Wrong Then, Right Now

2 0 0
                                    

Wrong Then, Right Now
Written by: DEANNE PHILLINE

2013

"Bano! Sabay tayong uuwi mamaya?" Tanong ni Aiza sa kababata niyang si Ken palabas sa kanilang classroom pagkatapos ng kanilang klase.

"Oo naman bano, pagkatapos ko lang mag dance practice. Hintayin mo ako ha?"

"Sure. May choice pa ba ako?" Sabi ni Aiza kaya nag smile na lang si Ken sa kanya.

"Alam niyo, bagay kayong dalawa." Biglang sabi ni Ruthie, bestfriend ni Aiza. Dahil dito, biglang namula ang dalawa.

"Ha?! Baliw ka talaga. Kung ano-ano nalang nakikita mo. Mag childhood bff and neighbors lang kami." Defensive na sagot ni Aiza sa kaibigan.

"I agree. Kailangan mo na siguro palitan yang glasses mo. Parang kung ano-ano lang kasi nakikita mo." Pag back-up ni Ken sa kaibigan.

"Eh, ba't defensive masyado? Ha? At bakit namumula kung wala?" Obserbasyon ni Ruthie sa dalawa.

"Ewan ko sa'yo. Bahala ka jan. Tara bano! May practice pa ako." Paanyaya ni Ken kay Aiza at sumunod din siya agad.

"Deny pa sila ng deny eh halata naman ang feelings sa isa't isa." Sabi ni Ruthie sa sarili habang pinagmamasdan ang dalawang naglalakad palayo sa kinaroroonan niya.

"I agree, Ruths. Kitang kita naman." Muntik atakihin sa puso si Ruthie sa biglang pag sulpot ng classmate din nilang si Jack sa tabi niya.

"My goosh! Parang multo ka namang sulpot ng sulpot diyan." Napahawak tuloy si Ruthie sa kanyang dibdib.

"OA ah. Hayaan mo na ang dalawang yan. Aamin din sila sa huli." Sabi ni Jack.

"Weh? Gusto mo pustahan tayo?" Tanong ni Ruth kay Jack.

"Sige ba. Magkano?"

"500 pesos, Jack. If aamin si Ken before this school year ends, panalo ako."

"Sige Ruths, sakin if next year siya aamin or after nating mag graduate. Torpe pa naman si Kenjie."

"Oh? Deal? Dapat hindi pilit ang lahat ha? Dapat kusa silang aamin. If hindi, the deal is forfeited." Inextend ni Ruth ang kanyang kamay kay Jack.

"I agree. Deal." Pagsang-ayon ni Jack sabay abot sa kamay ni Ruthie para mag seal-the-deal.

~~~~~~~~~~
Hindi na malalaman ni Jack at Ruthie kung sino ang mananalo sa kanila dahil pagkatapos lang ng isang linggo, walang pasabing umalis si Ken papuntang Manila para mag training upang maging isang PPop idol. Pasikreto pala itong nag audition at bigla rin siyang natanggap.

Si Ken lang ang pinag-uusapan ng kanyang buong eskwelahan. Proud silang lahat sa kanya pero hindi magawang magpakasaya ng mga kaklase ni Ken sa harap ni Aiza kasi hindi ito umiimik simulang wala na si Ken sa tabi nito.

"Aiz, okay ka lang?" Tanong ni Ruth sa kaibigan. Hindi kumibo si Aiza pero umiling lang ito ng konti.

"Huwag ka nang maging malungkot. Pwede naman natin tawagan or chat si Ken diba?" Sabi ulit ni Ruth sa kaibigan. Gusto niya lang ma cheer-up ito kahit konti.

"Huwag ka nang umasa Ruths. Pinalitan ni Ken number niya tsaka deactivated lahat ng social media accounts niya." Di na napigilan ni Aiza at tumulo ang kanyang luha sa kanyang mga mata.

"Ha?? Bakit naman niya ginawa yun? Nagpaalam ba siya sa'yo, Aiz?" Tanong ni Ruthie sa kaibigan. Parang pati siya ay hindi makapaniwala sa ginawa ni Ken.

"Hindi, nung araw na umalis siya, walang akong idea. Dinaanan ko bahay nila para sundu-in siya sana papuntang school katulad ng araw-araw naming ginagawa. Tawag ng tawag ako sa labas ng bahay nila pero walang sumasagot. Doon ko lang nalaman sa kanilang kapitbahay na maagang umalis ang buong pamilya nila papuntang Manila. Tuluyan nilang iniwan ang buhay nila dito sa probinsya." Habang sumasagot si Aiza sa kanyang kaibigan ay hindi siya makatingin sa mga mata ni Ruthie. Ayaw niyang umiyak pa ng todo kasi alam niyang nasa kanya ang atensyon ng lahat ngayon.

A'tin Istori Where stories live. Discover now