Simula

6 1 0
                                    

"Sin, anong oras dismiss mo mamaya?" tanong ni Den dahilan para mapalingon ako sa kaniya. Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno sa loob ng campus, nagpapahinga, nagpapahangin.

"Out ko na today kaso hindi rin ako makakagala, alam mo naman. Baka sign na rin siguro sa'kin 'to ni Lord para magtipid," natatawang sagot ko. Napailing naman siya.

"Hindi ka na naman makakasama? Alam mo, mag dinner ka na lang bago umuwi, sigurado akong tambak na naman ang gawain mo sa bahay." Napaisip naman ako at tumango.

"Okay, gagawin ko 'yan. Kasi malamang sa masarap na alamang, tambak na naman ang gawain ko, plus may assignment pa tayo sa isang major natin." Pareho kaming nasa first year college ngayon. Bachelor of Science in Secondary Education major in English ang kinuha namin. Bakit? Kasi parang itong course na 'to ang pinaka malapit sa katotohanan.

Ang pangarap ko talaga ay mag take ng Law at maging abogada, si Den naman ay maging inhinyera kaso alam niyo naman, financial problems. Dahil sa hirap ng buhay, sa kakulangan sa pera para i-pursue ang pangarap naming mga propesyon, napunta kami sa Education, ang pinaka makatotohanang course na para sa amin ngayon.

"Oh siya, tara na. Out ko na rin naman, para makauwi rin tayo ng maaga." Agad naman kaming tumayo at binitbit ang mga bag namin.

"Akala ko ba 'pag college na, maliit na lang ang bag, kaunti na lang ang dalang gamit, ba't ganito kabigat ang atin?" biro ko at naunang maglakad.

Narinig ko naman ang tawa niya, "bitbit kasi natin lahat ng sama ng loob natin, kaya ganiyan kabigat." Sumabay siya ng lakad sa'kin at pareho kaming natawa. Buti na lang, kahit papaano, nandito si Den, kinakaya ko ang college life dahil alam kong nandiyan siya.

Hindi rin nagtagal at naghiwalay na kami ng daan. Pa Alfonso ang sakay niya, ako naman ay pa Silang. Sa Tagaytay kami nag aaral pareho, ayos naman dito. Malamig ang panahon at maganda ang turo. Libre din, community college siya, ang kailangan mo lang talaga ay tiyaga at kaunting pamasahe.

Kalaunan ay may nakita rin akong maluwag na jeep na ang sign board ay hanggang Dasmariñas. Wala pa naman masyadong estudyante ngayon kaya mabilis lang akong nakasakay.

"Kuya, Sabutan po 'yan, estudyante." Pagka abot ko ng bayad sa driver ay agad rin akong nag suot ng earphones. Ganito na lagi ang buhay ko, kada uuwi ay magpapa music ako gamit ang Spotify kong expired na ng ilang araw ang premium.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ang sign board ng jeep na sinakyan ko ay Dasma kahit sa Silang ako nauwi. Ang bahay kasi na tinutuluyan ko ngayon ay sa Sabutan, Silang Cavite. Lalagpas 'yon ng Silang bayan kaya naman, ang kailangan kong sakyan ay Dasma. Minsan naman ay Silang bayan lang din talaga ang jeep na sinasakyan ko. Bumababa ako sa bayan para kumain, tumambay, o kaya kapag may kailangan akong bilhin na gamit para sa school, sa bahay, o para sa sarili ko.

Ngayong araw, wala akong dadaanan sa bayan kaya sa Sabutan ako bababa. Aba, ang layo din kaya ng nilalakad ko. Idagdag mo pa na naka heels ako six times a week, kaya haggard talaga ang anteh mo pag uwi.

Nang mapansin ko na malapit nang matapos ang playlist ko, napadungaw ako sa bintana. Malapit na rin pala ako, natatanaw ko na ang simbahan ng Candelaria. Nasa bayan na ako. Pinatay ko ang music at pinasok ang mga gamit sa loob ng bag ko. Nang makalampas kami sa bayan ay napaaayos na ako ng upo para mabilis maka buwelo para pumara at bumaba.

Ilang minuto lang rin ay natanaw ko na ang Sea Oil at ang stop light. Naka pula ang ilaw at 30 seconds ang bilang. Kung hihintayin ko 'to, siguradong lalampas ako sa bababaan ko, pero kung bababa na ako at lalakad ng ilang metro, hindi ako lalampas at maglalakad pabalik.

"Kuya sandali lang." Tinignan naman ako ng driver mula sa salamin at tinanguan. Agad akong bumaba at tumawid sa kabilang kalsada. Wala naman masyadong nadaang sasakyan kaya dire-diretso akong naglakad. Tiningala ko pa ang mga naglalakihang sign board ng Dali at 7/11. Kulay kahel din ang ulap at malamig ang hangin.

Dali-dali naman akong gumilid dahil nakita ko na naman 'yung traffic enforcer na laging palong-palo sa pagmamando ng traffic sa intersection ng Sabutan.

"Good afternoon po, Sir," nakangiti kong bati sa kaniya. Napatingin naman siya sa'kin at ngumiti rin pabalik. Nakakatuwa rin 'tong si sir enforcer, umulan o umaraw 'yan, talagang hands-on sa trabaho.

Agad akong lumiko sa kaliwa ng kaunti dahil papasok sa kaliwa ang 7/11 dito. Umakyat ako sa hagdan saka dire-diretsong pumasok sa loob ng store.

"Good afternoon po Ma'am," gaya ng nakasanayan ko ay binati na naman ako ng babaeng staff nila. Lagi na 'yon, siguro ay dahil sa madalas nga rin ako dito, kilala na ako.

"Good afternoon," medyo pasigaw kong tugon para marinig niya at agad na pumunta sa mga inumin. Kumuha ako ng isang iced coffee at isang coke. Pumunta rin ako sa biscuit section at naghanap ng pwedeng makain. Nang makuntento ay dumiretso ako sa ready to eat na mga rice meal nila. Kumuha ako ng isa at nag compute ng gastos ko mentally.

"Is that all, Ma'am?" Hindi si Ate Abby ang kahera ko ngayon. Lalaki ang naka assign sa kaha. Inilagay ko sa countertop ang mga pinamili ko at matamang tinitigan ang lalaking staff.

Matangkad, naka Edgar cut, makapal ang kilay pero hindi salubong, mahaba ang pilik mata at medyo namumungay siya. Matangos ang ilong, may nunal rin siya sa bandang gitna, cute. At ang mga labi niya, mapula, mukhang malambot. Hindi makinis ang mukha niya pero hindi kabawasan. Bagay rin sa kaniya ang uniporme nila, maganda ang tindig. Pogi.

"Ma'am?" anang boses mula sa harapan ko para bumalik sa huwisyo.

"Ha? Pardon me?" natatamemeng sagot ko. Ano na bang ginagawa ko? Sheet na malagkit.

"Kung ito na po lahat Ma'am?" natatawang sagot niya. Napakunot naman ang noo ko at saka marahang tumango.

P-in-unch niya lahat ng items ko, "98 pesos po Ma'am." Dumukot naman ako ng isang daang piso sa bulsa ko at iniabot sa kaniya.

"Iiinit na po ba 'to Ma'am?" Binalingan ko ang rice meal na binili ko at tumango ulit. Bago niya ipasok sa mini oven ang binili ko, inabot niya muna ang sukli saka ngumiti.

Napaamang naman ako ulit, mas pogi siya kapag nakangiti. Ugh, erase erase. Hindi ko na siya tinignan at inikot muli ang paningin ko sa loob ng store. Andami nang nagbago sa loob ng 7/11 na ito.

Naalala ko pa noong 2018, may apat na upuan at mesa dito sa loob. May sira din ang kisame nila dati sa bandang kanan, at maliit pa ang fridge nila para sa ice cream. Ngayon, mas maaliwalas na, wala na ang mga upuan sa loob pero mas marami na ang mga estante at mga paninda sa loob. Meron na rin silang winery, at mas malawak na ang space sa labas na siyang tinatambayan ko nitong mga nakaraan.

Pero ngayon ko lang siya nakita, itong nagkahero sa'kin. Siguro ay bago. May isang buwan na rin akong nagpapabalik-balik dito. O baka hindi ko natataunan ang shift niya. Aaminin ko, pogi siya.

"Ma'am, ito na po." Inilagay niya sa tray ang rice meal ko, nilagyan niya ng isang pares ng plastic na kutsara't tinidor, sinamahan rin niya ng tissue. Lumapit naman ako ulit sa counter at inabot ang pagkain ko.

"Thank you." Hinila ko ang tray saka pumihit ng dahan-dahan palabas. Ngumiti naman siya ulit. Marahan kong itinulak ang pinto at napagtantong mabigat ito dahil sa kalahati lang ng braso ko ang may puwersa.

Napapikit ako dahil nahihirapan akong buksan ang pinto, okay. Kaya ko 'to.

"Sige po ma'am, ako na." Patakbong lumapit ang lalaking staff sa'kin saka itinulak ang pintuan.

Napapaamang akong napatingin sa kaniya, "s-salamat." Again, he just smiled at me. At ang pogi niya lalo.

"Please come again, Ma'am."

Ha? Ano raw? Bumalik raw ako?

Pinakiramdaman ko ang paligid at ang puso ko. Napailing pa ako at napapikit.

Ngiti niya lang ang naiwan sa memorya ko. At ang puso ko, mabilis ang pintig nito.

Bakit ganito? Ano 'to?

Gunita sa 7/11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon