Gunita

4 0 0
                                    

"Ayan lang po Ma'am?" Inilibot ko pa muli ang paningin ko sa mga estante dahil baka may nakalimutan akong bilhin. Mula sa winery hanggang sa chocolates/biscuit section, mukhang wala naman na.

"Yes, that's all," sagot ko at nagbukas ng wallet. Ang hirap naman nito, 'yung nagbukas ka ng wallet tapos nakita mong wala ka na palang pera.

Narinig kong p-in-unch niya isa isa ang mga items at inilagay sa paper bag.

"156 pesos po Ma'am." Dali dali naman akong nagbilang at nag abot ng 200 pesos.

"I received 200 po, here is your change." Inabot niya ang sukli ko kasama ang resibo. Iniabot rin niya sa'kin ang paper bag na naglalaman ng mga binili ko saka ngumiti.

"Thank you," sagot ko at ngumiti rin. Kababait naman talaga ng mga staff dito sa 7/11 Sabutan ah. Talagang commendable, palagi pang nakangiti.

Nang makalabas ay naupo ako sandali at tinignan ang mga resibo ko ngayong araw. Alas dose pa lang ng tanghali pero lagas na ang pera ko. May resibo sa book store, may resibo sa palengke at may resibo rin dito sa 7/11. Puro na lang resibo, kainaman naman.

Natawa ako at tinitigan ang mga items na binili ko sa 7/11. May shampoo, sabon, sunscreen, mouthwash, ahh basta. Gamit sa bahay at sa katawan. May ilang inumin rin at pagkain. Nagawi ang paningin ko sa itaas na bahagi ng resibo, binasa ko ang mga nakalagay roon.

Ang address, ang pangalan ng store at kung ano-ano pa. Nabasa ko rin ang pangalan ng nagkahero sa'kin.

"Jerome Zinuestro," basa ko. Napatingin akong muli sa loob ng store at nakita ko siya, nag aayos sa estante ng tsokolate.

"Mukhang mabait, pero tunog pa lang ng pangalan, babaero na." Natawa naman ako sa sarili ko at inayos ang mga bitbitin ko.

"Pero pogi siya." Napailing na lang ako sa sariling naisip. Hay, ewan ko sa'yo 7/11. Makaalis na nga.

Gunita sa 7/11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon