12

7 2 0
                                    

Date

Parang nakakahiya yayain, at talagang ako pa ang nahihiya ngayon, jusko lord gabayan niyo ako...Wala na oa na ako." Bulong ko sa sarili habang naglalakad hawak hawak ang dalawang ticket, naglalakad ako kung saan banda ang basketball court, dahil andoon si josh sinabi sa akin ng isa sa mga tropa niya na nandoon siya kaya iyon pumunta ako, para yayain siya .

Ng makalapag na ako sa pinto ng court ay napatingin ako sa dalawang ticket."Bakit ba kasi hiyang hiya akong yayain siya, parang yayain lang naman."


Muli kong ibinalik ang tingin ko sa mga naglalaro, habang nakapwesto parin sa pintuan, iginala ko ang tingin ko , napasulyap ako sa kay Enzo pawisan ito, sa sinag ng araw ay nakikita ko ang maamo niyang mukha ang gwapo niya sobrang gwapo, hinagis sa kanya ang bola at agad niyang inishoot ito.


Hindi ko namalayan na itinagilid niya ang tingin sa akin mula sa malayo, napakurap ako at napangiti ng pilit itinaas ko ang kamay ko para kawayan siya ng marahan.


Ngumiti siya sa akin, at agad na ipinasa ang bola sa mga tropa niya, napansin kong papalakad siya papunta sa akin . Narinig ko rin ang ilang asaran ng mga tropa niya.


Hi." Malambot niyang pagbati sa akin.


Ngumiti ako." Hello." Sabi ko at agad na itinaas ang ticket agad , sabay ngisi.

Ano yan?" Kunot noo niyang sabi at sabay ngisi.


Ticket."

Para kanino? Ticket para saan?" Sunod sunod niyang Tanong.

Par-" Hindi ko natapos ito ng napatingin ako bigla sa mga mata niya, para akong kinakabahan na Iwan ang OA parang yayain mo lang siya gwen  OA ka.

Hm?Para ano." Inilapit niya ang mukha niya ng kaunti sa akin para alam ang buong sasabihin ko.

Sa lapit ng mukha niya ay naramdaman kong tumibok bigla ang dibdib ko, inilayo ko siya sa akin at hinampas sa dibdib niya ang tingin.

Para sa atin kanino pa ba?" Nahihiya kong sabi habang nakataas ang kilay sabay iwas ng tingin sa kanya.

Napansin kong wala siyang imik, kaya ibinalik ko ang tingin ko sa kanya." Yayain sana kita mag sine, kaso baka ayaw mo? " Mahina kong sabi.


Ayaw mo ba? Wala kang imik eh? Nung sinabi kong para sa atin dalaw-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng takpan niya ng isang daliri ang bibig ko.

Wala akong sinabi na ayaw ko, tsaka manliligaw mo ako , bakit ako aayaw sa lahat ng gusto mo? Sige nga?"  Paliwanang niya at agad na inalis ang diliri niya sa bibig ko.

Wala, tsaka nakakahiya kasi, kaya Akala ko ayaw mo..." Nahihiya kong sabi sa kanya.

Bakit ka nahihiya? Ako lang 'to oh? Nahihiya ka sa akin? Ganyan ba pag sobrang pogi ng niyaya mo mahihiya ka." Pangisi nitong sabi, ang yabang ha. Ano konek nun.

Himapas ko siya sa balikat." Nahihiya nga diba, Dami mong say eh noh."

Sorry na." Tumawa siya ng mahina.

Ano G?" Sabi ko.

G Kailan ba iyan?"

Mamayang hapon."

Anong oras?"

4 o'clock."

Okay, ay Hala!" Nagulat ako ng napasigaw ito.

What? Baliw ka ba ?Bakit?" Minasamaan ko siya ng tingin.

Napahawak siya sa ulo niya." Hindi ko nalabahan yung polo kong binili kahapon, sayang yun sana issuot ko shet. "  Ngumiti siya sa akin.

Nakakatuwa yun OA ka talaga. Meron ka pa naman sigurong damit e, hindi lang isa damit mo, maghanap ka nalang tsaka okay lang sa akin kahit anong isuot mo Wala akong pakialam."

Ganon...edi...okay lang sayo kahit naka dress ako?" Ngumisi siya, nababaliw na talaga siya.

Okay lang! Kung kaya mong isuot isuot mo." Bawi ko sa kanya , dahil alam kong hindi niya naman kayang gawin yun.

Okay! Siguro sa akin wala kadin pakialam..." Mahina niyang sabi ng nakapout.

Tahimik ako at hindi sinagot yung sinabi niya.

Wala ka ngang pakialam, sige practice muna ako , kita kit's nalang mamaya lin." Ngumiti siya ng pilit sa akin at bakas sa tono niya yung lungkot.

Loh?" Pahabol kong sabi.

Bakit?" Seryoso siya.

Natawa ako." Cute mo noh? Baliw ka syempre may pakialam ako sayo, hindi ka ibang tao para mawalan ako ng pakialam. " Ngumiti ako.

Tumaas ang kilay niya at tinarayan ako." Hmmpp" Pag iinarte niya at tumalikod ng pabading na kilos. Halos matawa ako sa ginawa niya.

Baliw baliw ka." Sigaw ko habang natatawa.

Lumapit siya sa akin ng nakangiti ang gwapo niya uy." So kita kits mamaya, dinner date narin tayo my treat." Kinindatan niya ako.

Okay! Una na ako may gagawin pa ako eh." Sabi ko. Tumango siya at nagsimula na akong tumalikod sa kanya at maglakad, narinig kong naghabol siya ng salita.

Ingat labyu."

Hindi ko siya nilingon, ngumisi ako at nagsalita." Labyutoo."

Lumigon ako sa kanya ng may pangangasar na tingin, napansin kong umangat ang kilay niya at ngumiti.

Crazy In LoveWhere stories live. Discover now