My Twitter Boyfriend (One-Shot)

1.5K 44 6
                                    

My Twitter Boyfriend (One-Shot)

By: ErickaObre

--

Naranasan mo na bang mainlove?

Siguro sa panahon ngayon, oo. Pero naranasan mo na bang mainlove ng dahil lang sa Twitter?

I'm sure naman hindi. Kasi alam kong conservative ang mga tao ngayon, dahil hindi lahat ng nakikita natin sa internet ay totoo pero alam ko din naman na may ilan na nagroon na ng lovelife dahil sa mga social networking sites..

Ito ang love story ko! Nang dahil sa Twitter, na alam natin na isa sa mga pinakasikat na social networking sites sa buong mundo ay nagkalove-life ako.

Isang kakaibang love story ko..

--

Nasa canteen ako ng school namin ngayon at nagne-netbook ako habang nakain ng snack. Free time kasi ngayon eh kaya eto, tambay muna ang drama ko!

Eto nga pala ang daily routine ko kasi lagi ko nakikita ang ultimate crush ko na si Lance Hererra everytime na nagpupunta ako dito kasi eto din ang tambayan nila eh.

"Lia! Hoy Lia Garcia! Tulala ka na naman dyan?" Sigaw sa akin ng bestfriend kong baliw. Oo Lia nga ang pangalan ko, now you know. At sya naman ang bestfriend kong si Trish. 15 years old na din pala kami.

Nasabi ko na ba na adik ako sa Twitter? Kung hindi pa, ayan nasabi ko na. Sa Twitter ako na-adik kasi para sa akin laos at boring na ang facebook.

Nagt-twitter ako ngayon at minsan pasulyap-sulyap nalang kay Lance. Hays, hanggang ganito nalang talaga ako, STALKER kumbaga. Pero stalker nga ba ang maitatawag nyo sa isang napakagandang nilalang na katulad ko? Bahala na kayong humusga. Kailangan ko na talagang magmove-on sa kanya, kasi alam ko wala na talaga akong pag-asa kay Lance. Kaya't nag-tweet nalang ako.

@GarciaLia: It's time to move-on.. </3

*Tweet Sent*

At ayun, ilang minuto lang marami na ang nag-RT and Favorites ng tweet ko. Marami na din kasi akong followers kaya ganuon. Habang nagche-check ako ng profile ko, nakita ko may nag DM sa akin. Binuksan ko naman yun.

"@AcostaJohn: Hello, Lia right? Pwede bang maging friend mo?"

Sabi nya sa DM. Wow! Feeling close?! Friend agad? Pero dahil, friendly ako at mabait na bata ako eh eto ang nireply ko.

"@GarciaLia: Oh hi! Sure! Why not? John right?"

Yan na yun. Syempre english speaking muna ako para medyo mukhang sosyal diba? Saka di naman kami personally magkakilala eh! Pero parang familiar yung name eh! Acosta and John? Parang narinig ko na yun, di ko lang sure kung saan.

"@AcostaJohn: Oo, John nga! Uhm, salamat sa pagpayag na maging friend ako."

"@GarciaLia: Wala yun! So, taga saan ka na pala?"

"@AcostaJohn: Taga-Cavite ako."

"@GarciaLia: Oh, same place tayo! Saan kang school?"

"@AcostaJohn: Sa Cavite National High school."

"@GarciaLia: Oh, dito ka rin sa school namin nag-aaral? Pero hindi ko lang alam kung nagmeet na tayo."

"@AcostaJohn: ahh, ganun ba? Hindi ko lang alam eh!"

Hindi lang yan ang convo namin, medyo mahabahaba pa pero dahil tamad si author, hindi na nya inilagay. Ilang minutes din kaming nag-usap pero naputol yun dahil klase na ulit namin ngayon. Nagbabye na kami sa isa't-isa.

Ewan ko pero kahit hindi ko pa sya talaga nami-meet in person, ang gaan na ng loob ko sa kanya. Parang matagal na kaming magkakilala tapos feeling ko crush ko sya. Kasi feel ko ang pogi nya eh, tapos ang bait nya. Hays, nako. Landi ko naman! Hindi ko pa nga sya nakikita pero crush ko na? Pero, crush lang naman diba? Saka para makatulong sa pag-move on kay Lance my loves diba?

My Twitter Boyfriend (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon