"Sinaisle, 'yung sa groupings ah, ikaw na lang gumawa ng group chat, ayos lang ba?" tanong ng kaklase kong si Klon.
Tumango naman ako at nagsimulang ayusin ang gamit ko, "oo naman, akong bahala pero ayos lang din ba na mamaya na lang pag-uwi ko?"
Tumango rin naman sa'kin si Klon. Tinapik pa ako nito at nagpaalam, "oh paano, mauna na kami, ingat pauwi, chat chat na lang."
Tinapos ko na rin ang pag-aayos ng gamit at sarili ko para makauwi na. Maaga ang dismissal namin ngayon, ala una pa lang ng tanghali at talagang palong-palo ang init kahit nasa Tagaytay kami.
Hindi ko na hihintayin ngayong araw si Den dahil magkaiba kami ng schedule kada Wednesday. Ako ay hanggang 1 PM lang, siya naman ay hanggang alas tres ng hapon. Bukas na lang kami magkikita. Isa pa ay may gagawin ako pag uwi, may tambak na gawaing naghihintay sa'kin at walang katapusang school works. Ang iba ay this week na ang due, kaya need na madaliin.
"Kuya isang Sabutan po 'yan, estudyante." Agad akong nagbayad nang makasakay ng jeep. Nag abot ako ng singkwento pesos, sinuklian naman ako agad ni Kuya.
Gaya ng nakasanayan, magsasaksak ako ng earphones sa tainga at magpapatugtog. Hindi ko alam pero lately, I'm into Hev Abi. May kung ano sa kaniya na natutuwa ang kaluluwa ko sa tuwing naririnig siya. Lalo na 'yung kantang Pakundangan, ahh talaga namang kainaman. Napaka red flag pero sobrang ganda. Sabi nga sa mga memes sa Facebook, si Hev Abi ay isang godz.
Tuloy-tuloy lang ang tugtog ko sa Spotify at talagang nag e-enjoy ako. Ito na rin siguro ang naging escape ko sa nakakapagod na araw. Maagang gigising, magluluto, papasok, mag aaral ng ilang oras, tapos uuwi at mahabang byahe na naman. Sobrang draining ng college, hindi ko inakalang ganito pala siya kahirap, parang na culture shock talaga ako. At ito, parang little escape sa reyalidad habang nakikinig sa tugtugan ko pagpasok at pag-uwi sa CCT.
"Oh Silang bayan," sigaw ng driver para sabihing nasa plaza na kami. May mangilan-ngilang bumaba. Meron ding hindi. Ako naman ay nag-alis na ng earphones at inayos ang bag ko.
Wala pang sampung minuto ay natanaw ko na ang stoplight, palatandaan na ako ay malapit nang bumaba.
"Sabutan," tawag ulit ng driver. Naka pula pa naman ang ilaw.
"Sandali lang po." Agad naman akong bumaba at lumiban sa kabilang linya. Diretso akong naglakad at gumilid sa side walk dahil pasalubong sa'kin ang mga sasakyan sa linyang ito.
At gaya ng nakagawian, sa 7/11 na naman ako manananghalian dahil walang wala na naman akong oras mamaya para magluto. Bibili na rin ako rito ng pang hapunan ko.
"Good afternoon ma'am," bati sa'kin ni Ate Abby, na siyang laging natataunan kong staff dito.
Tinanaw ko naman siya at ngumiti. Nakita ko siyang ngumiti sa'kin kaya naman nagtuloy ako papasok sa store nila. Sumilip muna ako sa fridge nila ng ice cream. Kumuha ako ng isang cornetto. Kasunod non ay ilang biscuit, iced coffee dahil ito ang buhay ko at shempre, rice meal.
Nang makuntento ay agad akong pumunta sa counter at inilagay doon ang mga bibilhin ko.
"Ang aga mo ata ngayon Ma'am?" tanong ni Ate Abby habang nagp-punch ng mga items.
"Maaga po ang dismissal ko tuwing Miyerkules, hanggang ala una lang po ako," sagot ko naman at ngumiti.
"So libre ka na ngayong hapon Ma'am?" napaigtad ako ng biglang sumulpot ang lalaking staff na kasama niya. Siya na naman.
"H-ha? Oo," napapaamang kong sagot, "p-pero may report din akong gagawin." Dugtong ko pa.
Napatango-tango naman ang lalaking staff. Ngumiti siya kay Ate Abby at kinuha ang rice meal ko. Binuksan niya ito ng bahagya para hindi pumutok dahil plastic ang cover nito at inilagay sa oven.
"Sige po Ma'am, ako na ang maghahatid sa inyo." Nag set siya ng limang minuto sa oven at binalingan ako.
"Wait lang Rome, hindi pa bayad si Ma'am, 114 pesos po Ma'am," natatawang singit ni Ate Abby sa usapan. Napatingin naman ako sa monitor sa harapan ko at nakita ang total na babayaran ko. Naglabas ako ng 115 pesos. Inabot naman ni Ate ang sukli ko at ang iba paper bag na naglalaman ng mga pinamili ko.
Binalingan ko 'yung lalaking staff at nakangiti lang siya sa'kin. Napapailing na lang akong lumabas at naghanap ng pwesto sa labas. Kahit saan naman dito sa 7/11 na tambayan ay maganda spot.
Naupo naman ako sa bandang hagdan. Ito ang napili kong pwesto dahil mahangin dito at kita ang lahat. Saktong-sakto at pagkatapos ko kumain ay gagawa ako ng report.
Binuksan ko rin ang iced coffee ko nang walang anu-ano'y, "ma'am ito na po ang tanghalian ninyo."
"Ay! Iced coffee na malamig kang bata ka!" Napahawak naman ako sa dibdib ko habang napapangiwi dahil sa gulat.
"Kuya ano ka ba naman! Muntik na 'yung kape ko, ayan oh!" parang hinahapo kong sermon sa kaniya habang nakahawak pa rin sa dibdib ko.
"Nako ma'am, pasensya na po kayo at nagulat ko kayo. Nagulat na lang din po kasi ako na nagising na lang ako ngayon at napagtanto kong interesado ako sa'yo." Inilapag niya ang tray na naglalaman ng pagkain ko sa mesa ko at naupo sa harapan ko.
WAIT, WHAT?! ANO RAW?
NAGLINIS NAMAN AKO NG TAINGA KANINA BAGO AKO PUMASOK, ANO RAW? NABUBUNGOL NA YATA AKO?!
Nangungunot ang noo kong tinignan siya at bumaling sa pagkain ko. Baka nalipasan lang ako ng gutom kaya kung ano ano na ang naiisip ko. Tama, maigi pang kumain na nga ako.
"Kuya, mawalang galang na, lubayan mo muna ako. Kakain muna ako at kung ano-ano na ang naiisip ko, please lang." Hindi ko na siya pinansin at nagsimula na akong kumain.
"Hindi, dito lang ako. At aamin ako sa'yo. Gusto kita Miss Sinaisle Villas."
Nanlalaki ang mga mata ko at muntik ko nang maibuga ang kinakain ko. Agad naman siyang napatayo at inabot sa'kin ang kape ko. Jusmiyo marimar.
"Ano? A-ano kamo? At paano mo nalaman ang pangalan ko?" mataas na tonong tanong ko dahilan para mapatingin sa'min ang ibang nakatambay sa labas.
"Inom ka muna ma'am, kalma po." Kinuha niya ang tissue na nakalagay sa tray at iniabot sa'kin. Agad ko naman itong kinuha saka nagpunas ng bibig. Ano ba ang nangyayari sa Earth? Anak ng tokwa naman!
"Kuya, ang lakas ng trip mo, nag aadik ka ba?" Napapailing kong tanong saka akmang lilipat ng pwesto. Nanlalaki naman ang mga mata niyang hinawakan ako ng marahan sa braso para pigilan. Malambot ang kamay niya.
"S-sandali ma'am, 'wag kang lumipat ng pwesto. Hindi ako nag aadik pero adik ako s-sa'yo," utal-utal niyang banggit. Hindi ko na napigilan at natawa ako.
"Goodness, ano bang ginawa kong kasalanan noong unang buhay ko para mapag tripan ako ng ganito? Lord, tabang." Napahawak na lang ako sa noo ko at tinignan ulit siya. Gusto ko lang naman mananghalian, at kapayapaan. Ano ba?
"Look Sin, hindi ko rin alam okay? Basta, biglang gusto kita. Nagising ako na gusto kita. Hindi kita pipilitin na maniwala dahil kahit ako, nagtataka sa kung paano nangyari 'yon." Tumayo siya at lumapit sa'kin. Humakbang naman ako palayo at tinitigan siya.
"Gusto kita Sinaisle, please come again."
Natatameme akong iniintindi ang mga sinabi niya. Pumasok siya muli sa loob ng store at wala akong nagawa kundi panoorin ang likod niya habang naglalakad.
Napatulala ako sa maingay na intersection ng Sabutan.
At alam ko, ngayong araw, tuluyan ko nang hinayaan na magkrus ang landas namin.
BINABASA MO ANG
Gunita sa 7/11
Short StoryAlam kong hindi mangyayari sa reyalidad ang mga tagpong ito, kaya't hayaan mo akong isulat ang nararamdaman ko, para masabi ko na kahit papaano, sa istoryang gawa ko ay naging tayo.