" Hii po Mommy welcome to my vlog hehehe." Nadismaya kaagad si Mommy at napailing-iling.
Actually hindi naman talaga 'to vlog nag videocall lang kami ni Mommy.Namiss ko narin sila ni Daddy syempre ang Kuya kong timawa.
" Sweetheart I miss you.Kumusta ang honeymoon niyo?" Medyo napangiwi ako sa tanong niya.
" Okay lang Mommy.N-nice po."
Napatakip ito sa bibig niya na parang na shock siya bigla.
" Sweetheart m-may nangyari na ba sa inyo? Magkakaapo na ba kami?"
Apo sa tuhod?
Nailang ako bigla sa tanong niya lalo pa't nang makita si Pareng Hugo na kakalabas lang galing sa bathroom at nakatuwalya lang.
" Sweetheart umabot ka ba sa heaven?"
Luhhj.
Paanong aabot?
"Mommy anong heaven? Tsaka buhay pa naman ako Mommy bakit sa heaven?" Nakita ko ang pagkalmot ni Mommy sa batok niya at narinig ang mahinang pagtawa ni Hugo.
" Hoy ba't ka tumawa? Tsk! "
Inirapan ko ito at muling tumingin sa loptop. Si Mommy naman ay napangiti. " Sweetheart nasaan ang asawa mo? " biglang tanong nito tsaka naman tumabi kaagad si Hugo sa'kin.
" Oh, hii Hijo.Kumusta kayo dyan?"
" We are fine----"
" Mommy huwag mo siyang kausapin ako ang kausapin mo." Mataray kong sinulyapan si Pareng Hugo na nakangiti din kay Mommy himala ngumiti ang robbot.
" Tsaka ikaw, umalis ka nga dito."
Hindi siya umalis kaya ako na ang aalis.Ako ang mag-aadjust.
Tumayo ako mula sa kama at dinala ang loptop mula sa sofa at doon ko kinausap si Mommy habang si Pareng Hugo ay nadidismayang umiling-iling.
" Sweetheart you're so bad."
" Eh Mommy ako ang kausap mo tsaka kinukuha lang niya ang atensyon mo." Ngumuso ako dahilan kaya napatawa si Mommy.
" Where's my Daddy at si Kuya po? " Hindi ko na pinansin pa si Pareng Hugo dahil naglakad na lang siya patungo sa walk in closet.
" They are at the company sweetheart, they are busy of course namiss ka nila." Mommy said na ikinangiti ko, nagusap-usap lang kami ni Mommy hanggang sa makalabas si Pareng Hugo sa walk in closet while wearing his formal suit.
At ayos na ayos siya.Wow!
" I will just go somewhere."
" Okay."
Pagpayag ko at muling tumingin sa screen ng laptop ngumiti ako kay Mommy hanggang sa biglang lumapit si Pareng Hugo kasabay ng paghawak niya sa baba ko para ipirmi sa direksyon niya, ikinatigil ko nang halikan niya ako at ngumiti bago umalis.
" I love you baby."
D*mn!
Sa harapan pa talaga ni Mommy?
Natulala ako ng ilang sandali at si Mommy ay nagulat bago napatili na para bang kinikilig.
" My god sweetheart he's very sweet."
" Huwag mong pansinin iyon Mommy, ganon talaga siya kapag sinusumpong." Sabi ko kaya masama akong tiningan ni Mommy.
Botong-boto talaga sila sa lalaking iyon, hindi ko alam kung ano ang nakita nila dahil ba guwapo ganon?
" Sweetheart ano m-malaki ba?"
" H-huh? Mommy ang ano?".
" 'Yong ano niya anak.Katulad seguro ng Daddy mo."
" Iwan ko sayo Mommy, ang labo mo din magsalita bye na po maliligo lang ako." Napangiwi si Mommy at umiling-iling.
Ano ba kasi ang malaki? Ang katawan ba ni Hugo syempre malaki talaga iyon nagge-gym eh.
" Segi sweetheart, paalala ko sayo huwag kang makulit kay Mr.Villamonte.Behave okay? I love you."
" I love you too, Mommy."
Matapos namin mag-usap ni Mommy ay naligo narin ako, isang oras ako sa loob ng bathroom dahil matagal ko munang ibinabad ang katawan ko sa bathtub hanggang sa magbihis narin ako at bumaba.
Suot ko ang boxer at over size t-shirt ni Pareng Hugo basta komportable talaga ako kapag ganito ang suot ko.
Matapos kumain ay bumalik din kaagad sa kuwarto at nag-game hanggang sa makatulog ako sa kakalaro ko.Nakakapagod din pala.
" Ma'am wake up."
Nagising ako dahil sa boses ng babae at tinapik-tapik ang pisngi ko.Medyo nainis ako sa paggising niya 'natutulog ako babae huwag kang epal.Nako talaga!'
" Ma'am,you didn't eat earlier, Sir instructed to feed you at the right time."
Nanlaki ang mata ko nang mapatingin ako sa orasan 4: 25 pm na pala? Ang haba naman ng tulog ko ni hindi ako nakakain ng pananghalian.Halaa!
" Wait hindi pa ba nakakauwi si Pareng Hugo?"
" Ma'am? What did you say?"
Mariin akong napapikit sa inis.Hindi pala nakakaintindi ng Tagalog ang babaeng 'to.
"My husband, is he here? " Tanong ko para madali niyang maintindihan.
" Ohh, no Ma'am he's not here."
Nyenyenye!
Kalma.
" What? He left earlier in the morning and he hasn't been back here yet? " Saang lupalop ng mundo napadpad ang g*gong iyon bakit hindi pa siya bumabalik---.
Hinahanap mo ba siya Pareng Kiks? You miss him?
Napailing-iling ako.Yay! No way.Hindi ko siya hinahanap nagtatanong lang ako ganon lang iyon.Tumayo ako sa kama at bumaba para kumain dahil ngayon ko lang din napansin na nagugutom pala ako, hindi ako nakakain.
Nakasunod lang sa'kin ang babae hanggang sa makasalamuha ko ang mga tauhan ni Pareng Hugo.
" Magandang hapon Señorit--"
" Ituloy mo, uupakan kita."
" Amm ah hehehe magandang hapon Pareng Kiks."
"Iyon dapat para astig."
Nang tumingin sa labas ay iilan lang din silang naririto parang importante talaga ang pinuntahan ng lalaking iyon.
" Balolong, come here."
" Bakit po Señorita? "
Arghh fvcking señorita I hate that! Ewww!
" Pareng Balolong, huwag na huwag mo akong tawaging Señorita dahil kapag napuno ako alam mo ba kung ano ang ginagawa ko kapag napupuno ako, ha?"
" Nako po Señorita hindi ko alam.Hehehe ano po ba ang ginagawa niyo kapag napupuno ka Señorita? "
" Arghh! Shit ponyeta ka talaga Balolong! "
" Hehehe Señorita sorry po curious lang ako."
Napuno na talaga ako kaya kinuwilyohan ko ito at pinitik sa noo ng sobrang lakas na ikina-aray niya.
" Isa pa talaga Balolong napupuno na ako."
" S-Señorita..."
" ANO?? "
"Hehehe. ♫︎Señorita come with me---♫︎"
"Argh! Tangina!"
YOU ARE READING
MY MAFIA'S HUSBAND
Romance[SHORT CHAPTER] Warning: R18. Kilalanin si Kikay.She's boyish na walang ibang ginawa kundi magpapansin sa kapwa niya babae until one day naikasal siya sa Mafia Boss, anong mangyayari kung ang isang guwapong Mafia ay naadik sa pagbibigay sa kaniya ng...