Habang May Buhay

2 0 0
                                    

Habang May Buhay

By Jax Baldivia

Featured Artist: Eclipse PH Gab Salvador
Reminder: This is a fanfiction. Please be guided. Thank you

Aling Bebang: Susan! Susan! Ano ba? Di mo bubuksan tong pinto o ipapagiba ko tong pinto?

Patuloy sa pagdapa sina Aling Susan at ang anak nitong si Gab para di makita ng naniningil nilang landlady sa upa na si Aling Bebang. At nang masigurado na wala na ang mataray na landlady ay bumangon na sila sa pagkakadapa.

Gab: Payagan mo na ako ma, mag part time job para makatulong sa mga gastusin.

Aling Susan: Anak, ayokong mawala ka sa focus. Honor student ka, maganda ang kinabukasan mo pag nagtapos ka na consistent top honors. Mag aagawan ang mga kumpanya say o kasi nakakabit na sa pagkatao mo na magaling ka.

Gab: Ayoko kasi ng ganito ma, palagi na lng tayo nagtatago. Di nman natin kasalanan na hikahos talaga tayo sa ngayon kapag nakaahon at mejo nakaluwag luwag na tayo di na sila magpabalik balik ng punta sa atin ako na mismo maghahatid ng bayad natin.

Aling Susan: Sana nga anak, sana dumating ang araw na yun

Lumipas ang mga araw at nagkaroon ng kumpetisyon sa pagkanta sa paaralang pinapasukan ni Gab. Naisip nya na makakatulong kung sakali ang papremyo sa kailangan nilang bayarin. Nagsimula sa unang panalo hanggang naulit ng naulit. Dumating pa sa punto na dumadayo si Gab ng ibang school at barangay para lng makasali sa mga pacontest. Di nya na namamalayan na napapabayaan na nya ang kanyang pag aaral. Isang araw ay nagpunta si Aling Susan sa kanyang eskwela, di siya magbibisita sa halip ay maglalako sya ng kanyang tinitindang kakaning pangmerienda. Ang alam lng ni Aling Susan ay doon nag aaral ang anak nya pero di nya alam kung anong silid aralan pumapasok ito.

Aling Susan: Kakanin, kakanin kayo jan! mga iho, iha baka gusto nyo ng pang merienda may kakanin ako dito mura lang

Mali ata ng pinag alokan si Aling Susan dahil mga bully students ang kanyang pinagbentahan

Student 1: Ano ba yan parang ang dumi naman ng paninda nyo? Umaasa pa kayong may bibili nyan?

Student 2: Kaya nga ale, wag nyo nayan ilako dito walang bibili nyan ahahhaa

Aling Susan: Abay, nagbabakasali lng naman ako iho..nagtratrabaho ako ng marangal dito

Dinig na dinig ung tawanan at pang aasar ng mga studyante kay Aling Susan at sakto lng din nman na nakabalik sa school nila si Gab mula sa kalapit sa eskwelahan. Umagaw ng atensyon nya ang ingay na nagmumula sa isang sulok ng canteen. At doon ay natigilan siya sa kanyang nakita..

Gab: Mama? Mama! Ano ba wala ba kayong mga nanay at tatay! Maayos na nagtratrabaho ang tao binabastos nyo!

Natigilan ang mga estudyanteng nang aasar kay Aling Susan.

Student 1: Mama mo?

Agad na sumabat si Aling Susan

Aling Susan: Ha? Hi..hindi.. hindi ko sya kilala. Magalang lng sya sa mas nakakatanda sa kanya kaya ganun

Gab: Pero mama!?

Aling Susan: Sige iho lilipat na lang ako sa katapat baka may bumili dun. Salamat ha

Di makapaniwala si Gab sa narinig mula sa kanya ina, harap harapan siyang pinagkaila at di kinilala.

Student2: Ale! Lilipat ka sa kabila? Isama mo na tong anak-anakan mo tutal bulakbol naman to di pumapasok sa klase nya

Napatigil si Aling Susan sa paglalakad sa kanyang narinig at bahagyang lumingon kay Gab pero pinili nyang ituloy ang pag alis at pangatawan na di nya ito kilala. At nang makauwi si Gab sa kanilang tahanan ay..

Gab: Ma! Ma! Bakit ka nman ganun? Bakit mo naman sinabing di mo ko kilala?

Aling Susan: Ayon sa huling narinig ko, tama lang yung desisyon ko. Ano ba ang nangyayari sayo Gab? Di ba sabi ko sayo magfocus ka sa pag aaral mo pero ano tong nalaman ko? Nagbubulakbol ka sa klase!

Gab: Ma! Di ko kinakahiya na nagtitinda kayo ng kakanin! Mama ko kayo!

Aling Susan: Pwes, ako ang nahihiya... ako yung nanliliit...halos igapang ko ang pag aaral mo Gab! Nilunok ko lahat ng pride meron ako, nagmakaawa, lumuhod lahat ginawa ko kasi gusto ko makapag tapos ka! Ayokong makita yung mga mukha ng mga kaklase mo na nakikita ka nilang anak lng ng tindera ng kakanin sa kalye pero anong ginawa mo? Pinabayaan mo pag aaral mo!

Gab: Ma! (Pinakita ung naipon na pera) di po madali sa akin yun ma, pero sa tuwing matutulog tayo tuwing gabi sa oras na akala mo mahimbing akong natutulog, naririnig ko, nakikita ko ang paninikluhod mo sa pagdarasal at tahimik mong pagtangis. Alam kong gusto mong makaahon na tayo sa kahirapan ma. Kaya nung nalaman ko na pwede na akong kumita ng pera sa pagsali sa mga pakontes di ko na naisip ang edukasyon, inisip ko na lng kung paano pa ako kumita ng pera! Pasensya na ma, kasi napapagod din ako.... Napagod akong mag antay na magiging okay ang lahat habang ako nag aaral tapos ikaw kayod kalabaw? Bakit pa kita hahayaan na maghirap ma kung kaya kung kumita na agad ng pera?

Aling Susan: Tapos?... Pagkatapos nitong pag iipon mo? Anong mangyayari? Paano kung wala ka ng masalihang pakontes? Paano kung di na papabor sayo ang panahon? Di lahat ng laban panalo, may mga araw na talo..Anak.. pera lng yan.. kikitain mo yan... kikitain ko yan.. pero yung panahon na masasayang kasi di ka nakapagtapos at yung opportunity mo bilang honor student sobrang sayang yun.

Di na nakasagot pa si Gab dahil bigla etong nahimatay sa kalagitnaan ng kanilang mainit na argumento. Isinugod agad sa ospital si Gab at doon ay nalaman ni Aling Susan ang kalagayan ng anak

Aling Susan: Anak, bakit di mo agad sinabi sa akin?

Gab: Gusto ko sanang di mo na ako aalahanin ma... ayokong maging panibagong pabigat sa buhay mo. Nung nalaman ko na meron akong lukemia, araw araw nagigising akong may takot.. araw araw naiisip ko na any time pwede akong mawala kaya sinamantala ko ang panahon na malakas pa ang katawan ko, para pag dumating ang araw na mawala ako meron kang sapat na pera di ka na mahihirapan pa ma...

Aling Susan: Diyos ko anak, di ko kakayanin pag nagkataon.... Ako ang ililibing mo at di ako ang maglilibing sayo..

Gab: Pahingi ako ng isang yakap ma.

Nagyakap ang mag ina na sobrang higpit pero maya maya ay naramdaman ni Gab na dahan dahang kumawala sa pagkakayakap si Aling Susan sa kanya.

Gab: Mama!!!!!!!!!

Susan Dela Torre
Born: January 17, 1973
Died: August 18, 2023

*******The End*******

A'tin Istori Where stories live. Discover now