Nagkakilala tayo sa Nakakatuwang paraan,
Hindi ko inaasahan na sa simpling pagtulak ng iyong mga kaibigan at sa simpling mga biroan ay makukuha mo aking kalouban.Tila nag biro ang tadhana, Nalaman ko nalang na sa iba pala.. ikaw ay humahanga...
Unti unti akong lumayo damdamim ay itinago
Pangarap na makasama kay aking isinuko.Ilang araw ang lumipas damdamin may unti unting kumupas,
Mananatili ang paghanga sayo hangang wakas.
Susuportahan ka sa lahat ng bagay, Mananatili ako sayo Habang buhay.Hindi man kita nakamit, masaya naman akong may iba sayong nagpapaibig.
Dibali ang nararamdaman kung sakit,
masilayan kalang nakangiti at sakanya'y nagmamahal ng labis.Pinangarap ay ikaw At mananatili akong sayo'y nakatanaw,
Pusoy palihim na nasasaktan at sumisigaw,
Walang ibang itinatangi kundi Ikaw.