Selena:
He threatened me na kapag sinubukan ko ulit tumakas- ay hindi siya magdadalawang isip na pahirapan ang aming pamilya at sisimulan niya yun sa pagpapabagsak ng aming kompanya, at sunod ay ang pagsunog sa ilan sa mga ari-arian na pinaghirapang ipundar ng aking mga magulang. Tinakot niya din ako na kapag may ginawa ako na hindi niya nagustuhan ay hindi lamang ako ang parurusahan niya kundi pati na ang pinakamamahal kong kapatid.
In short; hawak niya ako sa leeg kaya kahit pa anong gawin ko ay hindi ko na kailanman matatakasan pa ang mala impyernong buhay na ito.
"Ito pa, Ena. Kainin mo din 'to.."
Kaagad na natuon ang atensyon ko kay Beatrice matapos ako nitong abutan ng mansanas na kanya ng nabalatan.
Tipid ko siyang nginitian at saka kinuha ang mansanas at sinimulan iyung kainin.
Tatlong araw na ang nakalilipas magmula nung nalaman ko na buntis pala ako. After kong ma-discharge sa hospital ay dito na ako nagpa diretso sa aking condo. Ang gusto nga ni Beatrice ay duon ako sa kanila para raw matutukan at maasikaso niya ako lalo pa ngayon na nagdadalang-tao ako- but of course, I refused. Mas gugustuhin ko pang manirahan dito mag isa keysa makasama sa iisang bubong ang demonyo niyang asawa.
"May I touch your tummy?" Ang bigla ay tanong ni Beatrice.
Halata sa kanyang mukha ang pinaghalong tuwa at lungkot habang nakatingin sa aking t'yan na wala pa namang umbok.
"Oo naman."
Matapos marinig ang sagot ko, ay agad niyang inilagay ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking t'yan at sinimulan iyung haplusin. I just smiled.
"You're lucky, Ena. Magkaka-baby kana." She, then, looked at me. "Alagaan mo 'to, ha? Huwag mong hahayaan na mawala siya sa'yo.."
Her tears started to slid down to her cheeks as she utter those words. Kitang-kita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata at alam ko na sa puntong 'to ay naalala niya na naman si baby Brea, her unborn child na kinuha na sa kanya dahil sa isang hindi inaasahang insidente.
She was 6th month pregnant at that time, pababa siya ng hagdan ng bigla nalang siyang nadulas kung kaya't nagpagulong-gulong ito bago tuluyang bumagsak sa sahig. Nasa condo ko ako noon nung mangyari yun at nagulat na lamang ako nung tawagan ako ni Mama at pinaalam sa akin ang patungkol sa nangyari and the last thing I knew was, she lost her baby. Nakunan siya.
"G-gusto mo ba na sa iyo na lang itong a-anak ko?" Those words suddenly came out of my mouth. Hindi ko pinag-isipan at basta ko na lang din nasabi.
Kaagad na nanlaki ang mga mata ni Beatrice nang tumingin ito sa akin, halatang hindi siya makapaniwala.
"B-bakit, Ena? Ibibigay mo ba siya sa akin?"
Ngumiti ako atsaka tumango. Hindi ko alam kung makakaya ko bang tignan o hawakan itong batang 'to oras na mailuwal ko na siya knowing the fact na bunga siya ng isang karahasan. Siya ang magpapaalala sa akin sa lahat ng hirap at pasakit na naranasan ko sa kamay ng kaniyang totoong ama.
"Thank you so much, Ena! Excited na akong makita si baby!" Puno ng galak niya akong niyakap at pagtapos ay muli na namang hinaplos ang aking tiyan.
Baby, I'm sorry....
Please forgive me...
BINABASA MO ANG
She's The Governor's Mistress
RomansaSa hindi inaasahang pagkakataon, sa laro ng tadhana, isang pag-iibigan ang nabuo mula sa ipinagbabawal na pagsasama. Si Selena ang pumukaw sa attention at pagnanasa ni Enrico, ang gobernador at maimpluwensiyang tao sa kanilang syudad. Papayag ka ban...