Pablo at Laura

13 0 0
                                    

Pablo at Laura

Written by: Deanne Philline

1872

"Laura! Nasaan ba mga damit na susuotin ko sa malaking pagtitipon mamaya?" Tanong ni Pablo habang hinahalukay ang loob ng kanyang aparador.

Pumasok si Laura sa kwarto ng kanyang amo na hinihingal dahil tumakbo pa ito galing kusina nang marinig niyang tinatawag siya.

"Ano ba yan, Senyor! Ginulo mo naman yung mga damit mo. Kakaayos ko lang niyan kagabi." Agad na inayos ni Laura ang kalat na gawa ng kanyang senyorito.

"Ahh. At nag rereklamo ka pa, Laura?" Sabi ni Pablo pero bakas naman sa mukha niya na binibiro lang niya ang katulong at kababata niyang si Laura.

"Hahaha. Hindi naman sa ganon, Senyor. Masaya akong nililinis mga kalat mo araw-araw." Sarkastikong sagot ni Laura kay Pablo habang ngini-ngitian niya ito ng peke.

"Yan ang gusto ko. Mabait at masunurin. Ano niluto mo sa pananghali-an?" Tanong ni Pablo habang naka-upo sa kanyang kama.

"Sinigang." Sagot ni Laura habang tinutupi ang damit ni Pablo.

"Yun! Alam mo talaga paborito ko!" Pumalakpak si Pablo sa saya.

"Siyempre! Simula noong bata pa tayo, yan palagi pinapaluto mo kay Inay."

Hindi man normal sa paningin ng ibang tao na babae ang personal na katulong ni Don Pablo Santiago, ay wala silang magawa dahil ito ang gusto niya. Siya ay isang binata at pinakabatang negosyante sa buong bayan ng San Pedro, dahilan upang maraming dalagita ang nahuhumaling sa kanya.

"Halika muna dito senyor at bibihisan kita ng maayos."

"Laura, alam ko paano mag bihis."

"Alam ko, pero gusto kong ayusan kita para mag mukha ka namang presentable. Ano pa ba silbi ko kung hindi ka mag mukhang gwapo mamaya?"

"Bakit? Pangit na ba ako sa paningin mo ngayon?" Pabiro at nakangiting tanong ni Don Pablo sa kanya habang inaayos ni Laura ang kanya kwelyo. Di sumagot si Laura subalit tumitig lang ito ng malalim sa kanyang mga mata.

Unti-unting nawala ang mga ngiti ni Don Pablo sa kanyang labi at nabaling ang kanyang atensyon sa mga mata ni Laura. Walang mga salita na lumabas sa kanilang mga bibig ngunit umaapaw ang di sinasabing damdamin.

~~~~
Pag sapit ng gabi, sinimulan na ang selebrayson ng pagtitipon sa bahay ni Don Pablo dahil kakauwi niya lang galing Europa pagkatapos ng limang taon. Lahat ng kanyang mga kaibigan, pati na ang kanyang mga magulang na galing pa sa Maynila ay dumalo.

"Pablo, anak. Kamusta ang buhay sa Europa?" Tanong ni Don Teodoro sa kanya.

"Mabuti naman, Papa. Marami akong natutunan doon sa larangan ng sining at musika. Hindi na ako makapaghintay sapagkat gusto kong magturo dito sa bayan ng San Pedro." Sagot niya.

"Bakit mo naman sasayangin ang pinag-aralan mo sa walang kwentang bagay? Maaari namang bumalik ka sa Maynila at ikaw ang humawak sa negosyo natin." Halatang hindi gusto ni Don Teodoro ang mga desisyon ng kanyang anak sa buhay.

Tumahimik lang si Pablo at pinagmasdan ang kanyang paligid. Ayaw niya kasi makipagtalo sa kanyang ama. Puno ang mansion niya ng mga tao, suot ang kanilang magagarang mga damit. Ang ilan sa kanila ay nasa gita ng sahig at masayang nagsasayawan.

Maraming dalagita ang panay sulyap sa kanyang direksyon at halatang kinikilig ang mga ito at malamang, siya ang pinag-uusapan. Ngunit, walang pakealam si Don Pablo dahil ang kanyang mga mata ay nakatitig sa iisang tao lamang. Isang babaeng abala sa pagkolekta ng mga plato at kubyertos na pinagkainan ng mga bisita sa hapagkainan. Isang napaka-simpleng babae at hindi naka-suot ng magarang damit at alahas pero ang kanyang ganda ay hindi mapantayan ng iba, si Laura, ang kanyang matagal nang mahal.

A'tin Istori Where stories live. Discover now