Simula

4 0 0
                                    

"Tama na ang kaka-stalk. Ang ko-corny naman ng post niyan." nakangiwing sabi ni Hikari.

"Hindi naman, ganito lang talaga ang humor niya." nakangusong sagot ko.

"Tama kana nga, yung assignment sa purcom nagawa mo na?"

"Hindi pa, pero mamaya gagawin ko na."

Palagi kaming ganoon, siya ang mas responsable pag dating sa acads, ako naman ay para lang naliligaw ng course.

Bachelor of Science in Tourism Management ang kurso namin.

Dumating na yung prof namin kaya natigil ang pag uusap namin. Joke.

"Mukhang playboy." pabulong na sabi ni Hikari.

Ganon naman talaga pag-pogi. Stereotyping ka sa baby ko ha.

"Mukha lang."

Mabilis lang ang naging klase namin doon. Sinabihan lang kami ng mga lessons na dapat naming reviewhin dahil malapit na ang Finals.

Hindi ako mahilig mag-aral, hindi rin ako pala sagot sa klase, kung sasagot man ako ay madalas malayo sa tamang sagot.


Konting kembot nalang Second year na kami. Wala pa akong ginagawa ay napapagod na ako.


"Dito na tayo dumaan." nginuso ko ang gate 2. Napairap naman agad sina Tati sa akin.


"Bakit d'yan pa? Ang sakit na ng paa ko."


"Mas malapit don."


"Malapit saan? Sa pogi?" si Cleo.


Ngumisi ako. "Malapit sa mga Engineer."


Ginulo na lamang ni Krizhel ang buhok ko bago kami nagpatuloy maglakad. Agad ko rin naman iyong inayos, mahirap na baka makita si Kras.



Madalas ay sabay sabay kami umuuwing walo. May kanya kanya kaming circle of friends pero hindi ibig sabihin noon ay hindi kami magkakaibigan.


"Lumandi kana para madiligan kana." natatawang sambit ni Jenika. Natawa na lamang din naman si Paco na nakaakbay sakanya.


Halos buong klase ata namin ay alam kung sino ang crush ko sa Engineering department. Wala naman talaga akong balak itago, mahirap na baka maagaw pa.


Halos malaglag ang panty ko ng makita ko siya. It's been 12 hours.


Matangkad siya Moreno, Maayos ang itim na itim niyang buhok, at kahit sa malayo ay alam kong nangungusap ang mga mata niya. Maayos din at malinis siyang manamit. Kahit sa malayo ay amoy na amoy ko rin ang mamahaling pabango niya.



Cliché but that's the truth. Maraming babae sa department niya ang nagkakagusto sakanya, mabuti na lamang at sa department ko ay wala pa akong naririnig. Subukan lang talaga nila.



Naramdaman ko nalang ang pag akbay sa akin ni Paco. "Ah oo, Tori. Crush mo 'yung naka puti."


Malakas ang pagkakasabi niya kaya pati ang crush ko ay napatingin sa amin.

Tumingin siya sa akin!!!


Halos mahalit ko na ang leeg ni Paco ng hilahin ko siya palabas, nakasunod lamang naman sa amin ang mga kaibigan namin.


Malakas na batok naman ang natanggap niya mula kay Jenika bago siya akbayan nito "Good job."


"Naneto, ikaw na nga tinutulungan." nakangusong sabi ni Paco.



On bended kneeWhere stories live. Discover now