FRIENDZONE

3 1 0
                                    

Mahirap magkagusto dahil magkaiba Tayo ng mundo,
Langit ka at lupa ako,
Para Kang tala sa kalangitan
Kay hirap mo namang makamtan

Magkaibigan Tayo oo,
Parang magkarugtong na nga Tayo,
Alam mo Ang bawat takbo ng isip ko,
Pero kahit kailanman
di mo maramdaman na ikay iniibig ko

Isip koy litong-lito Kung parehas ba Tayo na NAGKAKAGUSTO,
Puso na aking sinisisi dahil sa dame ng tao sa mundo bakit ikaw pa Ang gusto ko, Malaking agwat Ang hadlang,
pero wala akong balak na ikay Hindi ipaglaban

Dumating sa puntong handa na akong magtapat SAYO,
Dahil kahit Hindi pa TAYO
marami na akong plano,
Ngunit lahat ng plano ko biglang gumuho sing bilis ng bagyo

Umamin ako at Ang saya-saya ko,
Dahil sa wakas maaalis na Ang tinik na sagabal sa lalamunan ko,
Pero para akong bombang sumabog sa harapan mo,
ng sabihin mong "SORRY,KAIBIGAN LANG ANG TURING KO SAYO"

Masakit oo pero wala na akong magagawa, Dahil nagdesisyon kana na Hindi mo ako gusto,
Kayat magsisimula muna ako na itayo at buuhin Ang sarili at puso ko,
Dahil sobrang nadurog Muna ng pinong pino

Lumipas Ang mga oras,araw,at maging Ang mga buwan,
Iniwasan moko at iniwasan den Kita,
Dahil naiisip ko na Hindi pa Tayo handang harapin Ang susunod na yugto,
At Kung anong magiging resulta ng distansya sa pagitan nating dalawa na Parang kotse na nawalan ng preno

Distansya Ang hininge mo kayat pinagbigyan ko,
Ngunit wala na palang mas sasakit sa ginawa mo,
dahil Ang masakit na parte ng BUHAy
ko ay ng UMAMIN ka na gusto mo Ang kaibigan ko at Hindi ako.

Sa panahong iyon para akong tulog at namamanhid na,
Humihinga pero wala ng pandama, namanhid na, Hindi na nakakadama, Hindi na KAYA,
Nagigi nakong tanga,
AYOKO NA.

Echoes of SorrowWhere stories live. Discover now