Chapter 8

20 2 0
                                    

I spent the entire school hour in the clinic. Nasa calculus subject kami nang bigla akong tumumba dahil sa hilo at panlalambot ng katawan. Nakiusap pa ako sa professor at mga kaklase ko na wag na banggitin kay ate ang nangyare sakin dahil sigurado akong mag aalala ito.

I texted sir Tammy. Informing him na hindi ako makakapunta sa mansyon ngayong araw dahil masama ang pakiramdam ko.

You take a good rest, Jia.

Nang ma-received ko ang reply nya, ipinikit ko ulit ang mga mata ko dahil umiikot na naman ang paningin ko.

Nang magising ako ay alas dos na ng hapon. Agad akong nag ayos ng gamit ko at lumabas sa clinic. Ganon nalang ang gulat ko ng makita ko ang alaga ko sa labas ng university.

"Sir Lucio?" tawag ko sa kanya ng makalapit ako.

Laking gulat ko ng hawakan ng dalawang kamay nya mga pisngi ko. "How are you feeling, Jia?"

"H-ha? Bakit ka nandito sir?"

"I called Tammy earlier. You were supposed to be pick up by the driver but kuya said you are not feeling well. I drove here as fast as I heard."

"Ilang oras ka na nag hihintay dito?"

"15 minutes"

Lumakad ako sa likod ng kotse at dinama ko ang tambutso nito. Tumaas ang kilay ko ng wala akong madama na kahit kaunting init mula dito.

"Okay. Fine. 2 hours." pag amin nito. "I tried calling you but you're not answering."

"Hindi ka na dapat nag punta dito sir. Really, I'm okay."

Dinama naman nito ang noo ko. "Are you sure?"

Tumango naman ako. "Since nandito ka nalang din, umuwi na tayo sa inyo."

Agad naman itong tumalima at binuksan ang passenger seat ng sasakyan. Naramdaman ko ang lakas ng tibok ng dibdib ko pero agad kong kinalma ang sarili at sumakay na.

"Are you hungry? Pwede tayong mag driv thru."

"Sige. My treat."

Hindi naman ito umangal at nag drive thru kami sa isang fast food. Akala ko ay de-deretcho na kami ng uwi pagkatapos umorder pero nag park ito ng sasakyan.

"Let's eat here first then we'll go home."

"Salamat, sir."

"You don't have to call me sir anymore, Jia. Lucio is fine."

Ngumiti lang ako. Kumagat ako sa burger na hawak ko at tumingin sa labas para ikalma na naman ang puso kong ang lakas ng tibok.

Matapos namin kumain ay binaybay na namin pabalik ang mansyon.

"Thank you sir-- este, Lucio."

He smiled. "You're welcome."

Pumasok na ako sa bahay nila at agad akong dumeretcho sa kwarto ko. Matapos kong maligo ay agad akong umakyat sa second floor at nag stay sa study table dala ang mga gamit ko.

"Hello, Joey?" tinawagan ko sa messenger ang kaklase ko para humingi ng notes and lecture na na-missed ko sa klase ngayong araw.

"Hey, beautiful."

"Tse. Pahingi naman ako ng mga nasulat mo kanina. I'll try to catch up with the lessons."

"Sure, beautiful. I will email you the powerpoint too. May module din akong kinuha para sayo." sabay kindat nito sa kabilang linya.

"You're gross, Joey. Anyway, salamat! I owe you one." I do the fingerheart before I ended the vc.

Laking gulat ko nang napatingin ako sa pintuan ng kwarto ng alaga ko at nakita ko itong nakatayo at naka kunot ang noo.

10 years older than herWhere stories live. Discover now