MIYUKI'S FATHER

37 2 0
                                    

Miaka POV



Dahil medyo naboboring na ko ay naisipan kong pumunta sa kusina at magbake ng cake. Naisip kong gumawa ng manggo cake saka ko tinawagan si Miyuki, gusto ko kasi na tikman niya ang gawa ko.




"Pero Miaka busy ako." bumigat ang loob ko sa sagot niya "Nandiyan naman si Yaya Pasing sa kanya mo na lang ipatikim."

"Pero kasi..." I bit my lip



Parang maybumabara sa lalamunan ko at naiiyak ako. Lately hindi ko na talaga maintindihan ang mood swings ko at parang mabilis ako masaktan sa mga bagay-bagay.

Naiintindihan ko naman na busy siya pero hindi ko mapigilang masaktan eh.



"S-Sige huwag na lang."

"Miaka..."

"Hindi a-ayos lang k-kami na lang ni Yaya Pasing ang kakain nito." wika ko



Pinigilan ko naman na huwag na umiyak at pinunasan ko ang luha ko pero hindi ko mapigilang humikbi.

Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit ang bigat sa pakiramdam? Bakit kahit sa mababaw na dahilang 'busy' siya ay nasasaktan ako? Hindi ko na maintindihan.




"Wait- fuck are you crying?!" gulat na wika niya "Fuck! Dammit!"


"Minumura mo ba ako?!"


"What no- no, I'm sorry na bigla lang ako kasi umiiyak ka I'm sorry." wika niya, narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. "Sige uuwi ako diyan ngayon."



"H-Huh?"


"Uuwi ako at titikman ko yung cake mo, happy now?" may lambing na sabi niya sa akin


Umaliwalas ang mukha ko ng sabihin niyang uuwi siya, uuwi siya para lang tikman yung cake ko.

Uuwi siya kahit busy siya sa work.


"But you said you were busy-" I said but he cut me off

"Well yes, but you are more important to me Miaka."


Halos umakyat yata lahat ng dugo ko sa mukha ko, grabe feeling ko namumula ako at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Relax Miaka, relax okay!


"Oh basta, uuwi na ako diyan hintayin mo ko at huwag ka na umiyak."


"O-Okay." kabadong wika ko, pinunasan ko ang luha ko.


Bakit naman kaya ako kinakabahan sa kanya? Ang weird ko talaga ngayon bakit kaya?

Samantala habang inaayos ko ang icing ng cake sa kusina ay kasama ko naman si Yaya Pasing.

Forbidden RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon