NATIGIL naman si Matias at napatingin din sa direksiyon ni Atlas na ngayon ay tahimik lang na nakamasid. Nagtaas lang ako ng kilay sa kaniya hinihintay na ipakilala ang tauhan.
"Ay Eli may kasama pala tayo..." Obviously.
Hindi ko na pinansin si Matias at tuluyan nalamang na humarap sa isang kasama. Ngumiti ako bago ilahad ang kaliwang kamay. Hinihintay kong magpakilala siya pero nakatingin lang siya bago tumango.
Kinuha ko na lamang ang kamay nito at nagpakilala." Eli Amiri Sandoval, pwede mo akong tawagin sa kahit alin diyan. Ay! Bawal pala Sandoval, it reminds me of someone." Tumango pa ako hinihintay siyang magreact pero bigo ulit. Inaasahan ko naman na base sa narinig ko kay Matias ay hindi ito hilig makisama. Halata nga.
"Eli meet Atlas siya iyong sinabi ko dati sa'yo, kasama natin siya sa mission." Mission? Kailan pa nahilig sa palabas 'to si Matias. Hinayaan ko na lang at inaya na silang pumasok sa kotse pero nagulat ako ng pabiro akong sinuntok ni Matias sa braso. "Bakit na naman?" Reklamo ko pa.
"Jusko ka bro magbubundok tayo, may nakita ka na bang nakokotse sa ganiyang bundok?" Turo niya pa sa may kalayuan.
Di na rin naman ako nakapalag dahil pareho na silang naglakad sa hindi ko alam kung saan. Tinawagan ko na lang si manong Bet para kunin ang kotse total ay malapit lang siya sa area na 'to. Hindi nagtagal ay dumating na rin ito. Nagmamadali naman akong tumakbo sa direksiyon nila Matias at nakita silang naghintay sa tila kubo sa gilid ng dulo ng kalsada na nabanggit ko dati.
Pinagbantaan ko pa si manong Bet na wag na wag magbabanggit kay lolo kung nasaan ako. Sigurado naman bukas o sa makalawa ay makakauwi na kami. Hindi na rin naman nagtanong pa si manong tulad ng madalas niyang ginagawa sa tuwing umaalis ako. Para bang sanay na siya.
Habang binabaybay namin ang daan na unti-unti ng napapalibutan ng damo ay kinausap ko na si Matias. Malayo na ang distansya ng kasama namin dahil parang ito pa ang nagmamadali kesa sa amin. Nahihiya tuloy ako para sa amin ni Matias na may mga kamag-anak na nawawala pero nagawa pang magreklamo at mapagod.
"Bakit kasama natin si Atlas? May nawawala din bang miyembro ng pamilya niya?" Saglit pa kaming natigil pero agad din kumilos nang lingunin kami ni Atlas.
"Hindi mo alam anong pinagdaanan ko para lang makumbinsi si Atlas na samahan tayo. Alam ko ay siya lang may alam sa pasikot-sikot dito sa bundok. 'Tsaka kung hindi ko pa nababanggit ay maraming alam si Atlas patungkol sa Bandosa. Mahalagang asset natin 'yan." Nagtaka naman ako sa mga nasabi ni Matias kahit pa totoo lahat ng mga ito ay paano naman siya nakakasiguro at paano niya nalaman? Siguradong may nalalaman din itong si Matias. Hihintayin ko na lamang na unti-unti silang magbukas ng impormasyon para sa akin.
Ngayon ay unti-unti ko ng nararamdaman ang lamig sa paligid. Kung kailan at saan inaasahan kong papawisan at magrereklamo ako sa init ng Pilipinas ay kabaliktaran pa ang nangyari. Mahina ako sa ganitong klima kaya ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Hindi ko na lang ito pinansin at naglakad na para kahit paano ay pagpawisan ako at tumaas ang temperatura ng katawan.
Ilang oras ng paglalakad ay may natanaw na rin kaming ilog kaya napagpasyahan naming tumigil muna. Nabanggit naman ni Matias na ito daw ang ilog na makapagtuturo sa aming sa lugar na iyon.
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tinutukoy ni Matias na lugar kung saan possibleng nandun ang kapatid niya. Kapag tinatanong ko siya anong meron sa lugar na 'yon at kung paano niya nasasabi na nandun ang kapatid niya ay halatang iniiwasan niya ang tanong. Hindi ko naman na siya pinilit at wala rin naman akong makuhang impormasyon sa isang kasama namin na hanggang ngayon ay hindi ko pa narinig ang boses. Napailing na lang ako sa mga kasama bago lumapit sa ilog at umupo sa may malaking bato.
YOU ARE READING
Between our Journey
AdventureSomewhere on the island of Luzon It's the story of our journey where I'd made my lifetime a worthwhile memory. It's an adventure worth thousands of priceless pages, a narrative worth hundreds of thousands of words. Una kong sinimulan ang journal na...