FIVE MONTHS PRIOR TO THEIR BREAKUP. TEN MINUTES BEFORE ZULEYKA AND BRYONI’S FIRST MEETING
“Graduating na us, bru. ’Buti tumatanggap pa school natin ng transferee. Bakit, na-bully ka ba before sa dati mong school? Pa’katapos, na-discover nilang isa ka palang badass gangster? Pa’katapos, lumaban ka kaya ikaw itong na-expel?” sunod-sunod na tanong ni Chichay habang bumababa kami ng hagdan.
A soft chuckle tumbled from my mouth. I almost blurted out, Shuta ka! Pero ’buti na lang at napigilan ko ang sarili ko. Baka mag-iba ang impression niya sa ’kin. Imbes na sabihin ’yon, binigyan ko na lang siya ng maingat pero nakatatawang sagot: “Kawa-Wattpad mo ’yan.”
Ngayon ko pa lang siya nakilala, pero parang ilang taon na kaming magkaibigan. Gusto pa niyang Bru ang tawagan namin—short for “Bruha” raw. May klase kami, kaso, half day lang kasi Foundation Day. ’Tapos ngayon, niyaya ako nitong si Chichay na mag-booth hopping. Aniya pa, “Ga-graduate na tayo, bru, kaya dapat enjoy-in natin ang high school life. Kuha?”
Dinala kami ng aming mga paa sa quadrangle, na kung saan makikitang nagkalat ang iba’t ibang food stalls at booths sa paligid. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang makukulay na banderitas sa bandang itaas, at samahan pa ng makabasag-eardrums na tugtog na hinaluan ng tawanan ng mga mag-aaral sa di-kalayuan.
Akma kaming lalapit sa photo booth nang bigla na lang may dumakip sa ’kin—tatlong estudyante. Hinuli nila ang dalawa kong kamay, ’tsaka nila nilagyan ng posas ang aking palapulsuhan. Labag na ba sa batas ang pagiging maganda ngayon? Charot!
Pilit nila akong hinatak kaya nagpumiglas ako. “Let go of me!” I shouted.
“’Oy,” ang naibulalas ni Chichay habang nakasunod siya sa ’min, “ano’ng gagawin n’yo sa kanya? Bitiwan n’yo nga siya!”
Dinala nila ako sa gawa-gawa nilang selda rito sa booth nila. Mayro’n nang isang babaeng nakakulong, pero hindi ko siya pinagtuonan ng pansin. Kumapit ako sa rehas ’tapos paulit-ulit na nagsisigaw ng, “Pakawalan n’yo ’ko rito!”
Nakita kong nilapitan ng dalawang estudyante si Chichay. Ilang minuto silang nag-uusap. Kasunod niyon ay ang sunod-sunod na pagtango ng kaklase ko. Kumunot ang aking noo. ’Tapos, napansin kong may inabot ang mga ’yon sa kanya. Yawa? Ano ’yon? Nasuhulan ang bruha!
Pinihit ko ang aking ulo sa direksyon ng isang inmate na tahimik lang habang nakasandig sa pader. Maganda siya. Nakapusod ang kulay-tsokolate niyang buhok. Gaya ng lahat, naka-uniform din siya—kasi may klase kami kaninang umaga—pero pinaibabawan niya iyon ng rainbow-colored flannel jacket. “Hey, friends mo ’yong mga ’yon, ’di ba?”
Walang kaemo-emosyon niyang sinipat ang direksyong inginuso ko, at saka siya tumugon, “Yes. Why?”
“Anong ‘why’? Alam mo . . .” Dumapo ang mga mata ko sa ID card niya. Bryoni Marie C. Pertierra ang nakalagay. “. . . Marie, kailangan mong pagsabihan ang friends mo na itigil na kahibangang ’to. Kapapasok ko lang sa school na ’to, ’tapos ganito na agad ang ipinararanas sa ’kin ng universe. Jusko. ’Di ba nga, ’yong mga kinasal kuno sa wedding booth, paglaki nila, nagkatuluyan talaga sila? So, that means mabibilanggo tayo in the future! Stomoyorn?”
BINABASA MO ANG
Flames in Our Hearts
Romance[ON HOLD] Categories : Girls' Love • Contemporary Romance • LGBTQ September 2022: Lumipat ako ng ibang school, at doon ko nakilala ang isa sa mga sikat na badminton player na si Bryoni. October 2022: Naging malapit kami sa isa't isa. Mas nakilala ko...