02

108 40 0
                                    

Selena:

"Next week is my wedding day na and I want you to be here, 'kay?"

Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa kakulitan nitong kapatid ko na si Beatrice. Last month niya pa pinapaalala sa akin itong patungkol sa nalalapit niyang kasal and ako nga daw ang kukunin niyang bridesmaid.

I'm 22 yrs/old habang 24 naman si Bea. She's my ate pero ni minsan ay hindi ko pa siya natatawag na 'ate' dahil aniya ay hindi naman daw nagkakalayo ang aming edad at mas gusto niya na tawagin ko lang siya by her name but still, andun parin naman yung respect ko for her. Dalawa lang kaming magkapatid kaya sobrang close namin sa isat-isa.

Currently, I'm in the US. May company dito si dad at ako ang inatasan niya na mamahahala since nakapag aral naman ako ng business ad. I've been living here for two years at sa loob ng dalawang taon na yun ay hindi pa ako nakakabisita ng pilipinas sa kadahilanang kinailangan ko talagang pag fucos-an itong kompanya and also ay may pinatayo rin ako ditong dalawang restaurants na galing mismo sa sarili kong pera. I worked hard to achieved everything I have right now.

"Maligayang pagbabalik, Ma'am Ena." Ang nakangiting salubong sa akin ni kuya Roger, our family driver.

Bukod sa araw-araw na pangungulit sa akin ni Beatrice, ay miss na miss ko rin talaga ang mga magulang namin pati na ang mga kaibigan ko kaya.. bago pa man ang kasal ng kapatid ko ay nakapag booked na ako ng ticket papuntang pilipinas and so here I am.

"Ano po bang itsura ng mapapangasawa ni Beatrice?" Curios na tanong ko kay kuya Roger. Nasa loob na kami ngayon ng kotse and otw na sa bahay kung saan naghihintay na sa akin si Beatrice.

"Ah, si Gov. Enrico.. nako, napaka gwapo ho ma'am tsaka matikas ang pangagatawan, ayun nga lang ay palaging seryoso." Ang sagot nito.

"Governor pala? Ilang taon na po kaya siya sa pagkakaalam nyo?"

"Mga nasa 30+ na ho siya ma'am at opo, isa siyang gobernador."

Nginitian ko nalang si kuya Roger at hindi na muling nagtanong pa. Hindi pa pinapakilala sa akin ni Beatrice ang kanyang mapapangasawa, kahit sa video calls ay hindi ko kailanman nakita ang itsura nito at ang sabi ni Bea ay surprise nalang daw iyun. Makikita at makikilala ko din daw ito once na makabalik na ako ng pilipinas and guess this is the right time.

Importante sa akin na makilatis ang lalaking mapapangasawa ng kapatid ko. I wanted to make sure na mabait siya, na hindi niya sasaktan ang kapatid ko at seryoso siya sa nararamdaman niya para rito. She's my only sister and I want nothing but only the best for her.

"Oh my gosh! I've missed you, Ena!"

Isang napaka higpit na yakap ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa loob ng aming bahay.

"I've missed you too, Bea." Maluha-luhang saad ko at niyakap rin ito pabalik.

Ilang sandali lang ay naghiwalay na rin kami atsaka niya sinimulang pasadahan ng tingin ang aking kabuuan.

"Grabe, mas lalo kang gumada at sumexy." She said with amusement.

Nginitian ko ito at napatingin sa kanyang may umbok na t'yan. Oh, she didn't tell me that she's pregnant.

"Surprise! Magkakaroon kana ng pamangkin, sisteret!"

Mas lalo akong napaiyak at muli itong niyakap. Truly, I'm so happy for her.

"Congrats, Bea."

"Thank you, Ena and oh by the way, papunta na din dito ang aking soon-to-be husband. Medyo busy lang siya sa kapitolyo but he promised naman na pupunta siya to meet you. Palagi kasi kitang nak-kwento sa kanya e."

Ngumiti lamang ako at tumango. Kalaunan ay inaya niya ako sa may salas at duon kami nagpatuloy sa aming chikahan. Higit isang oras yata ang lumipas nang biglang may lumapit na isang lalaki kay Beatrice. He kissed my sister's forehead before facing me. I assume that he is her husband.

Kuya Roger was right, gwapo nga talaga ito at matikas ang pangangatawan. Plus matangkad pa. Papasa na siya bilang isang modelo.

The only thing is.. anlamig ng tingin niya sa akin and I'm not sure kung tama ba itong nakikita ko pero parang may kakaiba sa mga tingin niya? I just can't point it out pero feeling ko talaga may kakaiba.

"She's my sister, Selena. Selena, this is my soon-to-be husband, Enrico Deogracia." Masiglang ani Bea.

Tipid akong ngumite at saka naglahad ng kamay. "N-nice to meet you.." ang halos pabulong na usal ko. Idk but he's really intimidating.

"It's nice to finally meet you, mí reina.." anito gamit ang malalim at buo niyang boses. Hindi ko lang masyadong narinig iyung huli niyang sinabi dahil bukod sa mahina ay parang ibang lenggwahe pa.

Akala ko ay ayos na lahat. Nakilala ko na ang mapapangasawa ng kapatid ko at present ako sa isa sa pinaka memorable na araw ng buhay niya, her wedding day. I got to bond with her and to our parents hanggang sa dumating na ang araw ng pag-alis ko. Tapos na ang 1week vacation ko dito sa pilipinas and I'm planning to go back to US

But...

"So you're leaving."

Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla na lamang tumambad sa harapan ko ang gwapong mukha ng isang lalaki.

Dahil matangkad nga ito ay kinailangan ko pa itong tingalain at duon ay sumalubong sa akin ang walang emosyon niyang mukha. Ewan pero bigla akong kinabahan sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.

I gulped.

"K-kuya Enrico.. a-ano po'ng ginagawa nyo dito?"

Imbes na sagutin ako– ay isang malamig na tingin lang ang natanggap ko kasabay ng pag igting ng panga nito.

"Dito ka lang, Selena." Pagkasabi'y bigla niyang hinila ang bewang ko at mariin akong idinikit sa kanya. I was so shocked!

"A-ano ba?! Let me go!" I tried pushing him but to no avail. Sadyang mas malakas ito. Pinagsusuntok ko ang kanyang dibdib ngunit isang malutong na sampal ang natanggap ko at dahil sa sampal na yun ay tila namanhid ang buo kong mukha. I'm quivering.

"Hindi ako papayag na iwanan mo ako dahil akin ka lang, Selena. You are mine, you hear me?"

Huh?

Just what the hell is wrong with this guy?

She's The Governor's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon