Chapter 32

2.2K 41 1
                                    

"Collaboration?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Collaboration?"

"It was a long story, but it was about Safira and LMC."

Savannah's jaw dropped as she was amused by the news I said. Lalo na nang malaman niyang si Ismael ang may-ari ng LMC na siyang pangarap kong kompanya.

"Woah, you gain my respect, Professor. Napakayaman mo pala talaga. What if you teach me how to manage my business?" Natawa ako sa tanong ni Sav kay Ismael.

"Hindi ba't iyan ang pinag-aralan niyo sa course niyo?" isnaberong hirit ni Ismael, kaya lalo akong humagikgik sa gilid.

"But still, iba pa rin ang masasabi ng isang businessman na may experience! You should have taught us business management subjects, not calculus, Professor!"

Inilagay ni Ismael ang index finger niya sa kaniyang labi na para bang pinatatahimik ang kaibigan ko. "Shush, your business management professor will be mad at you if he hears you say that."

"Hindi niya ako maririnig dahil wala naman siya rito!"

Natawa na lang din si Ismael bago napatingin sa akin. "Your friend is like you," he mouthed. Tsk. Mukhang nahawa nga itong si Savannah sa akin sa pagiging o.a.

Maya-maya lang ay dumating na ang pagkain namin for dinner. Grabe, hindi ako makapaniwalang huling gabi na namin ni Ismael dito at bukas ay uuwi na kami sa Pilipinas. Totoong nag-enjoy ako sa trip na ito dahil bukod sa marami kaming napuntahang magkasama, nagkita pa kami ni Savannah.

We were in the middle of eating when my phone was notified. Hindi ko sana kukunin dahil masyado akong abala sa pagkain ng masarap na beef steak nang makita ko ang pangalan ni Joth sa screen.

I immediately picked up my phone to check his message and I was too stunned to speak when I read it.

"Why? What happened?" tanong ni Ismael na siyang nasa harapan ko. Si Savannah naman ay nakaupo sa tabi ko at napahinto rin sa pagkain para tumingin sa akin.

Tumunghay ako para salubungin ang mga mata nila. "The ring you gave me was in Roxsielle's possession," nanginginig ang mga labi kong sambit kay Ismael.

"The ring? You mean the promise ring? And who's Roxsielle?" singit ni Sav. Napalingon ako sa kaniya at alam kong sa isang sandali ay mahuhulog na ang mga naiipon kong luha.

"Roxsielle is the live-in partner of my brother, Joth," sagot ko sa kaniya bago muling humarap kay Ismael. "P-paano 'yon mapupunta sa kaniya?"

"Excuse me, sir, would you like us to serve dessert now?" Pareho kaming napatingin sa waiter nang lumitaw ito sa gilid namin.

"N-no, not this time. I'll talk to you later," sagot ni Ismael bago muling tumingin sa akin at kay Sav. Nagpaalam na rin sa amin ang waiter na iyon.

"Uhmm, so why would your ring be in her possession, Thea? May access ba siya sa bahay mo? Sa pagkakaalam ko, kayong dalawa lang ni Ismael hindi ba? Paano niya makukuha 'yon?" pagbabalik ni Sav sa usapan na hindi ko nasagot nang sumabat si Ismael.

Lift Me Up, Professor (El Profesor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon