Kailan nga ba ang huli kong naging pahinga? Hindi ko na matandaan, ang alam ko lang, maaring ito na ang huli para saakin.
Sumuka ako ng dugo at lumalabo na din ang paningin ko, pinilit kong iangat ang ulo ko para tignan ang imahe ng isang lalaki na naka robe na may hawak na sandata na kadena at may patalim sa dulo, at yung patalim na yon ay kasalukuyang nakabaon sa katawan ko.
Seryosong nakatingin saakin ang lalaki na ito at mababakas sa mukha nito ang purong kasamaan.
Isinandal ko ang katawan ko sa isa sa mga puno na nakaligtas sa mga nag aalab na apoy sa kapaligiran, itong puno na ito ay walang dahon at kamukha nito yung mga puno na makikita mo sa mga horror fantasy movie.
"Ano pa ang hinihintay mo? Tapusin mo na ako." Sabi ko dito.
Naglabas pa siya ng isang sandata, isa itong malapad na espada at nag lalabas ito ng aura na mas nagpainit sa paligid.
"Hell's devourer, hindi lang katawan mo ang masisira nito, pati ang espirito mo. Kakainin nang espada na ito ang buong pagkatao mo. Ngayon, magsisi ka, pagsisihan mo na pumunta ka pa dito." Sabi nito saakin.
Wala na akong magagawa, napangiti na lang ako at pumikit.
"Paalam, Andre Raven Helfen."
~~~
-PresentAko si Andre Raven Helfen, senior high student. I lost my parents nung bata pa ako, at ang tanging nag aalaga na lang saakin ay ang umampon saakin na si Tita Amelia. Hindi kami magkadugo nito, byuda na rin siya at walang anak, kaya ng makita niya ako na nagpapalaboy laboy sa kalsada malapit sa bahay namin ay nagka interest sya na alagaan ako.
Hindi ako nadala sa ampunan dahil hindi naman nila ako nakita sa loob ng bahay namin, itinago ako ng ina ko sa isang cabinet bago mangyari ang insidente.
Sa susunod ko na lang ito ibabahagi, sa ngayon eto muna.
"Andre."
Lumingon ako at nakita ko ang isang babae na may pulang buhok, nakangiti itong lumapit saakin.
"Thea."
Thea Milena, meron syang pulang buhok at berdeng mata na kasing tingkad at kinang nang emerald, sakto lang yung tangkad niya at kung ako ang tatanungin sa itsura niya, nasa top list sya ng pinaka magandang babae na nasilayan ko.
In short, she is an extreme beauty.
Bakit ako may kaibigan na kagaya ni Thea? It goes way back, nung mga bata kami.
Masiyahing babae si Thea, magaling din siyang makisama sa ibang tao. Kung hindi ko siya kakilala, baka mapagkamalan ko siyang kabilang sa royal family, dahil sa aura niya.
"Bakit hindi mo ako hinintay?" Nagtatampo naman saakin to habang sinunsundot sundot yung tagiliran ko.
Nagpipigil naman ako ng kiliti, alam niya kung saan ako mahina kaya doon niya ako tinatarget lagi, kapag may problema siya saakin.
"Ang bagal mo kasi kumilos, malalate na tayo. Gusto mo ba mapagalitan ni Ms. Santos." Sabi ko dito.
Tumigil naman siya sa pagsundot saakin at saka ito ngumiti at bumalik sa paglalakad niya. Surely, ayaw niyang mapagalitan ulit ni Ms. Santos. Nung nakaraang araw kasi ay nalate siya sa klase nito, kaya pinatayo siya doon sa labas habang may nakapatong na libro sa dalawang kamay niya.
Naalala ko pa lang, gusto ko na lalong makarating agad sa klase.
~~~
"Andre, muntik kayong malate a. HAHA, walang gusto na malate kay Ms. Santos." Sabi nang isang lalaki na nakaupo ngayon sa mesa ko.
BINABASA MO ANG
Descendants; The Tale of Untold History
خيال (فانتازيا)"It just happen one day." -Andre Raven Helfen