Chapter 8

28 2 0
                                    

Chapter 8

Sirius and I both sat on a couch in the living room, quietly looking at the people around us, having fun.

Nilingon ko si Sirius at nakitang tulala pa rin ito. Napanguso naman ako at napatawa nang mahina, mukha nga lang narinig niya iyon kaya lumingon siya sa akin sabay busangot ng mukha.

I never thought there is a much bubblier and cuter side of him. Akala ko kung gaano siya mapaglaro at medyo mapagbiro ay ‘yon na siya, pero may mas ikukulit pa pala ito. Marahil dahil sa mga kaibigan niya ang nasa paligid nito kaya komportable ito ngayon magpakita ng emosyon.

Sa hindi malaman na dahilan ay natutuwa rin ang aking puso dahil nagawa niyang ipakita sa akin ngayon ang ganitong side niya.

He’s cute. I like it.

Namula naman ang mga pisngi ko sa mga naiisip kaya ipinilig ko ang aking ulo sabay angat muli ng tingin kay Sirius na nananatiling tahimik sa aking tabi at ngayon ay poker face na.

Dumating muli sa aming harap si Kieran at may kasama na itong isa pang lalaki.

“Isa.” Pagtawag ni Sirius sa tingin ko sa lalaking katabi ni Kieran. Nilapitan ito ni Sirius sabay fist bump dito at tango naman nung lalaki.

“Hey. Glad you came..” The guy stated then his gaze went to me. “...with someone.” He added.

“Bro, Isagi! You won’t believe what happened earlier.” Wika ni Kieran sabay halakhak.

“What is it?” Bored na tanong nung Isagi.

“Idol ko na itong si-” Tumigil ito sabay lapit sa akin upang umakbay. “Ano nga ulit pangalan mo, miss?” Tanong nito sa akin. Ngunit bago ko ito masagot ay narinig ko ang malamig na boses ni Sirius.

“Parang may gusto akong putulan ng braso.”

Nangunot naman ang noo ko.

“Huh? Sino po? Tsaka hindi maganda ‘yon, makakasakit ka po.” Wika ko kay Sirius sabay nguso rito.

Natawa naman si Kieran sa tabi ko sabay layo sa akin at taas ng dalawang kamay sa ere. Nilingon ko rin ang isa pa nilang kaibigan na si Isagi at nakita ang emosyon sa mga mata nito na tila natutuwa sa nakikita. Sinagot ko na lamang ang tanong ni Kieran.

“Tiffany po.” I said softly.

“Ayon! Tiffany. So ito na nga pre, Isa.” Hindi pa man tapos ang kwento niya ay natatawa na ito. “Haha. Basted si pareng Rius.” At humalakhak na nga.

Basted si Sirius? Nino?

“Anong basted? Sino? I’m not! Sinabi niya lang naman na hindi niya ‘ko boyfriend.” Pag depensa ni Sirius.

Ano?

“Ganon na rin ‘yon, tol.” Sagot ni Kieran sabay tawa at lapit kay Isagi na kita ko na ngayon ang pag ngisi.

“Bro, what happened, huh?” Pang aasar pa lalo ni Isagi kay Sirius kaya naman bumusangot na lalo ang mukha nito.

“Whatever. Let’s go, Tiffany. Let’s ditch this boring birthday party.” Si Sirius, sabay hila sa akin pakunwari kaya pinigilan naman siya ni Kieran.

“Anong boring? Lul, ‘di ka lang boyfriend eh.” Pang aasar pa, kaya tuluyan nang natawa ang dalawang kaibigan.

“Sirius!” Tinig ng isang babaeng palapit sa aming pwesto. Nilingon ko ito at nakita ang isang babaeng naka bestidang pula na hapit na hapit sa katawan nito kaya naman kitang kita ang kurba ng katawan nito. Tinignan ko maigi ang mukha at naging pamilyar rito.

“Hey! Tiana, you came!” Kieran greeted her and gave her a hug.

Oh! It’s the girl in the mall last time.

Nothing NewWhere stories live. Discover now