CHAPTER 1

4 0 0
                                    

Tatlong araw na ang lumipas simula nang makilala ko si kuyang drummer which is Yanxell pala ang pangalan. Isasauli ko na sana 'tong wallet niya kaso hindi ko na siya makita matapos ang event nong gabing 'yon. I already tried messaging him on facebook — madali lang pala hanapin 'yong account niya—pero hanggang ngayon ay 'di niya pa din nakikita ang message ko.

Habang wala pang klase ay iniistalk ko muna si Yanxell sa facebook. Buti at hindi naka private ang account niya. Grabe, famous pala talaga siya, sa gwapo ba naman non.

"Nababaliw ka na talaga,"

Dali-dali kong pinatay ang phone ko ng marinig ang boses ni Adrian. Napatingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Umupo siya sa tabi ko tapos may nilabas na libro.

"Anong sabi mo?" istriktang saad ko.

"Wala. Ang sabi ko ang pangit mo." sabi niya naman.

Ano daw? Agad kong hinampas si Adrian na ikinasigaw niya naman. "Aray! Gago, ang sakit!"

"Mas pangit ka!" sabi ko at pinanlakihan siya ng mata.

He makes face then looked into his book. Tumahimik na ako at ganoon din siya. Lumipas ang ilang minuto nang bigla siyang tumikhim. I looked at him.

"Ano?" tanong ko.

Huminga siya ng malalim pero hindi nagsalita. "Ano nga?" tanong ko ulit.

Bigla nalang siyang umiling. "Nevermind. H'wag mo nalang pansinin."

"Ano nga kasi 'yon?" tanong ko ulit sa may inis na boses. "Alam kong may sasabihin ka."

Adrian looked at me in the eyes before shaking his head again that made me annoyed more.

"Bahala ka diyan." sabi ko at tumayo. "Alis na ako. May klase pa ako."

Agad akong umalis at tumungo sa engineering building. Wala pa 'yong instructor namin no'ng dumating ako sa room. Tumabi ako sa isa kong kaklase na ngayon ay naglalaro ng mobile legends. Nilabas ko nalang ang cellphone ko para maglaro ng PUBG. Minutes have passed pero hindi dumating 'yong instructor namin until biglang sumigaw ang isa naming kaklase.

"Guys, hindi daw si ma'am papasok kasi busy siya!"

Napakunot ang noo ko.

"Weh? Kailan siya nagsabi?" tanong naman ng isa kong kaklase.

"Ngayon lang nung pagpunta ko sa office." she said.

Napangisi agad ako kasabay ng sigawan ng mga kaklase ko. "Ayos, mahabang free time."

Sinuot ko na agad ang backpack ko at tumayo.

"Wala daw klase?" tanong ni Bent, isa kong kaklase.

"Oo nga." sabi ko at umalis na.

Nang nasa may pinto na ako ay biglang nag-ring ang phone ko. May tumatawag sa messenger ko. Nung chineck ko iyon ay agad na nanlaki ang mga mata ko. Hala!

Yanxell Blaze Hidalgo is calling ...

I suddenly pressed accept and put it beside my ear. "H-hello?" Gusto kong sampalin ang sarili nang mautal ako. Nakakahiya! 

"Hi, uh... I saw your message just now and it says here na you have my wallet?"

Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiti matapos marinig ang boses ng lalaki. Ang gwapo ng boses niya kahit sa call! Gusto kong magtatalon dahil sa kilig pero pinigilan ko iyon.

"Ah oo, nahulog mo yata nong nagkabungguan tayo." sabi ko.

"Thank goodness..." I heard him whisper. Napangiti ako. "Uhm, are you free right now?" tanong niya.

Be With YouWhere stories live. Discover now