CHAPTER 2

3 0 0
                                    

Umalis na rin agad si Yanxell matapos niya akong ihatid dito sa school. Pumasok na rin agad ako at nagtungo kung saan ang susunod kong klase. Pagpasok ko sa room ay wala pa si ma'am kaya medyo maingay sa room namin. Kinuha ko ang earbuds ko at nilagay sa tenga ko para makinig ng music pero bago pa ako makapa-music ay narinig ko agad ang reklamo ng isang kaklase ko.

"Diyos ko, ang init-init! Bakit kasi walang aircon dito sa room natin?" Ani Lisa.

Nakita kong nagpapaypay siya gamit ang pamaypay niya, sa tabi niya naman ay si Prim at nakatutok sa kaniya ang dala niyang chargeable mini fan niya. Sobrang init nga naman dito lalo na at naka jacket ako ngayon.

"PUP, ano na? Room pa ba 'to or microwave?" biro ni Prim na ikinatawa ko naman. Napansin naman ako ng dalawa at nagsalubong agad ang mga kilay nila.

Lumapit sila sa'kin. "Hoy, Jasmin, ang init-init tapos naka jacket ka?" tanong ni Lisa.

"Oo nga, hindi ka naman naka jacket kanina ah?" saad naman ni Prim.

Ngumiwi ako at pinakita ang damit kong natapunan ng sundae kanina. Nanlaki ang mga mata nila at tumingin sa'kin.

"Anyari dyan?" saad ni Prim.

"Natapunan ng sundae kanina," sagot ko.

"Yayks." they said in chorus.

Tumahimik nalang ako at ngumiti. Napansin ko naman na nakatitig si Lisa sa jacket na suot ko. "Bakit, Lis?" tanong ko.

"Familiar 'tong jacket na 'to..." saad niya na ikinalaki ng mata ko. "Saan ko ba 'to nakita?" Sabi niya pa habang nakalagay ang isang daliri sa chin niya, nag-iisip.

"Ano... may nagpahiram lang sa'kin kanina." sabi ko. Ayoko sabihin na si Yanxell nagpahiram sa'kin nito kasi baka ano pang sabihin nila. Ang alam ko pa naman ay fan sila ng banda nila Yanxell.

Hindi na nagsasalita si Lisa dahil pumasok na 'yong prof namin. Umayos kaming lahat ng upo at tumahik na. Akala namin ay magtuturo na siya pero nagulat nalang kami nang nagpakuha siya ng one whole dahil mag-q-quiz daw kami!

"Three items only," saad ni ma'am at sinulat sa board ang dapat namin i-solve.

"Three items lang pero nakakalula ang pag-solve." bulong naman ni Lisa sa'kin. Magkatabi kasi kami. Tumawa lang ako ng mahina dahil baka marinig pa kami ni ma'am, super strict pa naman nito.

"Pakopya ha?" bulong ulit ni Lisa sa'kin. "Hindi ko kasi na gets 'yong lesson kahapon," tumawa pa siya.

"Ulol, edi zero tayong dalawa niyan?" sabi ko.

Tumawa ulit siya.

"Miss Cruz,"

Nanlaki ang mata ni Lisa nang tawagin siya ng prof namin. "P-Po?"

"Is there something funny you want to share in the class?" istriktang saad ni prof.

Agad naman na umiling si Lisa. "None po, ma'am."

Tumahimik na kaming lahat ng umupo na si ma'am. "Start solving, you have one hour to solve that."

Nag-umpisa na kaming lahat sa pag solve at panay namin silip si Lisa sa papel ko.

"H'wag ka ngang pahalata, Lis..." bulong ko.

"Lakihan mo kasi 'yong sulat mo, 'di ko makita." sabi niya naman.

"Ay wow," sabi ko nalang at 'di makapaniwalang tumingin sa kaniya. Ngumisi lang siya sakin at nag peace sign.

"Tama ba 'yan?" Tanong ni Lisa.

I rolled my eyes. "Kumopya ka nalang,"

Actually, 'di ko rin sure kung tama ba 'tong sagot ko o hindi. Basta sinunod ko lang kung ano 'yong naalala ko.

Be With YouWhere stories live. Discover now