MAS MABUTING ITAGO NALANG

2 1 0
                                    

Andami kung gustong sabihin sayo,
pero di ko magawa kasi natatakot ako, natatakot ako na layuan mo ako,
pag nalaman mo ang totoo

Sabi nila pag mahal natin ang isang tao gagawa tayo ng paraan para magkatuluyan,
bumabagabag sa aking isipan na sabihin sayong mahal kita ng sobra,
pero minsan naiisip kong wag nalang pala, baka kasi may mahal ka ng iba

Ma's gugustohin ko na itago na lang ang aking nararamdaman,
alam mo kung pano?
yung parang kinadenahan para walang makaalam,
o kaya maligo sa ulan,para matangay ang puso kung luhaan

Nandiyan na naman ang patak ng ulan,
pinapasaya nya ang halaman,
sinasabayan ang labis kung kalungkutan, kalungkutan na kailanman ay di lilisan ng di ko namamalayan

Ang hirap pag patago ang pagkakagusto sa isang tao,
lalo na kapag may iba syang gusto,
kaya mas mabuting itago nalang,
ang matagal ko ng pagkakagusto sayo,
dahil baka pag umamin ako, masaktan mo lang ako.

Echoes of SorrowWhere stories live. Discover now