CHAPTER 1: Trouble Magnet

9 0 0
                                    

21st CENTURY

ELI

"ELI!"

Halos hindi ako makahinga sa pagod at lamig. Hindi naman maitatangging mahina ako pagdating sa pisikal na aspeto. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mahuhuli rin ako, na palagi namang nangyayari.

Pagkakataon nga naman. Kanina pa ako tinatawag ng parak na 'to. Alam ko namang habulin ako ng malas pero bakit napa overtime yata ngayon.

Napasilip ulit ako sa relo, di maiwasang mapamura sa oras. Lagpas alas-dose na ng madaling araw. Napailing na lang ako bago lumabas sa pinagtaguan. Narinig ko pang tumaghoy ang parak bago ako lapitan. Habol hininga niyang itinutok ang hawak niyang baton sa direksiyon ko.

"Lalabas din naman pala, pinahirapan pa ako." Ika niya ng may halong pang-iinis. Hindi ako nagpakita ng reaksiyon, ayaw kong matalo sa laro niyang angas-angasan. Mas matangkad siya sa'kin at di hamak na mas malaki ang pangangatawan. Nakasuot pa ito ng uniporme.

"Sinasabi ko sa'yo Sandoval kahit ikaw pa ang apo ng mayor ay hindi kita aatrasan."

Matikas ang tayo niya at kahit pa sabihing konti lang agwat ng edad namin ay kayang-kaya niya lang akong ibalibag kung gugustuhin. Sadya niya pang pinakita ang dalang posas, as if trying to show who has the upper hand here.

Nang akmang hahawakan niya ako ay bigla na lang may sumampa sa balikat ng pulis. Nagulat pa ang isa sa biglaang pag-akbay sa kaniya ng isang lalaki. Kahit medyo madilim ay kita ko ang malawak nitong ngising aso. Agad siyang napatingin sa'kin pero nagkibit-balikat ako bago ngumisi pabalik.

Sinulit ko na ang pagkakataon at agad tumakbo papalayo. Napalingon pa ako nang marinig ang mura ng lalaking bagong dating bago hinanap ang posas. Nagulat ako na nakuha niya ito at mabilis na tumatakbo sa tabi ko. Napailing na lang ako bago lumingon ulit kay Police officer Sandoval, ang pinsan kong police rookie na naatasang magbantay. Wala siyang ibang nagawa kundi ang tawagin ako sa buong pangalan, mulit.

"Nice watch! Roger a." Bigkas ng katabi ko. Kumikinang pa ang mata at lawak ng ngiti. Habol hininga akong tumango sa kaniya bago huminto sa pagtakbo. Ngayon ay nakatayo kami sa may poste kung saan pupundi-pundi pa ang ilaw. Naaninag niya pa ang relo ko sa gitna ng dilim.

Ang totoo'y hindi ko kilala kung sino man ang nilalang na'to. Kaya nakakapagtakang makita ang kagaya niya dito. I don't know him personally pero sa kalkula ko ay siya iyong palaging laman ng reklamo ng mga parak sa opisina ni lolo. Isang binatang sakit daw sa ulo. Bukod sa'kin ay wala pa naman akong nakikitang nanggambala ng parak maliban sa kaniya. Malamang ito ang talk of the town great troublemake of this great city.

"Baguhan?" Tanong niya. Una ay hindi ko naintindihan ang sinasabi niya pero ilang sandali lang ay pinakita niya ang posas. Natawa na lang ako bago umiling. Napalingon ako sa paligid. Madaling araw na at sa pwesto lang namin ang may ilaw.

"Ay? Akala ko may ginawa kang mahapdi sa mata ng batas. Kung habulin ka ng parak parang primary suspect ka ng homicide a." Iling-iling na lang siya bago yumuko at nagpunas ng pawis.

Iniisip pa yata nitong katulad niya ako. Isang kilalang kawatan. Batikan at sikat sa grupo.

Hindi ko alam ang pangalan pero ang sabi ay may iniimbestigahan daw ang pulisya ngayon. Maraming mahahalagang impormasyon at bagay daw ang nawawala sa lungsod. Iilan daw ang hininalang sangkot. Hinihinalang grupo daw ang may gawa.

"Eli Sandoval, bakasyon lang."

"Sus dayuhan pala." Rinig kong bulong nito bago may idinagdag, " Uy! Totoo pala sinasabi ng parak, Sandoval? Kamag-anak ng mayor?" Naningkit pa ang mata ng loko. Napasandal na lang ako sa poste at payak na ngumiti.

Between our JourneyWhere stories live. Discover now