Sidelines 4 - The invitation.
CHANDRIA
Yumuko ako para ilebel yung mukha ko sa mukha ng anak ko. Tears still evident on his face. "Be a good boy, okay?" Sabi ko sa anak kong five years old bago ko siya hapitin para yakapin. "Mommy will miss you."
Hihiwalay na sana ako sa yakap namin nang yumakap siya sakin ulit at doon na ulit naiyak. "A-Angelo will miss Mommy too." He cried.
I tried my best to suppress all my emotions. "Sigurado ka na ba dito?" Tanong ni Mommy sakin habang buhat buhat na niya si Angelo.
I nodded. "Eto naman po talaga yung plano ko diba. Bumalik kapag pwede na. Kapag naabot na niya yung mga pangarap niya." I smiled at the thought of Dan being so successful. "Babalik din po ako agad. At isasama ko siya para makilala niya narin si Angelo." Huling sabi ko bago magpaalam sakanila.
Pagupo ko palang sa airplane ay nakaramdam na agad ako ng kaba. Hindi na kasi ako nakikibalita kay Yassi tungkol kay Dan. I cut all means of communication with them dahil mas nahihirapan ako tuwing malalaman kong naglalasing na naman ito.
Nakikibalita nalang ako tuwing may article sa internet tungkol sakanya. Isa na kasi si Dan sa pinakasikat na architects sa Pilipinas, at dahil nga 25 palang ito ay talagang pinaguusapan siya lagi. Youngest most successful architect in the Philippines, as they call him.
Pagdating ko sa dating bahay namin ay agad akong nakaramdam ng pagod. The flight was tiresome, that is. Hinubad ko ang sapatos ko at sumalampak ako sa dating higaan ko. I badly need a good sleep.
I woke up with the ray of sunshine striking my eyes. "Shit. Ang init." I hissed as I sat up. Tanghali na pala kaya naman pala tirik na tirik na ang araw. Noong umalis kami ng Pinas ay sadyang mainit na dito, pero parang mas uminit pa ata ngayon.
Kinuha ko ang phone ko at agad na tinawagan si Mommy. "Hello Mommy!" Narinig ko agad ang masiglang boses ni Angelo sa kabilang linya. A smile automatically formed in my lips. How I missed waking up to his lovely greetings.
Halos isang araw palang mula ng huling makita ko ang anak ko pero miss na miss ko na siya. "Hi, baby. How are you?" I asked him. "You should go to sleep na. Late na." Sabi ko sakanya.
Nakakaintindi at nakakapagsalita naman ng tagalog si Angelo. Sa bahay kasi ay tagalog parin kaming magusap nila Mommy. Although mas madalas siyang masanay sa English dahil mga english speaking ang mga classmates niya.
"Im fine Mommy. Kita mo na po Daddy?" Aniya.
I shook my head. "Not yet baby." I sighed. "Matulog ka na, okay? Goodnight." Sabi ko sakanya.
"Goodnight Mommy. I love you." He said and I heard the line went dead. Ibinaba ko ang phone ko at tsaka ako nakaramdam ng gutom.
Tinungo ko ang kitchen nang maalala kong anim na taon na nga palang walang tao dito. Malamang ay walang stock ng pagkain. I groaned. Im fucking hungry!