Chapter Five

361 20 1
                                    

Iyon ang nasa isip niya.

That's why he don't want to let me go. Why he's conducting the investigation slow. Kasi sa isip niya ay ako talaga ang salarin. He don't want another prey. He only wants what he found first, and that's me.

Of course I argued with him again. I provided the same info. Iyong mas detalyado pa sa detalyado para mapatunayan lang ang sarili ko but it was useless. Bukod sa mahirap siyang maintindihan, ang nasa isip niya lang ang pinaniniwalaan niya.

Tiningnan niya lang ako habang nagpapaliwanag ako pagkatapos ay basta na lang niya akong tinalikuran. Parang dapat pa akong magpasalamat dahil pinatapos niya muna ako bago niya ako layasan.

Wala naman akong magagawa kundi maghintay ulit kaya hindi ko siya hinabol para kulitin. It doesn't mean though na hahayaan ko siyang ikulong ako rito habang buhay. I'll give him time but I will set a limit.

Nag-inat ako pagkabangon. Fortunately, maayos ang tulog ko. Dahil yata sa lambot ng kama at lamig ng hangin. Pasado alas otso na ng umaga. Tumayo ako para ayusin ang higaan. Napahinto ako at nangunot ang noo.

Malaki ang kama at marami ang unan. I only occupied the other side pero buong kama ang nagulo. Ganon ba kasarap ang tulog ko?

Pumunta muna ako banyo para mag-ayos bago ko binalikan ang hinigaan ko. Pagkatapos ko ayusin ang nagulong kama, bumaling naman ako sa lamesa. Walang pagkain doon. Mahina akong napabuntonghininga. Did he finally decide to starve me?

"What to do?" pabulong kong tanong sa sarili.

Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kuwarto hanggang sa huminto iyon sa pinto. Napalunok ako.

I should try...

And I did. Kahit kinakabahan, lumapit pa rin ako sa pinto. My slightly trembling hand hold the doorknob. Ganon na lang ang gulat at kaba ko nang bumukas iyon pagpihit ko.

Hindi nila ni-lock ang pinto? O hindi nila na-i-lock?

Nangunot ang noo ko sa suspisyon. Still in wary, I left the room. Tahimik sa hallway. Walang katao-tao.

"Gising ka na pala."

Muntik pa akong matisod at masubsob dahil sa gulat. Mabuti na lang ay napasandal ako sa pader. Gulat akong bumaling sa aking likod.

"S-sino..." Lumunok ako. "...ka?"

Isang babae ang biglang sumulpot. Sa tansya ko ay nasa mid twenties na ang babae. She looks pretty, prim and regal. May maliit na ngiti sa maliit nitong labi. It's not mocking, it's not by force but formal.

"Ako ang mayordoma sa mansyon na ito," sagot niya.

Nagulat ako. Mayordorma? Hindi ba't may halos may edad na ang kadalasang gumagampan sa tungkuling iyon?

Nagtataka man ay hindi na ako nagtanong. I acted normal and unfazed.

Umayos ako ng tayo. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa. "I-isusumbong mo ba ako sa may-ari ng mansyong ito?"

Bahagyang lumukot ang noo niya dahil yata sa pagtataka.

"Wala akong balak tumakas... Tutupad ako sa sinabi ko na mananatili ako rito hanggang sa matapos ang imbestigasyon nila," mahina at kalmado kong paliwanag. "Nakabukas kasi ang pinto...kaya lumabas ako."

Realization suddenly went across her face. Pinagsiklop niya ang mga kamay at muling ngumiti.

"It's actually from my command. Pinabuksan ko iyon sa isa sa mga maid kanina," saad niya. "Ang balak ko'y sunduin ka sana para mag-umagahan."

"Pinabuksan? Hindi ka ba kagagalitan?" taka kong tanong.

Ngumiti siya at umiling. "Don't worry, lady. Hindi ako pagagalitan dahil utos iyon ni Cole."

Nangunot ang noo ko. "Cole?"

"Ang may-ari ng mansyong ito. Ang amo namin."

Bahagya akong nagulat at mas lalong nagtaka.

"Hindi ba... Severus ang pangalan niya?"

"Cole Severus," paliwanag niya. "Dalawa ang pangalan niya."

Napa-oh ako. Why didn't I realize it? Baka sa trabaho ay Severus ang pangalang gamit niya. Common na ang magkaroon ng alyas sa mga katulad nila.

"Common, follow me. Nakahanda na ang umagahan."

Tahimik akong sumunod sa kanya. I roamed my eyes around. Kinakabisado ang maaari kong takasan sakali mang hindi tumupad sa usapan si Severus.

Matapos ang mahabang lakaran, narating din namin ang dining area ng bahay. Saglit akong tumitig sa malaki at hitik sa mga bulaklak na hardin na kitang-kita dahil sa glass walls ng dining.

"Please, sit. Nakahanda na ang pagkain mo."

Doon ako napatingin sa babae. Tahimik akong naglakad at naupo. May nakahanda na nga na pagkain...at napakarami para sa iisang tao lang.

"Nasaan si Severus?" mahina kong tanong. "Sasabay ba siya—"

Napahinto ako bigla. Why did I ask that? Bakit naman sasabay ang lalaking 'yon? What? Kaibigan ko ba siya? Kamag-anak? Kuya?

Everything is so odd that sometimes I forgot what situation I am currently in.

Saglit na tumitig sa akin ang mga mata ng babae. Hindi ko mahulaan kung anong iniisip niya.

"Hindi gusto ni Cole ng may kasabay sa pagkain," saad niya. Kalmado naman pero parang may kung ano. Hindi ko maipaliwanag.

Tumango na lang ako at tahimik na lang kumain. It's a little awkward though. Nasa isang sulok lang kasi ang babae, nakamasid sa akin. Her face is formal. Wala namang pinapakitaang kagaspangan pero hindi mapalagay ang loob ko.

"Alam mo ba...kung nasaan siya? Kailangan ko siyang makausap," saad ko.

Pumayag ako sa gusto niya pero dapat pa rin naming pag-usapan ang habang tumatakbo ang imbestigasyon niya. Mas klaro mas sigurado.

"Cole is not here. Hindi ko alam kung kelan ang balik niya," pormal niyang sagot.

Nangunot ang noo ko. That can't be! Paano kung matagalan siya bumalik? What if after a week? Hindi pwede! Kapag isang araw nga lang akong absent, ang dami ko mang hinahabol! Paano pa kaya ngayon?

"Hindi ba siya nagsabi? Hindi ako puwedeng magtagal dito!" mariin kong bulalas. "Sa nakikita ko naman ay malaki kayong sindikato. Bakit sa simpleng pag-verify lang ay ang tagal? Bakit hindi niya na lang ako pakawalan?"

Natigil sa pag-aayos ng ornaments ang babae. Matagal pa bago ito nagsalita. Her voice is a bit cold now though.

"Hindi sindikato si Cole. My master won't step so low, but yes... you're right. Malaki nga ang ginagalawang mundo ni Cole. Makapangyarihan siya. Mayaman. Maimpluwensya." Huminto siya at humarap sa akin. "At kaya niyang makuha kahit ano at sino. Kaya niyang malaman kung sino ang traydor sa hindi."

Tumuwid siya ng tayo at muling pinagsiklop ang mga palad. Pormal pa rin ang mukha ngunit malamig ang mga mata.

"Those first questions, I can answer...pero kung bakit ayaw ka niyang pakalan. I can't answer." A glimpse of emotion appeared on her eyes. It was brief, I couldn't name it again. "Because just like you... I wonder to."

(On Hiatus) Blinding ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon