KAHIRAPAN

1 1 0
                                    

Hindi mapigil na kahirapan
Hindi maintindihan na patakaran Gobyerno ay maraming ipinagbabawal, Kayat ang ginagawa na lamang ng pilipino ay mangalakal

Kabilaang dahilan ng kahirapan
Kesyo walang pera
Kesyo matataas ang presyo ng paninda, Ilan lamang sa isinasaboses ng mamamayan,
Dahil sa sobrang pagkalubog sa kahirapan

Tayo ay may pandemya ngayung kinakaharap,
Kahit mahirap na ang mata ating kinukurap,
Dahil naiisip nating tayo ay may pangarap, Na kailangang makamtam at matupad

Mag asawang nag aaway dahil sa pera, Kayat bahay ay parang gyera,
Mga anak na umaatungal sa pag iyak, Dahil sa gutom na kanilang nilalasap

Palaboy-laboy sa kanto,
Namamalimos kahit singko,
Singko na pambili na lamang ng asin,
Para sa tiyang kumakalansing

Sa bawat pagsubo ng pagkain
Sa bawat ulam na nakahain
Ay siya ring pagpatak ng luha
At tanong sa isipan na "bakit kay sakim ng kapalaran?

Tulad naming mag aaral
Tumataas ang porsyento na tumitigil sa pag aaral,
Hindi mabayarang matrikula
At mga magulang na hindi alam kung saan kukuha

Gawin nating inspiration ang ating pamumuhay ngayun,
Dahil sa bawat hirap ay may kaakibat na katugon,
Lakasan lang natin ang pananampalataya sa panginoon

Echoes of SorrowWhere stories live. Discover now