Ramses in Niraseya (Kabanata 40)

5.3K 121 7
                                    

Kabanata 40

“Masamang nilalang”

 

 

            Sumilip si Ramses sa may bangin at nakita nyang may mga Reme pang nakasabit sa tagiliran nito. Naisip nyang lapitan ito isa-isa.

            “Pu wa nik!” bumukas ang pakpak ng kanyang sapatos. Papalipad pa lang si Ramses pababa sa mga Reme ng biglang may isang ibon ang mabilis na lumilipad papaitaas. Dahil sa lakas ng hangin at pwersa ng ibon ay nawalan ng balanse si Ramses. Dire-diretso ang kanyang pagbagsak at hindi nya ito napigilan.

            “Ramses, ayos ka lang ba?” tanong nila Perus at Ryona mula sa itaas.

            Bumagsak si Ramses sa tila pulang lupa. “Oo, ayos lang ako. Hindi naman ako nasaktan.” Tumayo si Ramses at  tiningnan kung gaano kataas ang kanyang kinalaglagan.

            Hindi pa man sya nakakaisip ng paraan para makabalik ay biglang gumalaw ang kanyang tinutuntungan. Yumanig ang paligid at napaupo ang dalaga.

            “A – anong nangyayari?” bulong nya sa kanyang sarili.

            “Pangahas ka para istorbohin ang aking pagpapahinga!” boses ng isang malaki at galit na hayop.

            Tumingin si Ramses sa paligid upang hanapin ang hayop na ito. Laking gulat nya ng biglang bumukas ang mga pakpak ng inakala nyang pulang lupa.

            “H – hindi.” Nanginginig na sabi ni Ramses sa sarili.

            Nagulat sya ng makitang ang pinakamalaking Reme pala ang kanyang nabagsakan. Hindi na nya ito napansin sa sobrang laki nito.

            Lumingon ang Reme sa kanya na tila nag-aapoy ang kanyang mga mata.

            “At talagang pinili mo pang magpahinga sa likuran ko pangahas ka!” galit na galit ang ibon.

            “Pu wa nik!” dahan-dahang lumipad si Ramses. “Patawad po kung nagising ko kayo. Hindi ko naman po sinasadya. Nawalan lang po ako ng balanse kaya’t nahulog ako dito sa inyong likuran.” Lumipad pa ng mas mataas si Ramses. “Sige po, babalik na po ako sa itaas para maipagpatuloy nyo na inyong pagpapahinga.”

            Lumipad si Ramses pabalik sa itaas ng marinig nyang tumatawa ang Remeng kanyang binagsakan.

            “Kung gayon, ako pala ang nagligtas ng iyong buhay. Dapat siguro’y magpasalamat ka sa’kin.” Tumawa ng malakas ang Reme habang ibinubukas ang kanyang mga pakpak.

            Bumalik si Ramses at pumunta sa harapan ng Reme. Nakalutang sya sa mismong mukha nito. “Maraming salamat po. Dahil sa inyong kalakihan, nailigtas nyo ang aking buhay.” Tumungo ang dalaga at umalis na.

Ramses in Niraseya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon