Prologue: Somewhere in the Philippines

18 0 0
                                    

UNSPECIFIED TIME (AROUND 1940s)

SA ISANG malawak na hardin ay may isang binata na nakatitig sa isang kulay pulang bulaklak ng isang di kilalang halaman. Mataas ang sikat ng araw, sabay sa pagpatak ng pawis sa kaniyang noo ang pag-angat ng mga titig niya sa tangkay ng bulaklak. Kung titignan ng maigi ay sa mga tinik ng naturang tangkay ng bulaklak nakatuon ang buong atensiyon ng binat. Tila winawari anong uri ng halaman ito at sa tanang buhay ay ngayon lamang niya nasilayan. Ang kaniyang ina ay dalubhasa sa usaping pag-aaral ng iba't-ibang uri ng halaman sa Pilipinas. Ito ay kilala na botanist sa bandang hilaga kaya naman ay lumaki siyang interesado sa mga halaman at kaakibat na pag-aaral ukol dito.

Halos kalahating oras na siya nakatitig sa halaman. Kakaiba ang kulay ng dahon at tangkay nito at hindi siya sigurado kung ano ito, kaya kunot-noo niyang hinawakan ang bulaklak habang may suot na guwantes.

Natigil lamang siya sa kaniyang ginagawa nang marinig ang papalapit na kalesa sa kaniyang bandang likuran ilang metro ang layo. Maririnig ang bigat ng mga yapak ng kung sino mang bumaba galing sa kalesa. Nakita niya ang tatlong lalaki na nakasout ng damit na kung titignan ay tila suot pangdayuhan. Mga amerikano? Hapon? Sa isip ng binata. Napailing lamang siya dahil tila napapadalas ang pagbisita ng mga naturang dayuhan sa tahanan ng kaniyang lolo. Maingay niyang hinawakan muli ang talulot ng bulaklak.

Ano kaya ang sadya ng mga ito? Dala ng kuryusidad ay naisip niyang sumabay sa mga dayuhan papasok sa malaking bulwagan ng kaniyang negosyanteng abwelo. Kunot ang kaniyang mga noo habang nakatitig sa mga panauhin.

Nagtagpo muli ang kaniyang makakapal na kilay nang makita ang tila kaedad o baka ay mas nakababata pa sa kaniya na kasama ng mga dayuhan. Hindi siya sigurado kung Pilipino ba ito o may dugong hapon. Nagtataka siyang sumunod sa direksyon ng mga ito, madalas ay matatanda ang bisita ng bahay.

Wala ni isa ang nag-utal ng salita sa mga bisita at ramdam niya ang tensiyon sa pagitan ng mga ito. Ang mas ipinagtataka niya ay ang binata na nasa unahan, kung papansining maigi ang galaw ng mga ito ay tila ito ang kanilang lider. Lumihis na lamang ng lakad ang binata at nagtungo sa silid.

Tumatak sa isipan ni Noa ang misteryosong halaman at mga bisita. Nang dumating ang kaniyang ina mula sa ilang taong pagsasaliksik ay bumiyahe na rin sila pauwi sa kanilang tahanan, malayo sa siyudad.

" Is there any problem, son?" Tanong ng ina. Ang kaniyang ina ay nagta-trabaho sa ilalim ng mga amerikano kaya nasanay na lamang siyang Ingles ang palaging ginagamit nitong wika. Tulalang nakatitig si Noa sa kaniyang ina. Wala sa sariling napailing ang binata.

"No mom, I just wonder...anong uri ng halaman kaya iyong nakita ko sa hardin ni lolo?" Bigkas niya na tila para sa sarili. May pagtatakang reaksiyon naman ang kaniyang ina sa kaniyang tanong dahil ang totoo si Noa ay magaling na estudyante ng pagdating sa botany. Ngayon lamang nakita ang anak na tila walang alam sa isang halaman. Inilarawan na lamang nito ang bulaklak at tinik ng halaman.

Gulat at sindak ang unang pinakitang reaksiyon ng kaniyang ina at agarang tumayo at nilapitan ang anak na nakaupo sa sala. Kakaiba ang mga galaw nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Bigkas ng kaniyang ina na may halong pag-aalala. "Wala ka bang naramdaman o nakitang kakaiba?" Mabilis na tadtad na tanong nito. Naguguluhan man ay umiling lamang si Noa. Anong mayroon?

"Wake-up!" Sigaw nito na kaniyang pinagtataka.

Hindi na muling nagsalita ang kaniyang ina. Si Noah naman ay napatitig na lamang sa kawalan. Inaalala ang huling sandali na nakita at hinawakan niya ang halaman. Isa ba itong uri ng halaman na nakalalason o uri ng halaman na hindi dapat hinahawakan?

Bago pa man tuluyang ipikit ni Noa ang kaniyang mata ay nahinuha niya na parang pamilyar ang mga sandaling ito. Mabilis siyang napadilat at nagtungo sa kanilang silid. Hinalungkat niya ang bag at nakita ang ginamit niyang guwantes. Ilang minuto niya itong pinag-aralan pero wala naman siyang napansin na kakaiba.

Between our JourneyWhere stories live. Discover now