?!

Rain-Joke lang babe! Iloveyou mwa :*

So pinagtitripan lang pala nila ko?
Mga gago sila.!

Ria. Hindi ka naman pala iba sa kanila. Pagsisisihan mong pinagtripan mo ang isang tulad ko.

Napansin kong padating na si Ria kaya agad ko binalik sa dating ayos yung phone niya.

"Oh bes. ok ka lang?!" alalang tanong nya. Pwe! Plastik ang gaga. Galing umarte!

"Oo . ok lang. Medyo sumama lang pakiramdam ko." sabi ko at mejo umubo pa ng kaunti. Mas magaling akong umarte sayong babae ka.

Sa Room.

"Bes may load kaba? tetext ko lang si Rain." sabi ni Ria sa tabi ko.

"Ah eh wala eh." pagkaila ko.

"Ganun. Na cut na kasi unli ko e."

"Bakit mo pala sya tetext? Kayo naba?"

"Ha? Ah Kame? Hindi ah! May itatanong lang ako." pag kaila nya.

Dali dali kong kinuha yung CP ko at kunwaring naglalaro lang ng games pero ang totoo tinext ko si Rain.

-Babe ako to' nakitext lang ako sa kaibigan kong engot . Wala na akong load. Magkita tayo mamaya sa may garden. Importante. Wag kana magreply just be there. Love you:*

Sent!

Tingnan ko lang kung di kayo magkahiwalay sa gagawin ko! Hahahahahahaha !

Maya maya ay nagkunwari naman akong may tumatawag.

"Hello? Oh? Bakit? Ganun ba? Sige. Sige sasabihin ko. Okay okay. Bye." at binaba ko na yung CP. Agad naman napatingin si Ria.

"Bes Sino yun?"

"Ah si Rain. Magkita daw kayo sa garden mamaya. Di ka daw makontak e, baka wala ka signal." Agad naman napangiti ang gaga sa sinabi ko.

"Uyy. kinikilig sya. Siguro magcoconfess na sya sayo." kunwa'y painosenteng sabi ko.



SA GARDEN.

Nadatnan ko si Rain na nakaupo sa may bench. Agad ko siyang nilapitan.

"Oh? Si Ria?" takang tanong niya.

"Ah eh. Pinapasabi nyang hindi daw pala sya makakarating. Emergency yata tinawagan ng mommy nya."

"Ganun ba. Sige alis nako.." akmang aalis na sya pero pinigilan ko sya. Sakto namang paparating na yung walanghiya kong kaibigan kaya agad kong hinalikan sa labi si Rain at niyakap ko pa sya.

Halatang nagulat din sya kaya di sya makagalaw.

Nakita ko yung gulat sa muka ni Ria.Kitang kita ko na nasasaktan siya! Buti nga sayo! Kapal kasi ng muka mong pagmukain akong tanga. Hahaha.

Nagtatakbo sya palabas ng school.

At kitang kita rin ng dalawang mata ko kung paano sya mabundol ng malaking truck na halos nagpatilapon sa katawan niya.

Agad nagkagulo ang mga tao. Pero si Rain ay walang kaalam alam. Hindi nya alam na nakita kami ni Ria. Hindi nya alam na nabunggo na pala ang Girlfriend nya.

Sinong engot satin ngayon??
HAHAHAHAHAHAHAHAHA.

Nababagay sa inyo yan! Buti nga at nakarma siya agad!

*End Of Flashback*

Kulang Ka Ba Sa Pansin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon