Chapter 2

3 0 0
                                    

'Love, I'm here na sa labas.' Sabi ni Enzo mula sa kabilang linya. "Wait lang, love, patapos na 'ko." Sagot naman ni Anna, habang naglalagay ng kaunting blush on sa pisngi. Inayus-ayos nya ang buhok saka nagmadaling lumabas ng kwarto para puntahan na ang nobyo sa labas. Araw ng pagtatapos nila ngayon sa high school. "Ma, alis na po kami," madaling paalam ni Anna pagkalabas ng kwarto. "O sige, 'nak. Mag-iingat kayo ha, kita nalang tatayo mamaya." Sagot naman ng ina na abala ring naghahanda.

"Let's go, love." Pagbati ni Anna kay Enzo. "Wala ba akong kiss man lang?" pabirong sabat ni Enzo. Natawa nalang si Anna, "Mamaya na. Male-late na tayo sa baccalaureate mass. Tara naaaa," saka pumasok ng kotse. Pumasok na rin si Enzo ng sasakyan saka nagmaneho papuntang paaralan. Habang nasa kotse, napansin ni Enzo na tahimik ang nobya. "Love, kinakabahan ka ba sa magiging speech mo mamaya?" tanong nya. Anna heaved a sigh, "Medyo," matamlay na sagot ni Anna na nilalaru-laro pa rin ang mga daliri sa kaba.

"Ano ka ba, para namang hindi ka sanay sa pagharap sa maraming tao ah. Kaya mo 'yan, love. Ikaw pa ba," sabi ni Enzo sabay hawak sa mga kamay ni Anna. "You'll do great." "Thanks, love." "Alam ko na, kapag kinabahan ka, tumingin ka nalang sa 'kin. Akong bahala sa 'yo." Sabi ni Enzo sabay kindat kay Anna saka bumalik ang tingin sa binabaybaybay na daan. "Ewan ko sa 'yo, mag-drive ka na nga lang," natatawang sabi ni Anna na medyo nahimasmasan na sa kaba. Magde-deliver kasi sya ng Valedictory Speech nya mamaya, sya kasi ang may pinakamataas na marka sa lahat ng graduates.

"Congratulations, graduates!" pagtatapos na bati ng emcee to culminate the graudation rites. Pagkatapos ng seremonya, agad nagkita sina Anna at Enzo sa may stage at nagpa-picture kasama ang kani-kanilang mga pamilya. "Congratulations, love! You did great kanina," sabi ni Enzo, referring to her speech a while ago, sabay halik sa noo ni Anna. "Thanks, love," napangiting tugon ni Anna sa nobyo. Magkakasamang nag-lunch out ang pamilya nina Anna at Enzo sa isang Chinese restaurant. Pagkatapos ay nagpasyang gumala ang dalawa. They decided to go to the nearby mall para manood ng sine at mag-arcade. After an exhausting day, inihatid na ni Enzo si Anna pauwi.

During the whole summer break, halos araw-araw magkasama sina Enzo at Anna. Panay gala - minsan silang dalawa, minsan naman kasama ang kani-kanilang circle of friends.

A week before classes start, Anna had a severe headache and acne breakout. 'Love, sunduin kita mamayang 6P.M. ha, punta tayo sa birthday party ni Robert,' paalala ni Enzo sa kabilang linya. "Love, pwede bang pass muna ako today? Pasabi nalang kay Rob pasensya na," matamlay na sagot ni Anna. 'Are you okay? What's wrong? Ba't ganyan boses mo?' sunud-sunod na nag-aalalang tanong ni Enzo. "Migraine lang, tsaka ano," Anna paused, tila naiiyak na ang boses, "acne breakout," di na nya napigilang umiyak.

'Shit! Wait for me there,' sagot ni Enzo bago madaling tinapos ang tawag. A few minutes later, Enzo arrived at Anna's house na may dala-dalang iba't ibang prutas at pagkain. It's his only known way to at least comfort his girlfriend. Nakakasampung katok na sa pinto ng kwarto ng nobya si Enzo, pero ayaw pa rin syang pagbuksan nito. "Love, buksan mo na kasi 'tong pinto," pakiusap parin ni Enzo. 'Love naman e, ayokong makita mo 'kong ganito ang itsura,' tugon ni Anna from inside her room.

"Ms. Leanna Ramos, kung inaakala mong mate-turn off ako sa 'yo nang dahil lang sa acne breakout mo, well, I'm sorry to disappoint you, but I won't. Kaya buti pa buksan mo na, kasi hinding-hindi talaga ako titigil kakakatok sa pinto mo kahit anong mangyari." He assured with a firm voice.

And Anna finally gave in and opened the door of her bedroom, she wore a mask to conceal her acne. Natawa naman si Enzo bago pumasok sa kwarto nito. Enzo spent the night with Anna to make her feel comforted and offered to go with to the dermatologist the next day.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Another Shot at LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon