PROLOGUE

9 0 0
                                    

"Class dismissed."

Agad na nagsitayuan ang mga kaklase ko at gumawa ng ingay ang kanilang mga upuan. Inayos ko na ang mga gamit ko at nilagay sa bag bago ako tumayo para lumabas.

Saktong paglabas ko ng pinto ay may narinig akong pamilyar na boses na tumawag sa'kin.

"Jas!" sigaw nito na ikina-lingon ko naman sa gawi niya.

"Hmm?" sabi ko at isinukbit ang bag ko sa balikat ko. Lumapit sa'kin si Mia habang inaayos niya ang bag niya.

Nang nasa harapan ko na si Mia ay agad siyang ngumiti. "Band of the Night na later, sama ka?"

Band of the Night? Ngayon pala 'yon?

Hindi pa ako nakakasagot ay niyakap na ni Mia ang kaliwang braso ko at ngumuso. I chuckled.

"Sumama ka, please? I really need to see this band." she begged.

"Edi pumunta ka. Easy." I chuckled pero she pouted more. "Para kang bibe, Mia." inis kong saad pero tumawa lang siya.

"Bebe niya. Uwu." sabi niya naman. "Anyways, ayokong pumunta mag-isa." she said and faked cried. I rolled my eyes again.

"Ginawa mo naman akong palusot sa magulang mo noh?"

When she smiled widely I already knew the answer. I sighed. "Oo na." sagot ko.

"Yes! Thank you, bff! Kaya love na love kita e." sabi niya at agad akong niyakap.

"Basta libre  mo 'ko ah?"

"Aye aye captain!"

Tumawa ako. "Tara na, sabay na ta'yo lumabas."

"Ay, may next class pa ako 'e." saad niya at ngumisi. Napa-iling nalang ako at ngumiti. Nagpaalam na sa'kin si Mia at nang makaalis na siya ay nagpatuloy ako sa paglalakad ko.

Isa si Mia sa mga naging kaibigan ko simula nung nag-transfer ako dito sa PUP. She's a tourism student and currently on her 4th year na. While me, a civil engineering student and graduate na sana kaso dahil nga nag-transfer ako ay nadagdagan ng isang taon ang pag-aaral ko pero graduating na ako this year.

"Minmin!"

Napahinto ako sa paglalakad ko nang marinig ang boses ng isang lalaki. Isang tao lang ang tumatawag sa akin niyan kaya alam ko na agad kong sino. Napapikit ako sa inis at huminga ng malalim bago tumingin sa lalaking nakangisi na ngayon.

"Nakakainis ka, Aiden." sabi ko.

"Ano na naman bang ginawa ko?" tanong pa nito.

"How many times do I have to tell you ba na nakakainis ang nickname na 'yan?" sabi ko pero tumawa lang siya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumunod naman si Aiden sa'kin. Daldal lang siya nang daldal at nakikinig lang ako. He's Aiden. He's an accounting student and graduating na rin.

"Uuwi ka na ba agad, Minmin ko?" tanong ni Aiden sa'kin nang makalabas kami sa gate.

"Yuck. Isang tawag mo pa sa'kin niyan, sasabihin ko kay Mia na gusto mo siya simula pa nung freshman kayo." I threatened him.

Nanlaki naman agad ang mata niya at agad na tinakpan ang bibig ko. "Hoy, Jasmin Rei, hinaan mo nga boses mo at baka may makarinig sa'yo."

I rolled my eyes against him. "Ewan ko sa'yo." sabi ko.

Sinabi ko kay Aiden na may bibilhin pa akong materials bago umuwi tapos sinabi ko rin sa kaniya na pupunta kami ni Mia mamaya sa kung saan gaganapin ang Band of the Night kaya sasama rin daw siya.

Be With YouWhere stories live. Discover now