Lucio is pacing back and forth waiting for Jia to wake up. Hindi nya alam kung bakit biglang bumagsak ang dalaga at nawalan ng malay. Mabuti nalang at mabilis syang nakatayo at nasalo ito mula sa pagkakatumba.
"I suggest you to bring her to the hospital to do some lab tests. Masyadong mataas ang lagnat nya and base sa heart ryhthm nya, it is abnormally beating than a regular heart."
"Thank you, doc." sabi ni Tammy.
"I'll see you around. I have to go." the doctor then excuse himself to leave.
"What happened, fin?"
"I don't know. Bigla nalang syang natumba."
"Maybe we should ask her if there is something we need to know about her medical history."
Bigla namang naalala ni Lucio kung paano nya unang nakita ang dalaga. He was about to leave his room nang makita nya ang secretary ng kuya nyang si Tammy sa baba na may kasamang babae.
"Manang Ester, Ruby, Ate Fe, sya nga pala si Jia. Ang bagong Personal-Stay in maid ni Lucio."
Bagong personal maid ko? Napahilot sya sa sentido ng tinotoo ng kapatid nya ang sinabi nitong pababantayan sya nito. Kung nagkataon eh pang 4 na itong paaalisin nya.
Tinitigan nyang mabuti ang dalaga. Maganda ito. Hindi masyadong matangkad at morena. Lumiliit ang mga mata nito kapag tumatama. Hindi ko mawari pero parang nakita ko na sya?
"O-ouch."
Nabalik ako sa kasalukuyan ng biglang magsalita si Jia.
"Jia, are you okay?"
"I'm okay. Anong nangyare?"
"You collapsed. The doctor advised that you need to go to the hospital to do some laboratory tests."
"N-no. Hindi na ho kailangan. Itutulog at ipapahinga ko lang to. Isa pa, hindi ka pwedeng iwanan mag isa. Mamaya may mangyari pa sayo at ako pa ang masisi ni sir Tammy." Dire-diretcho nitong sabi habang tumatayo mula sa pagkakahiga.
"I'll be just fine. You should rest."
"Kaya ko to." Tumingin ito sa orasan ng cellphone nya at nagulat dahil dis oras na ng gabe. "Hala! Alas onse na. Gagi."
Mabilis pa sa alas kwatro na dinampot nito ang mga gamit at tinungo ang pintuan.
"Same routine tayo bukas." sabay labas sa pinto.
Lucio shook his head.
Kinaumagahan maaga nagising si Jia para pumasok sa school. Wala naman masyadong bago sa araw nya liban nalang sa nabawasan ang oras ng duty nya sa library dahil nag ta-transition na sya bilang book keeper.
Nang makabalik sya sa mansyon ay laking gulat nya pa ng makita si Lucio sa sala at nag babasa ito ng libro. Madalas itong nagkukulong sa kwarto nito kaya maging sila Manang Ester ay nanibago.
"Sir Lucio, gusto nyo ba ng kape o juice?" alok ni ate Fe.
"No, thank you "
Agad akong nag bihis at dahil wala naman akong assignment or project, e sinamahan ko nalang ang alaga ko sa sala. Naupo lang at nagsuot ng earphones.
Halos isang oras din kaming walang imikan ng basagin ni Lucio ang katahimikan.
"You okay?"
Dahil mahina lang ang volume ay agad kong narinig ang tanong nya sakin.
"Oho"
"Do want to go to the hospital?"
Kumunot naman ang noo ko sa tanong nya. "Hindi."
Nagkibit balikat ito. "If you say so."
Bumalik ako sa pag sscroll sa cellphone ko nang mag salita sya ulit.
"Jia you may leave."
"Ano?"
"I said, you may leave anytime. You should resign. I'll be fine on my own "
"Kung may magpapaalis man sakin dito, siguro si sir Tammy iyon dahil sya naman ang employer ko."
"No, you don't understand. Kung ano man ang sinabi sayo ni kuya kung bakit nya ako pinababantayan, that is just a petty reason. Seriously, you can resign."
