Ramses in Niraseya (Kabanata 58)

4.7K 92 5
                                    

Kabanata 58

“Leman”

“Bakit ba parang ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kasiyahan sa buong buhay ko? Teka, ano bang naging buhay ko?” tumigil sandali sa pagtawa si Ramses at tumingin sa dalawang kaibigan. “Alam nyo ba kung anong naging buhay ko?”

Nagtawanan sila Perus at Ryona habang patuloy pa din sa pagkain ng inihahanda ng mga babaeng nakapaligid sa kanila. “Ito ang buhay natin. Ang sarap ng buhay dito. Kung mamamatay nga ako ngayon ayos kasi masyado na kong nabuhay sa ganitong kasiyahan.” Pahayag ni Ryona na patuloy pa rin ang pagtawa.

Hindi maintindihan ni Ramses kung anong nangyayari kaya’t nakitawa na lang sya sa dalawang kaibigan at kumain din ng kinakain ng mga ito. Ilang sandali pa ay hindi mapakali ang dalaga at tiningnan ang paligid.

“Ryona, Perus bakit ganun? Parang mababaliw na ata ako. Ang saya-saya ko pero yung pakiramdam ko parang ang lungkot. Ano kayang problema ko?” tumatawang tanong ni Ramses.

Hinagisan ni Perus ng pagkain ang kaibigan na ikinagulat nito. “Wag kang masyadong mag-isip. Hindi bagay sa’yo. Baka mapagod ka lang.” Muling tumawa ang binata at dumapa para magpamasahe sa mga babaeng nandun.

Hindi napansin ni Ramses na sa pagtawa nya ay kasabay ang pagpatak ng kanyang mga luha. “Ano kayang nangyayari sa’kin. Ang saya-saya ko pero parang nasasaktan ako. Sino kayang makakasagot sa mga tanong ko.” At muli syang tumawa. Sa wala nilang humpay na pagtawa ay unti-unti silang nanghihina ng hindi nila napapansin.

Maya-maya ay may pumasok na isang malaking lalaki sa loob ng silid. “Nagustuhan nyo ba ang buhay dito sa aming kaharian?” tanong nito sa tatlo.

“Oo. Gustong-gusto namin.” Tumatawang sagot ni Ryona ng bahagya syang napatigil. “Teka, anong lugar nga ba ‘to? Hindi ko kasi maalala eh. Tsaka sino ka ba?” pagtatakang tanong ng dalaga.

“Sino ka nga? Nandito ka ba para sirain ang masaya naming buhay.” Tumayo si Perus at nilapitan ang lalaking kakapasok lamang sa silid.

“Huminahon kayo. Nandito lang ako para sabihin sa inyo na wala akong balak sirain ang maganda at masaya nyong buhay. Ang nais ko lang sana ay tumupad kayo sa inyong mga pangako.” Natahimik ang tatlo sa narinig ng lalaki at napantingin sila dito.

“Ano bang pangako namin?” tanong ni Perus.

“Na uunahing paslangin ang hindi naging masaya sa kanyang buhay.” Seryosong sabi ng lalaki.

Muling tumawa sina Ryona at Perus. “Sigurado akong hindi ako ang mapapaslang. Ang saya-saya ko kaya sa buhay ko ngayon.” Muling kumuha si Ryona ng prustas sa may mesa at kinain ito. “Napakasarap talaga ng pagkain na ‘to. Parang natatanggal nya lahat ng nararamdaman ko sa katawan.”

“Hoy wag mo kong ubusan!” sigaw ni Perus na mabilis na nakipag-agawan ng pagkain sa kaibigang si Ryona.

Napangiti ang lalaki habang pinagmamasdan ang dalawa sa pag-aagawan sa pagkain. Nawala ang kanyang ngiti ng makita nya si Ramses na tulala at walang humpay ang pagtulo ng mga luha nito. Nilapitan ng lalaki si Ramses at sinubukang abutan ito ng pagkain.

Ramses in Niraseya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon