"Ayaw kitang Mawala"

5 1 0
                                    

Ayaw kitang Mawala",Unang salitang Naging dahilan ng aking pag luha.
Salitang lumabas sa iyong bibig ng gabing puso koy biglang kumabig.
Salitang naging basihan kung bakit ako'y natauhan.
Salitang naging dahilan kung bakit ang hirap mong kalimutan.

Ilang butil ba ng luha ang kapalit ng salitang Ayaw kitang mawala?
Ayaw mo akong mawala, pero iba naman ang iyong pinapakita.
Hindi ko ramdam na ako pa'y iyong kailangan kaya kusa akong lumisan.

Habang ako'y papalayo, iniiwasan kong tahakin ang daan kung saan ka Nakatayo.
Sinubukang ibahin ang direksyon,Para ika'y maging  ganap na leksyon.
Ngunit  hangin ay nag iba, Dko inakala na puso ko'y dka ikakaila.

Sa pagbalik ko sa iyong bisig,ito'y  hindi na bilang iyong iniibig.
Nagkaroon ng kasunduan, Ito ay ang mananatili nating pagkakaibigan.
Handang tabunan ang nararamdaman,Makasama ka lang  sa kasiyahan.

Unrevealed Where stories live. Discover now