Chapter Eight

387 16 2
                                    

HUMAKBANG ako upang bigyan ng distansya ang aming mga katawan. Mahigpit ang hawak niya sa akin kanina but he loosened it when I stepped away.

Ang seryoso niyang mga mata ang sumalubong sa akin. He straightened up before putting his hands in his pocket. Habang ginagawa niya iyon ay hindi niya inalis ang tingin sa akin. I felt uncomfortable under his gaze.

"P-papaanong... Hindi ko sinasabi sa 'yo kung saan ako nakatira—" He cut me off.

"What do you think of me, lady? Some random man in suit and mask? I have my ways..." Tinalikuran niya. "...and I always find what belongs to me."

I didn't hear much what he said in the last but I don't care about it. Hindi siya puwede rito—No! He can't be here!

Inisang hakbang ko ang pagitan namin at marahas na hinila ang kanyang braso dahilan para mapaharap siya sa akin. Masama ko siyang tiningnan.

"Pwede be, Severus? Umalis ka na! Hindi ko alam kung ano pa ang gusto mo sa 'kin at ayaw mo kong lubayan kahit alam mo naman na hindi ako ang kailangan mo, pero pakiusap. Gusto ko ng tahimik na buhay. Hindi ko gusto ang ginawa ko pero wala akong pagpipilian—"

"I'm not here to ruin your peaceful life," he butted in.

It seems like he didn't even listen to half of what I said. Kumuyom ang aking kamao.

"Ginagawa mo na," mapait kong saad. "Makita lang kita, sira na ang araw ko."

Napahinto siya sa pagsisiyasat sa aking sala dahil sa sinabi ko. It was harsh but I was just telling the truth. Araw-araw ko lang maalala na hindi normal ang buhay ko tulad ng gusto kong isipin kapag lagi ko siyang makikita.

Tumuwid ako ng tayo nang sa wakas ay binalingan niya na ulit ako. But I was quite taken aback by the coldness in his eyes. The mischievousness was gone. Para bang ibang tao na ang kaharap ko ngayon.

"Then so be it. I don't care if I ruin your days, weeks, and months perhaps years? I won't go until I get what I want," malamig niyang saad.

"A-ano pa bang gusto mo?" mahina kong tanong.

Nagtayuan lahat ng balahibo ko dahil sa malamig na ngising sumilay sa kanyang mga labi. Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"You really want to know, Leona?" he asked sensually, teasing.

Sa isang iglap lang ay nawala ang kalamigan ng kanyang boses at napalitan ng lambing. How fast his mood change really baffles me. Baliw ang lalaking ito!

"Sabihin mo!" I demanded frustratedly.

Humakbang siya palapit sa akin. Nahigit ko ang hininga nang haplusin niya ang aking pisngi.

"Then beg for it..."

Bagsak ang panga ko. I took me minutes to recover.

"No! I would never!" gigil kong bulalas.

Nagkibit-balikat lang siya.

"Your choice."

Iyon lang ang kanyang sinabi bago ako iwan sa sala at pumasok sa aking kuwarto.

Sa aking kuwarto!

"H-hoy! Anong gagawin mo riyan?! Bawal ka riyan!"

Nanlalaki ang mga mata kong hinabol siya. Nang abutan ko siya ay nasa kama na ang lalaki. Nakaupo at nagtatanggal ng sapatos. Basta na lang nitong initsa sa malayo ang sapatos at medyas.

"Inaantok ako. Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang matulog?" maangas niyang tanong.

Nagtagis ang aking ngipin. Hindi ko napigil ang gigil ko. "Gago ka ba? Kama ko 'yan! Bakit ka matutulog diyan?"

(On Hiatus) Blinding ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon