- PROLOGUE

3 0 0
                                    

Alas-otso na ng unaga nang nagising ako, February 12 na pala, kaarawan ko na pala. Pinuntahan ko na ang aking mga magulang at sabay yakap sa kanilang dalawa. "Birthday ko na po!! ano po regalo niyo sa akin?" Ani ko. Tinignan nila ako nang sabay at hinawakan ang aking kamay. "Anak..lagi mong susuotin itong puting tali na ito..Pag tanda mo ay makukuha mo ang regalo namin." Ani ni 'tay. Pero ang tagal pa non? ani nang aking utak. Pag-tanda? at keylan naman at saan ko makukuha?.

"Pero 'tay, ang tagal pa po ata bago ko po makuha 'yang regalong sinasabi niyo?" I maked face at them. Ayoko nang nag-hihintay. "Kaya mo naman mag-hintay anak, kaya mo yan. Hinintay mo nga kani ng apat na taon para lang makasama mo ulit kami e'!." Nasa abroad kasi sila that time kaya nag hintay ako nang apat na taon. Pero ang hirap!!

"Ma!! Ang hirap kaya mag hintay nang ganoon!" Saad ko kay 'nay. Tinawanan na lamang ako nang mga ito at bumalik sa pag-tratrabaho.
Naku! Eto tayo sa hintay-hintay. Kung tutuosin ay ang hirap mag-hintay nang ganoon!! Kung sana'y akong may hawak ng oras edi kaya kong angkinin agad ang regalong gusto nilang ibigay sa akin, kaso hindi ko hawak eh kaya wala akong choice kundi mag-hintay nalamang.

Maraming naganap sa araw ko. They threw a party at our house, ung mga friends and relatives ko ay naroon. I've turned 16 na and I am so happy dahil malapit ko na maranasan ang matured age! (18)

As I stood at the stage, I took one of our mics and said "Maraming salamat po sa mga pumunta sa birthday party ko na ito.
I appreciate your presence right now, dahil ung iba ay nag leave ng work early for me. Salamat sa mga kaibigan ko na nandito ngayon, our friendship was so unexpected and I will always cherish our memories if one day we all set our ways apart. And sa pamilya ko..
Maraming salamat dahil ipinakita niyo saakin kung paano mag mahal, sa lahat nang sakripisyo na nagawa niyo na halos mamatay na kayo sa ginagawa niyong trabaho para lang sa kinabukasan ko.
Hinding hindi ko sasayangin ang mga pinaghirapan niyo..
Salamat sa mga materyales na bagay Ma..Salamat sa mga bilin mo Pa..Mahal na mahal ko kayo.."
As I said that, may patak na lumabas sa aking mata hanggat sa hindi ko na kayang pigilan. Nakita nila akong umiiyak kaya niyakap ako pati narin ang mga kaibigan ko ay nakisali na. Maraming tao ang nagsigawan at nagpalakpakan nang makita nila ang scenariong naganap doon sa stage na iyon.
Pagkatapos nang ganap na iyon ay nagsiyahan muli ang mga tao.

- 7am

"Pa, pasok na po ako sa paaralan. Mag-iingat po ako, palaam na. Kayong dalawa ha, mag-iingat po kayo. 1 Year palang po kayo rito sa Pilipinas, sulitin na po natin ang araw bago po kayo bumalik sa abroad" Ani ko. Tinawanan muli ako nang mga ito at hinalikan sa pisnge sabay yakap.

Nakarating nako sa paaralan at grabe, marami ang pinagbago. May mga naka sivillian at ang ibang estudyante at naka uniporme, halatang good student ang mga ito.

"Bes!! Hellooo!! kamusta ang birthday girl?" Ani ng aking tatlong kaibigan. Wala paring pinagbago sa kanila. Masaya at masarap parin silang kasama.

"Narinig niyo ba ung news? ung may bago raw transferee? Shet!! Ang pogii!!" Saad ni Crys, aking kaibigan na naka-high ponytail at naka-squared glasses. Siya ang akala nang mga tao na matalino kaso kabaliktaran. Siya ay naka jeans at naka white crop-top na may blazer na kulay peach.

"Hindi pa namin narinig, sino ba iyon? parang hindi naman gwapo." Ani naman ni Cherry na naka french braid style sa hair at naka dress na white na below the knee.
Eto ung taong mayaman sa aming apat, sya lagi ung bahala sa pagkain at kagamitan namin.
Siya ung tipong tao na kapag may kailangan ka ay ibibigay agad nang walang kapalit, basta tunay ka sakaniya.

"Liar!! Just focus on your studies, kaya kayo hindi pinapansin nang mga gwapo kasi kulang kayo sa intelligence." Dagdag ni Lila, Siya ung pinakamatalino sa klase namin.
Laging top one never the two. Siya ay naka White skirt na below the knee at ang pang-taas ay ang uniform. At naka baba lamang ang buhok niya, siya lang din ang may kakaibang buhok compared to others. Ipinanganak na siyang may strands na blonde at halong gold.
Wala naman siyang lahi, hindi namin alam saan niya namana. Pati siya ay hindi niya rin daw alam.

Habang kami'y nag-uusap ay biglang nagsigawan ang mga tao sa paligid. Umagang umaga, may rambulan nanaman? "Hoy tara roon, baka mag nagsuntukan." Ani ko.
Ako naman ung taong ordinaryo lamang, simple ang aking suot walang halong espesyal at naka baba ang aking buhok. Dakilang chismosa rin ako sa aming apat. Kaya dapat lang na ako ang nangunguna sa chismis.

"ANG GWAPOO!!" Saad nang mga nagsi-takbuhan sa harap namin. Sino ba kasi iyon at bakit halos maging garapata na sila sakaniya?

...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A WHITE STRINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon