Chapter 2
LIZA'S POV
Back to reality na. Ayoko ng alalahanin ang pagkamatay ng beloved bestfriend kong taksil at walang kwenta. Nababagay lang sa kanya yung nangyari sa kanya. Huling balita ko pa nga ay nagpakamatay din daw si Rain. Nagbigti dahil di nakayanan ang pagkamatay ng girlfriend nya . Pero wala akong pakealam sa kanila.
Mga wala naman silang kwenta eh.
Hahaha.
Pinagpatuloy ko na ang paglalakad at pamamasyal sa bagong eskwelahang nilipatan ko.
Maya maya pa'y may nakita akong lalake na namimitas ng magagandang bulaklak. Nilapitan ko sya.
Syempre kailangang maging friendly!
"Hoy! Bawal yan ha?!" sigaw ko sa kanya at halata namang nagulat sya.
Infairness. Ang ganda ng mga bulaklak at ng pagkakaayos nya. Kanino nya kaya ibibigay yon? Nakakainggit naman!
"Pake mo ba? Bibigay ko to sa Girlfriend ko at nagkatampuhan kami!" sigaw rin nya at di man lang ako tinignan. Mukang mga isnabero at isnabera rin ang mga estudyante dito ah!
Bago pa ako tuluyang lamunin ng inggit ko ay umalis na ko.
Papaakyat na ako sa second floor kung saan naroon ang room ko ng may makita akong babaeng umiiyak.
Tingnan mo nga naman tong araw na to'? Haay. Anyway nilapitan ko din sya.
"Miss, okay ka lang?" alalang tanong ko sa kanya.
"Mukha ba akong okay?!"
Ang walangya. Sinungitan pa ko! Amp! Ako na tong nagmamalasakit diba? See? Napakalupit talaga sakin ng mundong to! Kaya di pwedeng kayo lang ang sasaya! Tapos ako Hindi?! No way! HAHAHAHA.
"Eh anu ba kasing iniiyak iyak mo dyan? At sino bang sinisilip mo?" di ko parin sya tinigilan. Sinundan ko ng tingin yung tinitignan nya, at bigla akong napangisi.
"Siguro may gusto ka sa lalaking namimitas ng bulaklak na yon noh?" agad syang napalingon sa sinabe ko.
"Wala kang pakialam.!" sigaw nya.
"Kanina nilapitan ko sya, tinanong ko kung para kanino yung flowers, masyado kasi talaga akong friendly eh.." painosente pang sabi ko.
"Pa-para kanino daw..?!" tanong niya habang pinupunasan ang mga luha sa mukha niya.
"Ang sabi niya para daw sa bago niyang nililigawan. Naiinggit nga ako kung sino man yun eh, kase talagang ang ganda ng pagkakaayos nya sa mga bulaklak. Saka pala sabi pa nya sakin kanina na, buti at natauhan daw sya sa dating girlfriend nya , kung di pa daw kase sila nagkatampuhan, hindi nya marerealize na hindi naman pala nya minahal talaga yung babae. So naawa naman ako dun sa babaeng tinutukoy nya." madrama pang sabi ko.
Ayun. Humagulgol ang gaga! Kung alam mo lang! HAHAHAHA! Pero syempre. Hindi naman pwedeng sumaya kayo tapos ako hindi diba?
******
Kinabukasan...
"Nabalitaan nyo ba yung nangyari kay Monik??Grabe noh!"
"Ou nga! Biruin mo?! Nagawa nyang kitilin yung sariling buhay nya dahil lang kay Kris!"
"Desperada na siguro sya. Nakakaawa siya."
"Eto pa ha, dilat na dilat daw yung mata nya ng matagpuang nakabigti sa kwarto nya!"
"Talaga?! My gadh! Ibig sabihin daw non may gusto pa sya isama sa kabilang buhay!. Ang creepy naman! Kinikilabutan na ako."
Rinig kong bulung bulungan sa school na nagpakamatay pala yung babaeng nakausap ko sa may hagdanan kahapon.