= Dan's POV =
KAMI NA NI JANELLA!!!
you've heard it right? Kami na!
Pero.. Hindi ko naman talaga alam kung Mahal ko sya. Ewan ko naguguluhan ako pero..
Importante sya sakin..
Aaminin na nami sa Parents namin.
Nandito kami sa Cottage.
"Uhmm. So we're complete?" tanong ko.
"Yup. Dan. What's your news ba?" tanong naman ni Tita Julia.
"Uhmm.. Tito Lester?" sabi ko nag nod naman si Tito. tapos lumapit si Jane sakin and nagholding hands naman kami.. "Kami na po" sabi ko.
"What!?" react ni Mommy at ni Ninang Anikka. hinawakan naman ni Daddy ang kamay ni Mommy.
"Sorry Lest and Sab.. Nabigla lang" sabi ni Mommy. At umupo na. Ngumiti nalang sila na parang may mali.
"Oww. So yun naman pala eh" sabi ni Chelsea na tumayo "See. Sila na? And If pinabantayan nyo pa ko. Masisira lang ang araw araw nila." sabi nya at tumingin samin. "Congrats" sabi nya at umalis na.. Binangga nya pa ang shoulders ni Jane. Anong problema nun??
"Anong problema ni Chelsea? Nakita ko yun?" tanong ni Mommy. Buti nalang di nakita ni Tito Lest yun at ni Tita Sab.
"Aish. What's happening to my Little Princess?" tanong naman ni Ninong Kats na gulong gulo. Tinap naman ni Daddy at Tito Seth yung likod nya.
"Uhmm. Ninong. Kung Gusto nyo kausapin ko sya?" tanong ni Jane.
" Wag Janella!" sigaw na sinabi ni Mika. "I'm sorry. What I meant is wag ngayon... Masama lasa nya" sabi ni Mika.
"Uhmm. Congrats. " sabi ni Tito Quen.
"Thanks Tito!" sabi ko sabay Apir sa kanya.
"Ah Sige. Dad. Mom. Tito Tita, Ninang, Ninong.Thank you po. Una na kami" sabi ko at umalis na.
---
= Chelsea's POV =
Argh! Nakakainis! Shit! Andito ako ngayon. Nakaupo. Saan? Sa May Beach. Kinuha ko muna yung Lyric Notebook ko. Pampatanggal ng Stress.
"Kamukha mo si Paralungan..
Nung tayo'y bata pa. Ang galing galing mong sumayaw... Mapaboogie man o Cha Cha.. Ngunit ang paborito ay ang pagsayaw mo ng Elbimbo. Nakakaindak, Nakakaaliw, Nakakatindig balahibo."
Nakakamiss Dan. Nakakamiss yung sinasayawan mo ko pag malungkot ako. Yung pag malungkot ako. Isasayaw mo ko..
.
"Pagkagaling sa skwela ay didiretso na sainyo at buong mag hapon ay tuturuan mo ako."
Yung susunduin mo ko.. Sasakay sa Kotse. Gigimik. Maglalaro sa Timezone. Nakakamiss.
"Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay malay na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay"
Dan.. Takot akong magmahal.. Oo. Pero Bakit nga ba dumating ka? Yan tuloy. Nasaktan ako. Fragile ang Puso ko. Alam mo yun pero bakit mo sinaktan??
"Nanigas ang aking kayawan.. Patay sa kembot ng bewang mo.. at pungay ng iyong mga maya, lumiliwanag ang buhay habang tayoy magkaakbay at dahan dahan dumulas ang iyong braso"
Yung nagbabakla baklaan ka pag malungkot ako. Suguro yun na pinakamasaya pag malungkot ako. Iyon na ata ang Pain Reliever ko eh. Kaso. Ngayon? Wala na ata..