KABANATA 24
“HINDI INAASAHANG KAPAHAMAKAN”
Unang Bahagi
Natapos ang pagsasanay nila ng mahika gamit ang mga hayop. Ipibalik din naman agad ni Madam Nema ang mga hayop sa pinaglalagyan nito.
Parang ayaw pa ni Ramses na ibalik ang hunyangong kanyang nakuha ngunit nakatingin sa kanya si Madam Nema. Habang inilalagay nya ang hunyango sa lagayan ay bumulong ito.
“Gusto mo bang manatili sa kulungang yan?” bulong ni Ramses.
“Syempre ayoko, hindi sa bawat pagkakataon nakakalabas ako ng kulungan at nakakapaglibot. Kaya pakiusap, ilabas mo na ako dito,” pagmamakaawa ng hunyango.
“Ganun ba? Kung gayon, kinakailangan mong itago ang sarili mo para maalis kita dyan.” Mahinang sagot ni Ramses.
Dahan-dahan nyang binitawan ang hunyango. Ilang saglit pa ay nagpalit ito ng kulay upang hindi makita ng mga nandoon lalo na ni Madam Nema.
Mabilis na gumapang ang hunyango sa loob ng manggas ni Ramses. Hindi napigilan ni Ramses na mapatawa dahil nakikiliti sya sa mga paa ng hunyango.
“Anong problema mo Ramses?” masungit na tanong ni Madam Nema.
“Wa – wala po. Nasasabik lang po ako sa mga susunod na mahikang ituturo nyo.” Pagpapaliwanag nya habang pinipigilan ang kanyang pagtawa. “Lalabas na po ako.” Pagpapaalam ni Ramses at nagmamadaling lumabas ng silid.
Agad naman syang sinundan nila Ryona at Perus palabas.
“Ramses, may problema ka ba? Kasi parang kanina ka pa wala sa sarili?” Pag-uusisa ni Perus habang tinitingnan mabuti ang kaibigan.
Tumigil sandali si Ramses at humarap sa dalawang kaibigan. Ngumiti lamang sya na parang may nais ipahiwatig.
Tila nakaisip naman ng ideya si Ryona kaya’t hinigit nya ang kaibigan at nanakbo sila.
“Ryona, san mo na naman balak pumunta?” tanong ni Perus habang sinusubukang sundan ang dalawang kaibigan.
Biglang lumiko ang tatlo. Napasandal sila sa pader dahil narinig nilang may paparating.
“Hindi ka pa rin ba nadala huh Ryona? Matapos ng mangyari sa’tin, ngayon gusto mo na namang maulit? Paano kung hindi na tayo makabalik?” Mahinang tanong ni Ramses na kinakabahan sa ginagawa nila.
“Huwag kang mag-alala Ramses, maglilibot lang ulit tayo. Maraming lihim ang kastilyong ‘to. Dapat natin yung malaman.” Natutuwa si Ryona habang nakatingin kung may dadaan nga sa may tigiliran.
Nang mapansin nilang tahimik na ang lahat, naisipan na nilang maglakad at libutin ang kastilyo.
“San mo ba talaga balak magpunta, ha Ryona?” Parang naiinis na si Perus, pero nasunod pa din sya sa kaibigan.
“Ayun.” Nakakita si Ryona ng dalawang pintuan. Nanakbo sya papalit dito. Sinubukan nyang buksan ang may kaliitang pintuan sa kanan.
“Ang malas natin, mukhang nakasarado ang mga pintuan dito.” Muli ay sinubukan nyang buksan. “Ayaw, talaga. Perus, subukan mo naman.” Umatras si Ryona at lumapit si Perus sa pintuan. Ngunit maging sya ay hindi mabuksan ang pinto.
BINABASA MO ANG
Ramses in Niraseya (COMPLETED)
FantasyKwento ng isang dalagang lumaki sa normal na mundo ng mga tao. Tinangka syang itakas ng kanyang mga magulang sa Niraseya upang mapalayo sa kamay ng mangkukulam na si Bhufola. Lumaki si Ramses sa pangangala ng kanyang tiyahin na si Ileta. Ngunit luma...