Chapter Fifteen : Mature

325 10 3
                                    

Maya-maya lang ay sunod-sunod na patak ng ulan ang bumuhos. Sobrang lakas nito na naglalagatukan na ang bubong ko. Kumuha ako ng mangkok para maglagay ng mainit na sabaw ng sinigang galing sa kaserola. Ibinaba ko iyon sa maliit kong lamesa bago naupo. Hinihipan ko iyon nang may mapansin ang mga mata ko sa labas ng bintana.

Nangunot ang noo ko nang makita ang sasakyan ni Cole. Hindi pa rin siya umaalis? Ang lakas ng ulan. Sa lakas ay mukhang mamaya pa matatapos. Balak niya bang matulog sa sasakyan niya?

Wala na sana akong balak pansinin pero nagulat ako nang may isa pang kotse na nag-park sa likod ng sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko nang lumabas mula roon ang bodyguard ni Cole. May dala-dalang payong habang humahangos na pumunta sa pinto ko.

"Anak ng—hindi siya umalis sa harap ng pinto?!" gilalas kong sambit.

Nagkandapaso-paso pa ako dahil sa mabilis kong pag-alis sa lamesa para takbuhin ang sala. Bagsak ang panga ko dahil sa pagbukas ng pinto ay naroon nga siya.

"Cole! Nasisiraan ka na ba?!" galit kong sigaw.

Basang-basa itong nakatayo. Mariin ang pagkakalapat ng mga labi at kung hindi mo susuriing mabuti ay hindi mo makikita na nanginginig na ito sa lamig. Mukha itong bata na iniwan ng magulang sa kalsada. Parang may tumusok naman sa puso ko. Kahit naman galit ako, ayoko pa ring makita siya sa ganyang sitwasyon.

"Please, Leona, let's talk this out," muli niyang pakiusap.

"Boss." Sinubukang payungan ng lalaki si Cole pero dahil matangkad ito ay nahirapan ang lalaki. Sa huli ay marahang tinulak ni Cole ang payong.

Nagtagis ang ngipin ko. "Nasisiraan ka na talaga, no?! Sinabi ko namang bumalik ka na lang bukas. Bakit ang tigas ng ulo mo? Paano kung magkasakit ka? O makidlatan ka diyan?"

"I don't care," pagmamatigas niya.

Hinila ko siya papasok sa loob ng bahay. Bahala na kung maglawa sa sala ko. Inutusan ko ang bodyguard niya na magdala ng damit niya.

"Maghubad ka bilis! Baka ubuhin ka," nag-aalala kong tanong. Hinila ko siya sa kubeta.

Nanginginig ang kamay na inisa-isa niyang tinanggal ang butones ng kanyang long sleeve. Ako naman ay tinulungan siyang tanggalin ang sapatos niyang napuno na ng tubig.

Nasapo ko ang sentido nang matapos. "Lintik naman, Cole Severus! Hindi mo ba naisip na puwede kang magkasakit sa ginawa mo?"

Gusto ko pa siyang pangaralan pa kaso ay bigla niya akong hinatak at niyakap. Ang basa sa kanyang damit ay mabilis na kumalat sa akin. Parang nagpaulan na rin tuloy ako.

Ngunit hindi iyon ang nasa isip ko kundi ang init ng kanyang katawan sa akin. Wala na siyang suot na pang-itaas. Kaya damang-dama ko ang init ng kanyang balat at hitik sa muscle niyang tiyan at dibdib. Napalunok ako dahil sa iniisip.

"It's been years since I last laid with someone, Leona." Napalunok ako dahil sa malalim at senswal niyang tinig. "It would be like a first time if you let me do it with you."

"O-oo na!" Nanginginig ang boses ko. Nahawa yata ako ng init niya dahil pakiramdam ko ay nagbabaga rin ang aking katawan.

He chuckled near my ear seductively. "Do you want though? Malamig pa naman..."

Napasinghap ako. "A-Alam mo...gutom lang 'yan. Maligo ka muna bago kumain."

Inipon ko lahat ng lakas ko para makaalis sa yakap niya pero parang naubos yata yung fifty percent nang makita ko ang init sa mga mata niya. Napangisi siya.

"Yeah... I'm really really hungry, Leona."

Humakbang ako paatras nang humakbang siya palapit sa akin. There's a predatory glint in his eyes. Napalunok ako nang umangat ang kanyang kamay at kinuha ang aking palad. Dinala niya iyon sa kanyang labi. He planted soft, wet and hot kisses on the back of my hand.

(On Hiatus) Blinding ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon