4

0 0 0
                                    

'Nagdadalang tao ang aking ina'

Mabilis na kumalat ang balita at kaaagad-agad ay na plano ang isang piging upang ipagbunyi ito.

Umaga pa lamang ay hindi na nakawala si Mercedes habang sinusuutan siya ng iba't-ibang damit ng tatlong kasambahay sa pag-uutos ni Donya Chiquita. Hindi naman problema iyon kay Mercedes. Sa katunayan ay natutuwa siya sa pamimili ng susuutin. Iyon nga ang paborito niyang bahagi ng bawat araw, ang pagdadamit sa sarili.

Sa huli ay napili ni Mercedes suutin ang magarbong baro't saya sa purong kulay na asul. Ang buong bayan ay imbitado sa piging, mula sa pinaka mahirap hanggang sa pinaka mayayaman. Maging ang ibang mga mayayamang pamilya mula sa ibang bayan ay nagpunta para lamang makadalo sa piging na selebrasyon ng napakahalagang anunsyo.

Katabi ngayon ni Mercedes ang ina na nakikipag-usap din sa ibang kababaihan. Ang kanilang kumpol ay binubuo ng mga may asawa na at ilang mga dalagang babae.

"Kay swerteng taon nito para sa inyong pamilya! Ikakasal si Mercedes at ikaw ay nagdadalang tao muli!" Ani Merlina, isang apa't-napung taong gulang na babae. Asawa ng isang heneral at may tatlong anak.

"Siyang tunay, Merlina... ito na ang bunga ng aking araw-araw na pagdarasal" ani Donya Chiquita. Napatango ang mga kababaihan.

"Salamat sa diyos!" Wika ng lahat.

Napatingin si Merlina kay Mercedes.

Nang gawin niya iyon ay alam na ni Mercedes ang kasunod. "Ikaw ay magkakaroon na rin ng apo hindi katagalan, ilan ba ang inyong plano hija?"

Napangiti ng pilit si Mercedes. Ang totoo ay naiisip na niya kung ilan ang gusto niyang anak noon. Kung siya ang masusunod ay gusto niya ng tatlong anak ngunit...

"Si Rico nalang po ang masusunod..." tumawa siya ng bahagya.

Napatango naman ang lahat, maging si Merlina. "Basta ang payo ko lamang hija bilang isang babaeng dalawampu't-dalawang taon nang kasal?" panimula nito. "lagi mong bigyang pansin ang iyong asawa, huwag mong ipagsawalang bahala ang iyong hitsura at lagi mong sundin si Rico, baka maghanap ng iba!" payo nito.

Nang makaalis sa kumpol ay mag-isa na muli si Mercedes. Nagsimula siyang maglakad patungo sa balkonahe ngunit habang naglalakad patungo roon ay hindi niya naiwasang marinig ang pag-uusap ng mga taong kaniyang nadaanan.

"Ako'y nagagalak sa bagong biyaya sa kanilang pamilya, ang lahat ng 'yon ay nararapat lamang sa kanila dahil sa kanilang kabutihan sa lahat," sambit ng tinig ng isang matandang babae.

"Oo nga, sana lamang ay lalaki na....iyon ang tunay na swerte," ani pa ng isa.

Tila namintig ang tenga ni Mercedes. At kahit pa alam niyang hindi naman dapat ay nasaktan siya ng kaunti sa narinig.

Lalaki....

Tama nga naman. Kahit sinong magulang, kung magkakaroon ng pagkakataong mapili ang kasarian ng anak ay lalaki ang gugustuhin. Lalaki ang magdadala sa pangalan ng pamilya.

Iyon ang katotohanan.

Ang mga salitang ganiyan, kahit madalas kong marinig ay tila nagmula parin sa walang utak na tao sa aking panrinig.

Gulat na napatingin si Mercedes sa lalaking nasa kaniyang tabi na pala.

Ngumiti ang lalaki na ibinaba ang tingin sa kaniya. "Liu,"

"Lu?"

Natawa nang bahagya ang lalaki bago umayos ng tayo paharap kay Mercedes. Hinarap din siya ni Mercedes.

"Liu ang aking pangalan."

Nagparte ang mga labi ni Mercedes.

"Kakaibang pangalan, hindi ba?"

Napatango naman si Mercedes at bahagyangnapangiti.

"Ako naman si Mercedes."

"Aking nalalaman, sino ang hindi makakakilala sa iyo Binibini?"

Napatingin siya sa suot ng lalaking kaharap. Kulay puti and pang ibaba at kulay abong pang ibaba. Napakalinis tignan ng lalaki ngunit sa pananamit nito ay makikitang hindi sila magkatulad ng antas sa buhay.

Magsasalita pa sana si Mercedes nang marinig nila mula sa loob ang ang tinig na tumatawag sa pangalan niya. Parehas silang napalingon doon.

Mukhang hinahanap ka na. napatingin muli si Mercedes sa lalaki. "Mabuting mauna na ako, baka kung ano pa ang isipin nila sa oras na makita nilang kasama mo ngayon ang isang tulad ko."

Nagsimulang maglakad paalis ng balkonahe si Liu ngunit sa may pintuan papasok ng papasok ng balkonahe ay sandal siyang huminto at lumingon.

"Liu, huwag mong kalilimutan, sanay magkita pa tayo muli Senyorita Mercedes." Ngiti niya at tuluyan nang umalis.

—————————————————————————————

Dos no QuinonasWhere stories live. Discover now