"Hindi pwede. Kailangan ko ng pera para sa tuition ko."
Tumayo ito sa kinauupuan nya at lumipat sa tabi ko.
"Nasan ang mga magulang mo?"
"Dead."
"Wala ka bang kapatid?"
"Isa."
"Why are you here if you can stay with your sibling?"
"Kailangan ko nga kasi ng pera." Naiinis na sagot ko. "Bakit ba ang dami mong tanong? Background check ba to?"
"You know I'm just being nice. After you collapsed yesterday it opens the door I closed 2 years ago. Is it wrong to ask you these things?"
Tumayo ang lalaki at walang sabing iniwanan ako sa sala at umakyat sa kwarto nito.
Hinanap ko naman agad si Manang Ester na nakita ko din sa kusina.
"Manang, may sakit siguro si sir Lucio ano?"
Natawa naman ang matanda at tumango tango. "Siguro. Pero magandang senyales na din na kahit papaano ay lumalabas na sya sa kwarto nya. Dalawang taon na din mula ng huling namalagi yan sa sala."
"Talaga ho ba manang? Bakit?"
"Simula kasi ng mamatay ang mga magulang nila sir Tammy at sir Lucio, naging mailap na sa tao iyang bunso. Ayon sa naririnig namin sa mga doctor na pumupunta dito ay sarili nya ang sinisisi nya sa pagkawala ng mga magulang nila." Mahahalata mo ang lungkot sa boses ng matanda. "Noong unang mga linggo na wala ang mga magulang nila, hindi kumakain at hindi talaga lumalabas iyan sa kwarto. Limang buwan na ang nakalipas nahuli naman ni sir Tammy yan na sinubukang magpatiwakal. Kaya nga nag hire na ang kuya nya ng mag babantay sakanya."
"Ganon ho ba?" napabuntong hininga naman ako. Ngayon tuloy parang ang sama sama ko dahil sa naging pakitungo ko kay sir Lucio. "Ano ho ba ang nangyare sa mga nauna sakin manang?"
Nagkibit balikat ang matanda. "Hindi ko alam. Ang sabi lang saamin ay pinilit daw mag resign ni Lucio. Maayos namang umalis ang mga nauna sayo dito. Walang bakas ng galit o pagka disgusto."
Kinakain ako ng guilt. Gusto kong humingi ng paumanhin sa ginawa ko lalo na sa paraan kung paano ako nakipag usap sa alaga ko.
Buo ang loob ko ng umakyat ako sa kwarto nya at sinubukang buksan ang pinto. Ganon nalang ang kaba ko ng hindi ito mag bukas. "Sir Lucio?" Tawag ko sa binata pero walang sumasagot.
Abot langit ang kaba ko kaya sinubukan ko ulit buksan. Wala talaga. Kumatok ako ng pagkalakas lakas pero wala pa ding sagot mula sa loob ang lalaki. Bigla kong naisip ang sinabi ni Manang Ester. Sinubukan na nyang magpatiwakal! Gusto kong sabunutan ang sarili ko.
"Sir, buksan mo ang pinto!" Sigaw ko.
Humahangos naman si Manang Ester nang makaakyat ito. "Lucio, anak? Buksan mo ang pinto." Ngunit walang sumasagot.
"Jia, katokin mo lang ang pinto. Tatawagan ko si sir Tammy at ipapakuha ko kay Ruby ang susi." Dali daling bumaba si Manang Ester.
Susi??? Oo nga pala! May susi na binigay sakin si ate Fe. Buti nalang at ginawa ko itong keychain sa cellphone ko.
Nang ipasok ko ang susi sa door knob ay agad itong kumasya at nag bukas. Parang lalabas ang puso ko sa kaba dahil sa lakas ng tibok nito.
"Sir Lucio-"

YOU ARE READING
10 years older than her
RomansHow can Jia stop herself from falling to someone who is 10 years older than her? Will Lucio think that he will have a chance to someone who saved him from dying 2 years ago? 2 hearts, 10 years age gap