10

11 3 0
                                    

Room

Ako nalang mag-isa ang natira sa room dahil nagsi-uwian na ang iba, ako ay inutusan ako ng guidance counselor na gawin at ilagay sa box ang mga papel sobrang daming papel na hindi ko alam kung para saan ang lahat ng ito. Ilang oras ay natapos na din ako nakakangalay sobra, minassage ko ang balikat ko, tiningnan ko ang oras sa relo ko it's 3:00 palang ng Hapon. Chineck ko ang phone ko napansin kong nag message si josh. 


JusWaah🫶

Good afternoon! 

Naka-uwi kana? 

Wow bago na typings

Me: Hindi pa

Kanina pa uwian niyo ah? 

Asan ka? 

Paano mo alam kanina pa uwian? 

Hiningi ko yung sched sa teacher mo. 

Bakit mo ginawa yun! 

Kailangan ko. 

Para saan? 

Para alam ko kung anong oras kita pwede puntahan at kulitin. 

That's right! 

Asan ka ngayon? 

Nasa room, may ginagawa. 

Otw

Oki

Binababa ko ang phone ko ng humikab ako at nakaramdam ng antok. Umidlip muna ako sa upuan nilapag ko ang kamay ko at sinandalan ng ulo yun at tsaka umidlip na. Tulog muna ako matagal pa siguro yun siya. 

⋅˚₊‧ ୨୧ ‧₊˚ ⋅

Napansin kong may humahawi ng buhok ko, marahan kong iminumulat ang mata ko blur pa ito masyado kaya anino palang ang nakikita ko, minulat ko ang mga mata ko at sinimulan iakyat pataas ang tingin ko dito,napansin ko si josh na nakaupo at nakangiti ng malambot sa akin ,inilipat ko ang tingin ko sa kamay niya hawak hawak niya ang hibla ng buhok ko.


Bored akong nagsalita.'' Andyan kana pala.'' Umayos ako ng upo.
 

Hindi ba halata.'' Medyo sarkastikong biro nito, naningkit ko siyang tinignan. 
 

Kanina kapa?'' Maayos kong tanong.
 

Siguro.'' Hindi siguradong sagot nito.
 

Ano ba nagtatanong ako ng maayos e,tapos bakol bakol iyang sagot mo! Ini-inis mo ba ako?'' Irita kong bulalas sa kanya at pinasamaan siya ng tingin.
 

Baby kalma...Huwag mo naman akong bigyan ng dahilan para tabihan ka~" Pagkanta nito na lalong magpainis sa akin. 


Baby kalma ka dyan. Ikaw kasi hilig mangasar at manginis.'' Inikutan ko siya ng mata, hindi ako makapagsalita ng lumapit ito sa akin sobrang lapit ng mukha namin, tumingin ito sa baba ng labi ko. Muling iniharap ang tingin sa akin at ngumiti.'' Ang ganda mo kahit palagi kang nai-inis sa akin.'' 
 

Namula ako sa sinabi niya , hindi ko mawari kung ano ang binabalak niya bakit napakalapit ng mukha niya.


Palagi ka nalang may toyo.'' Ngumiti siya sa akin.
 

Anong gagawin mo kung ganon.'' Diretso at kinakabahan kong sagot.
 

Araw-araw kitang liligawan.'' Ngumisi siya at agad akong napapikit sa ginawa niya, naimulat ko ang mata ko ng halikan niya ako sa noo at hindi sa labi ko, akala ko pa naman sa labi sa noo pala. 


Para saan yun?'' Tanong ko.

Para san pa? Edi Para sa magandang nililigawan ko.'' 


Tch talaga naman.'' I chuckled softly.  

Ang ganda gumiti.'' Pinisil niya ang pisngi ko.  

Aray huy.'' Hinampas ko siya.'' Ang sakit ha.'' Ngumiti ako.


Hinatid ako niya ako  pauwi sa labas nang condo ko at tsaka nagpasalamat naman nagsimula na akong maglakad pa-alis nang bigla niya naman hinatak ang braso ko tinignan niya ako nang may pag-alala. Napansin niyang bakas sa mukha ko ang pagod ngayong araw kaya naman labis siyang nag aalala pero agad ko naman siyang nginitian at sinabing okay lang ako dahil pagod lang naman ito. 

Gweny babes..''Bulong nito sa akin..''Hmm yes?''Sabi ko. 


I know you're tired,your eyes can't lie.''Bulong niyang mahina sa akin habang mahigpit akong niyayakap. 


Ang drama ang lalaking ito ngayon na. Pagod lang naman ako oo. 

Magpapahinga ako after nito. Huwag kanang mag-alala.''Sabi ko at binigyan siya ng maliit na ngiti. 


Wag mong pagurin ang sarili mo please. If you're tired and have a problem, whatever it is, tell me, gweny , I'm ready to help you, I'm here.  

Huminga ako at ngumiti ng malambot sa kanya dahil sa mga sinabi niya.'' I know. Thank you and i lov-.'' Napatigil at napatakip ako sa muntik
 

Tuloy mo.'' He command.

I love you?'' Mahina kong sabi.
 

Isa pa hindi ko narinig.'' Sabi nito.
 

Bungol i love you nga.'' 
 

Shet talaga naman.'' Napahawak siya sa noo niya. Bahagya akong natawa.

Totoo bang ikaw nagsabi nun?'' 

Ano? hindi siguro.'' Minasamaan ko siya ng tingin.''Una na nga ako.'' Ng papasok na ako ay narinig ko siyang sumigaw dahilan ng napalingon ako masama siyang tinignan. The hell. 

Gweny I love You Too din.'' Sigaw nito at kumaway ng nakangisi sa akin.

Crazy In LoveWhere stories live. Discover now