TWELVE MONTHS AFTER THEIR BREAKUP. FIVE MINUTES AFTER ZULEYKA AND BRYONI MET AGAIN
Natibag na parang gusaling hinagupit ng lindol ang masayang alaalang ’yon nang umugong ang tilian ng mga estudyante sa paligid. Ngayong nabalik ako sa realidad, napalitan ’yon ng pait. Ganito rin ang nangyari sa ’min no’ng una kaming nagkatagpo; pinuwersa kami ng mga taong kilala namin para mapalapit kami sa isa’t isa sa pamamagitan ng pagkulong sa ’min sa gawa-gawang kulungan, o sa madaling salita ay forced proximity.
Sana, ito na ang huli naming pagkikita. Sana, ’di na ’ko ulit itulak sa kanya ng tadhana, I cling to my mantra, a total opposite of what I have wished before.
I then close my eyes while grinding my teeth. ’Tapos, ikinuyom ko ang mga palad ko. Hindi ko alam kung ano ang ire-respond ko: Fight or flight? Argh!
“Quiet please,” pakiusap n’ong host. Agad namang tumalima ang karamihan sa atas nito. “Okay. So, ito na ang mechanics . . . um, para lang ’tong EXpecially for You ng It’s Showtime—”
“Enough!” I blurt out. “I get it. Gusto n’yo ng aliw o mapag-uusapan, pero sana man lang, hiningi n’yo ang permission namin! Sana, tinanong n’yo kami kung okay lang sa ’min ’to!” I don’t have a clue what has gotten into me. In some cases, I would just ignore them and flee. This time, however, I’ve got courage. Is it because of the flame of anger that grows in my heart? Beats me.
Pagkatapos n’on, dali-dali akong tumakbo. Ngayon ko lang napagtantong tumutulo na pala sa ’king pisingi ang mga butil ng luha ko. Hindi ko na lang ’yon inalintana at nagpatuloy lang ako sa paglayo. Hanggang sa naramdaman kong may humahabol sa ’kin.
“Zulie, sorry!” sigaw ni Chi. “I admit, idea ko ’yon. Gusto ko lang naman kayong makapag-usap ni Bryoni, e.”
Huminto ako, ’tsaka ko pinihit ang aking atensyon sa kanya. “My god, Chi, ginawa mo ulit! Alam mong masasaktan ako. Alam mong ganito ang magiging reaksyon ko. But you did it anyway!” sikmat ko sa kanya habang nagngingitngit ang mga ngipin ko. ’Tapos, pasimple kong pinahid ang aking luha.
Lumapit siya nang kaunti, hinuli ang isang kamay ko para pisilin—parati niya itong ginagawa ’pag humihingi siya ng tawad—at saka niya sinabing, “Sorry na, bru. Fine, I cross the line. Paladesisyon ako. Sana, mapatawad mo pa ’ko. Alam ko na ang importansya ng consent. Promise, ’di ko na ’to uulitin.”
“Dapat lang,” sabi ko. Bumuntonghininga muna ako bago makiusap, “Please, ’wag mo muna akong sundan ngayon. Hayaan mo muna akong mapag-isa. Kailangan kong magpalamig ng ulo.”
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tinalikuran ko na siya para muling maglakad palayo. May kasalanan din naman ako, kahit na may kutob akong may gagawin siyang kalokohan sa ’kin sa araw na ’to, sumipot pa rin ako. Ang hindi ko lang in-expect, si Bryoni pa talaga ang hinarap nila sa ’kin—ang taong dumurog sa ’kin. Hinding-hindi ko makalilimutan na no’ng pinagkaisahan kami ng mundo, sa halip na samahan at sabay na lumaban, doon pa niya ’ko sinukuan.
Instead of “me and Bryoni against the world,” naging “me against them” ang kinahinatnan.
Muli na namang nagkarera ang mga luha ko pababa sa ’king pisngi nang mahukay ang alaalang pilit kong ibinabaon sa limot. To make matters worse, drizzle begins to fall. Akala ko, sa pelikula o teleserye lang ’to nangyayari—na makisimpatiya sa ’kin ang langit—para magmukhang dramatic at nakaiiyak kuno ang eksena. Masasabi kong totoo nga ang kasabihang, “When it rains, it pours.”
Kulang pa ba ’to? ang nasa isip ko habang umiiyak. Sige, dagdagan n’yo pa! Gusto n’yo rin akong masagasaan? Gawin n’yo na para matapos na ’tong sakit na dinadala ko!
Pagkalabas ko ng gate, dire-diretso lang akong naglakad, walang lingon-lingon sa kaliwa’t kanan, wala na ’kong pakialam kung may mabangga man akong estudyante. At sa puntong ’to, tuluyang bumuhos ang malakas na ulan.
Akala ko, ayos na ’ko, na naghilom na ang sugat ko, pero hindi pa pala, sumariwa ang sakit. Parang kastilyong buhangin na masaya kong nabuo at akala ko’y matibay ang pundasyon. Sa isang kisapmata, bigla na lang dinaanan ng malakas na alon, dahilan para muling mawasak.
Hanggang sa tumigil ang pagtulo ng ulan sa katawan ko. Huminto ako sa paglalakad, tumingala sa itaas ko, ’tapos napagtanto kong may dilaw na payong na nakaprotekta sa ’kin kahit huli na ang lahat, kahit basang-basa na ’ko. Doon ay tuluyan akong napalingon sa likuran ko at nasaksihan ang may hawak nito—isang lalaki na banat nang bahagya ang mga labi.
“Dapat hindi ka nagpapaulan, miss,” sabi niya, nababahiran ng pag-aalala ang kanyang boses. Balikat niya naman ang unti-unting inaatake ng ulan dahil halos ibinigay na niya sa ’kin ang kanyang payong. “Baka magkasakit ka niyan kinabukasan.”
“Thank you, but I’m fine,” malamig kong saad. “Basang-basa na ’ko. Sa ’yo na lang ’yan.” Marahan kong itinulak ang payong sa kanya.
“Share tayo,” giit niya.
“’Wag na.”
“Miss, baka magkasakit—”
“Ano ba?!” I cut his words short. “’Di ka ba nakaiintindi? Okay lang ako. Hayaan mo na lang ako, puwede?” Hindi ko na nakontrol ang sarili ko, kaya sumabog ulit ako sa galit.
“P-pasensiya na.”
Walang ano-ano’y tumakbo ako. Pumara ako ng taxi makaraan ang ilang minuto. ’Buti na lang at pinasakay ako kahit sinalakay na ng tubig ang buo kong katawan. Pagkuwa’y tumunog at umilaw ang cell phone kong basa na rin; nag-message siya sa ’kin sa IG.
pertierrabry_
i’m so sorry, zul. wala talaga akong alam sa nangyari kanina.Itinuon ko na lang ang atensyon sa bintana ng sasakyan dahil wala akong balak na mag-reply. Tuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan. Ang mga tao sa gilid ng kalsada ay may kanya-kanya nang hawak na mga payong habang abala sa paghahanap ng masasakyan pauwi. Ang iilang puno sa paligid ay parang sumasayaw dahil sa malakas na hangin.
Pagliko ng sinasakyan kong taxi, may nahagip akong aquarium na nabasag ’tapos ang mga isda sa semento ay hindi mapirmi, palipat-lipat ng puwesto, naghahanap ng malalanguyan.
I then squeeze my eyes shut. Dahil do’n sa nakita ko, isa na namang t*nginang alaala ang bumisita sa ’kin, ’yong panahong para akong isdang nakawala sa tubig . . .
* * * * *
A/N: Naguguluhan na rin ako sa sinusulat ko haha. Ang story na ’to, parang playlist na naka-shuffle—love song ’tapos biglang sad song ang magpe-play. If ever maguluhan, balikan n’yo lang ’yong naka-capital at naka-bold sa itaas.
Next episode: Fish out of Water.
BINABASA MO ANG
Flames in Our Hearts
Romance[ON HOLD] Categories : Girls' Love • Contemporary Romance • LGBTQ September 2022: Lumipat ako ng ibang school, at doon ko nakilala ang isa sa mga sikat na badminton player na si Bryoni. October 2022: Naging malapit kami sa isa't isa. Mas nakilala ko...