Prologue

78 5 10
                                    

TWELVE MONTHS AFTER THEIR BREAKUP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TWELVE MONTHS AFTER THEIR BREAKUP

Pagkapasok ko pa lang sa gate ng Cebu Technological University (CTU – Main Campus), bumungad sa ’kin ang sigla ng mga estudyante. Meron kasing event na tinatawag na FebSpecial, kasi nga Valentine’s Day. Nag-announce sa group chat ang prof namin na wala kaming klase ngayon, at ayaw ko rin sanang pumunta rito. Kaya lang, kinumbinsi ako ng best friend kong si Chichay. Pareho kaming single kaya kami na lang daw ang magde-date ngayon.

Gustuhin ko mang mapa-“aww,” pero ’di ko magawa. Kilalang-kilala ko ’yong best friend ko; sa tingin ko, may niluluto na naman siyang sorpresa o baka ibubugaw niya ’ko sa iba. Taragis pa naman ’yon ng taon!

Pero heto ako ngayon, nagpabudol naman.

Kapagkuwa’y bigla na lang sumariwa ang alaala namin ng ex ko habang iniikot ko ang paningin sa kabuoan ng campus. Marami kasi kaming mga pangarap noon: sabay g-um-raduate sa senior high school, sabay mag-apply rito sa CTU, makakuha ng degree, makapagtrabaho, at saka sabay ring tatanda.

Those were the “flames in our hearts,” or in other words, our “desires.”

Kaya lang, nagbago ang lahat nang biglang lumamig ang relasyon namin, ang apoy ay hinagupit ng hangin.

Bumuntonghininga ako nang mabalik sa realidad. “Past is past, Zuleyka,” I say to myself, knocking some sense into my head.

Dahan-dahan akong humakbang pasulong, sumasabay sa agos ng mga mag-aaral. Rinig na rinig ko mula rito ang tugtugan sa gym—for sure, may live band. ’Tapos, dinako ko ang tingin ko sa samot-saring tents na nakahilera sa labas ng tennis court. Nakapuwesto roon ang iba’t ibang orgs na may kanya-kanyang mga pakulo; ang gagara pa ng mga palamuti sa booth nila.

Makaraan ang ilang sandali, tumunog ang cell phone ko, senyales na may tumatawag. Karaka-raka ko itong dinukot mula sa ’king bulsa, at saka ko ito sinagot: “Hello, Chichay! Nasa’n ka na ba? Yes, dzae, kararating ko lang.”

Tumuloy sa tainga ko ang tunog ng pagbuga niya ng marahas na hangin bago siya nagsabi ng, “Kapila man ko moingon nimo, bru, nga ayaw lage ko tawga og Chichay! It’s Chi, okay?” (Ilang beses ko bang sasabihin sa ’yo, bru, na ’wag na ’wag mo akong tawaging Chichay! It’s Chi, okay?)

“Fine.” I roll my eyes then heave a sigh. “Anyway, nasa’n ka na ba?” halos mapigtal na ang pasensiya na sabi ko. Napapadyak pa ako sa lupa na parang tsikiting na nagta-tantrums.

“Ako na pupunta sa ’yo. Saan ba ang puwesto mo ngayon?”

Bumaling ako sa harapan ko sabay sabing, “Nasa harap ako ng booth na ang designs ay red at gold. Org ’ata ito ng mga writer mula sa”—nagkibit-balikat ako—“iba’t ibang department? I don’t know. Basta, may disenyo silang libro, e.”

“Okay, bru. ’Wag kang aalis, a. Papunta na ’ko riyan.”

“’Pag hindi ka pa nagpakita sa ’kin in ten minutes, uuwi na talaga—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang tinakpan ng kung sino mula sa likuran ko ang aking mga mata. Kasunod niyon ang pagsakop ng kadiliman sa paningin ko.

I almost blurt out, What in heaven’s name are you doing? but I couldn’t throw those words. Piniringan na nga ako, may kamay pang tumakip sa bibig ko! ’Pag ako nakatakas mula rito, matitikman nito ang ganti ko!

Breaking News: Zuleyka Asuzano, natagpuang OA.

“Sumakay ka na lang po sa pakulo namin. ’Di ka naman namin sasaktan. ’Di namin kukunin ang mga lamang loob mo,” biro pa ng estudyanteng dumakip sa ’kin. Base sa boses nito, lalaki ito.

Parang familiar ang boses. Parang isa ito sa mga kakilala ni Chi! Sinasabi ko na nga ba! Naulit na naman ’yong nangyari noon! At pakana na naman ng bruha!

Ilang minuto akong walang nakikita. Habang tumatagal, pakiramdam ko’y parami nang parami ang mga matang dumadapo sa ’kin. Hanggang sa pinaupo ako nito sa isang upuan. Doon ay tuluyang dumaan sa paligid ng magkabila kong tainga ang hiyawan ng mga mag-aaral, na tila ba kinikilig. Umugong din ang bulungan sa gawing kanan.

Sa di-kalayuan, naririnig ko ang chorus ng kantang Impossible ni James Arthur.

Pagkalipas ng ilang segundo, bigla na lang tinanggal ang piring sa ’king mga mata, dahilan para tuluyan kong makita ang nasa harapan ko. Si Bryoni.

My jaw nearly drops, and my vision begins to get blurry. Nagkatitigan lang kaming dalawa sa mga sumunod na segundo, walang-kamukta-mukta na magtatagpo ulit kami sa ganitong paraan, kapuwa walang maapuhap na angkop na sasabihin.

Habang nasisilayan ko ang mukha niya, parang nanumbalik ang galit at sakit sa sistema ko, at sumariwa sa isip ko ang mga alaala namin bago niya ’ko iniwan . . .

* * * * *

A/N: There you have it! Nagkita na ulit ang ex-lovers. Next episode, let’s go back to where and when the girls first met. Thanks so much for reading!

Flames in Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon