Selena:
"May kabit ang asawa ko."
Kaagad akong natigilan matapos marinig ang sinabi ni Beatrice.
"May ibang babaeng kinalolokohan ngayon si Enrico." Ang muli ay saad nito at saka tumingin sa akin. Pinaghalong sakit at galit ang nakikita ko ngayon sa kanyang mga mata and for some reason, I looked away. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya ng matagal knowing na ako ang rason kung bakit nagulo ang noo'y masaya nilang pamilya.
It all started when I entered the frame.
"I need your help, Ena. Please.. tulungan mo 'ko na malaman kung sino nga ba ang babae ni Enrico." Sumamo niya habang hawak ang aking mga kamay.
Sa puntong 'to ay gusto ko ng maiyak pero pinipigilan ko lang. Walang araw na hindi ako kinakain ng sarili kong konsensya. Na-g-guilty ako at gusto ko ng itama ang pagkakamali ko sa pamamagitan ng paglayo– pero paano ko magagawa yun gayong ayaw niya naman akong pakawalan? Ilang beses ko ng sinubukang lumayo pero kahit saan ako magpunta ay nahahanap at nahahanap niya parin ako.
I don't know what to do anymore.
"A-anong gagawin mo kapag nakilala mo na ang kabit niya?" Ang bigla ay tanong ko. Hindi ko alam pero yun ang kusang lumabas sa bibig ko.
Ramdam ko ang biglang paghigpit ng hawak nito sa aking kamay kaya napatingin ako sa kanya. Tumambad sa akin ang tila nanlilisik sa galit niyang mga mata.
"Papatayin ko siya upang sa ganun ay sa akin na ulit mapupunta ang buong atensyon ni Enrico."
Lihim akong napalunok dahil sa naging tugon na iyun ni Beatrice. She looked so serious while saying those words kaya hindi ko maiwasang huwag kabahan. Papatay siya?
"O, ba't parang biglang ka namang natigilan d'yan?" She slightly pinched my cheek then chuckled. "Joke lang yun, sizst."
Tipid ko lamang siyang nginitian tsaka ako tumayo para sana ikuha siya ng maiinom ngunit.. muli rin akong napa-upo matapos makaramdam ng matinding kirot at hapdi sa aking likuran.
"Hey. Ayos ka lang ba?" Alalang tanong ni Beatrice na agad akong dinaluhan.
Ni hindi ko magawang sumagot dahil sa sakit. Parang hinihiwa ang likod ko na hindi ko maintindihan. Gusto kong sumigaw pero tila walang boses ang lumalabas sa aking bibig.
"My goodness, Selena! Bakit ang dami mong latay?!" Gimbal na napasigaw si Bea matapos makita ang aking likod. Hindi ko agad namalayang nitaas niya pala ang damit ko kaya tumambad sa kanya ang mga sugat na pilit kong tinatago.
Ang totoo niyan ay kagabi ko pa pilit iniinda ang mga latay na 'to na mismong ang asawa niya ang may gawa. Sa kamay ng isang gobernador ay grabeng hirap at pasakit ang naranasan ko. Akala ko nga ay katapusan ko na kagabi pero heto't nagising parin ako. Humihinga parin.
"Saan mo ba nakuha 'to? Sino ang may gawa?"
Hindi ko magawang sagutin si Beatrice. Gustuhin ko mang aminin sa kanya ang totoo ay pinapangunahan naman ako ng takot. I don't have any idea of what might be happen next if I'll tell her the truth but.. one thing is for sure– magagalit siya at kamumuhian niya ako. And Enrico, hindi ko alam kung ano pa ang mga kaya niyang gawin kaya bandang huli ay pinili ko nalang manahimik at sarilihin ang bigat na nararamdaman ko.
Nang walang makuhang sagot si Beatrice mula sa akin, ay napabuntong hininga na lamang ito at saka nagtungo sa may banyo. Pagkalabas niya ay may dala na itong first aid kit at saka sinimulang gamutin ang aking mga sugat.
I just remained silent pero mayat-maya rin akong napapangiwi everytime na kumukirot ang mga sugat ko.
Lumipas ang ilan pang mga sandali at natapos na din siya sa pag gagamot sa akin. She then face me.
"Sumama ka muna sa akin pauwi. Duon kan lang muna sa amin nang sa ganun ay–"
"H-hindi." Agarang tanggi ko at ilang beses pang napailing.
Ayokong sumama dahil paniguradong liliit lang ang mundo para sa aming tatlo. He's living with his husband which happens to be the governor and I, I am the governor's secret mistress.
"Pero paano ka, Selena? Mag-isa kalang dito sa condo mo, walang mag-aasikaso sayo." May halong pangamba na aniya. She's really worried about me and I know that she genuinely cares dahilan para mas lalo akong ma guilty.
"T-tatawagan ko nalang si nay Saling.. papupuntahin ko nalang siya dito nang sa gano'n ay may kaagapay ako." I lied.
"Are you sure? Pwede naman akong mag stay muna dito-"
Hindi na natapos pa ni Beatrice ang kanyang sasabihin ng bigla na lamang umikot ang paningin ko kaya agad akong napahawak sa kanya.
"Ena.."
Unti-unti akong kinain ng dilim hanggang sa hindi ko na nakayanan at tuluyan na akong nawalan ng malay and when I woke up ay nasa isang hospital na ako.
"My goodness! Pinag-alala mo 'ko, Ena." Ang pagmumukha ni Beatrice ang unang tumambad sa akin.
"A-anong nangyari?" Halos pabulong na tanong ko.
"You suddenly passed out kaya agad akong humingi ng tulong para dalhin ka dito sa hospital and guess what?.." biglang nag-ningning ang mga mata nito sa tuwa. Eh?
"A-ano?"
"The doctor said you're four weeks pregnant! Congrats, siszt!"
Tila biglang tumigil sa pag ikot ang mundo ko matapos marinig ang sinabi ni Beatrice.
B-buntis ako?..
"Ikaw ha, ni hindi mo man lang naikwento sa akin na may boyfriend kana pala. Ipakilala mo agad 'yan sa akin nang makilatis ko." Malapad ang mga ngiting ani Beatrice. Kung alam niya lang...
Bago pa man ako makapagsalita ay bigla na lamang bumukas ang pinto nitong kwarto at pumasok mula duon ang isang matangkad at gwapong lalaki na may malamig na ekspresyon. Walang iba kun'di si Gov. Enrico Deogracia. My sister's husband.
"And who is that boyfriend of yours, hm Selena?" May halong diin na usal nito kaya bigla akong kinabahan lalo pa nung makita ko ang pag igting ng kanyang perpektong panga.
BINABASA MO ANG
She's The Governor's Mistress
RomanceSa hindi inaasahang pagkakataon, sa laro ng tadhana, isang pag-iibigan ang nabuo mula sa ipinagbabawal na pagsasama. Si Selena ang pumukaw sa attention at pagnanasa ni Enrico, ang gobernador at maimpluwensiyang tao sa kanilang syudad. Papayag ka ban...