Chapter 2

2 0 0
                                    

Gabi na pero wala parin akong pagkain sa dorm. Wala kasi akong ganang mamalengke. Medyo malayo kasi iyon, kailangan pang mag tricycle.

Pumunta nalang ako sa Alfamart malapit sa dorm namin. Nakasuot lamang ako ng Hoodie, short at naka-bun ang aking buhok. Kahit mag ayos ay tinamad na rin ako.

Bumili lamang ako ng cup noodles at doon ko narin kinain. Maya maya pa ay tumabi sa aking lalaki. Pamilyar siya.

"Bakit di mo kasama boyfriend mo?" usisa niya.

"Wala siya, e." sagot ko nalang.

Kahit wala naman akong boyfriend, wala pa.

"Natatandaan mo ba ako?" nakangiting tanong niya Tamad ko lang siyang tiningnan.

"Dapat ba?"

"Kaibigan ako ni Sane." nakangiting sabi niya. Agad naman akong umayos ng upo at naging interesado bigla sa mga sasabihin niya.

Siya yung kasama ni Sane nung isang araw. "Hello po." para akong korean dahil nag-bow pa ako na ikinatawa niya naman.

"May lahi ka bang korean?"

"Wala po." i laugh awkwardly.

"Kala kasi namin ay meron."

Namin?

Umakto pa akong tinitingnan ang balat ko. Mas maputi pa nga siya sa akin.

"Sa kutis kong 'to?"

"Naka-bangs ka kasi." humalakhak siya. Ang criteria ata para makapasok sa circle of friends nila ay dapat sira ang humor.

Napangiwi ako. "Malapad lang talaga ang noo ko."

"Pero don't get me wrong, bagay naman sayo."

Ang awkward lang dahil pagkasabi niya noon ay wala na kaming pinag usapan, wala naman kasi akong balak kilalanin siya, pero sana pala tinatanong ko nalang siya about kay Sane.

Maya maya pa ay nagpaalam na siyang umalis. I also bid my goodbye. Tumatawa pa nga siya bago umalis doon. Weird.

Umuwi na ako pagkatapos ko. Nahiga ako at nag scroll lang uli sa X. Dumaan doon ang tweet ni Sane.

Traydor ka @walterashtmari may paganyan ganyan ka pa ng usn.
1456 likes  5 comments

Replying to @Saneboi
Sorry pre, napag utusan lang ni @winwin

Tinamad na akong basahin ang pinag uusapan nila kaya naman natulog na ako.

Mabilis lang ang naging paglipas ng mga araw, i did my usual routine. I focused on my studies, and focused to my happiness.

The Finals week came. Nasa usual stall ako kasama si Hikari. Nag aral kami ng mga dapat naming aralin, mabuti na lamang at masipag mag-notes si Syie at kumpleto kami ng reviewhin.

I am not even aiming for highest score, gusto ko lang palagi ay makapasa.

The first day of exam ended. Mahirap pero kapag nag aral ka naman ay kaya mong masagutan.

Konting kembot nalang Second year na.

Pagkatapos namin doon ay nag-break muna kami, pero imbis na kumain ay panay parin ang review nina Hikari.

Ako naman ay nags-stalk lang sa account ng crush ko, for inspiration purposes.

Maya maya pa ay hinihingal na dumatinh si Paco, inakbayan ako nito.

"May sasabihin ako tungkol sa crush mo." sabi niya.

Tinaasan ko lamang siya ng kilay, mas lumawak lang ang ngisi niya. "Mag-bayad ka muna."

Halos mag-kandarapa na ako sa bilis ng pagtakbo namin ni Paco papunta sa Gym. Nag-bayad na nga ng singkwenta, napagod pa.

"Ayun sila oh." nguso ni Paco sa direksyon ng kumpulan ng mga estudyante.

Agad akong lumapit doon, nakasunod lamang naman sa akin si Paco. Naki usyoso ako sa mga tao roon. Tama nga ang sabi ni Paco.

Nakahiga si Walter sa sahig habang masama naman ang tingin sakanya ni Sane. Duguan ang labi nilang dalawa, mukhang galit na galit si Sane habang si Walter ay tumatawa pa.

Nanlamig ako ng biglang magtama ang tingin naming dalawa ni Sane. Seryoso lamang ang tingin niya sa 'kin pero ang kaninang galit sa mga mata niya ay bumalik sa pagiging maamo.

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko ng lumapit siya sa akin. Napa 'ohhh' naman ang mga tao roon, isa mo pa si Paco na pumapalakpak pa ng hawakan ako ni Sane sa aking pulso.

Hindi ko na namalayan na naglalakad na ako habang hawak niya parin ang pulso ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya roon, nasasaktan ako pero parang ayaw kong bitawan niya pa ako.

Pawisan siya pero sobrang bango niya parin, magulo at may dumi ang polo niya dahil siguro sa pakikipag-away niya kanina sa kaibigan.

Nag lakas loob akong magsalita. Maraming estudyante ang nadadaanan namin na taka lamang na nakatingin sa amin.

"S-saan ba tayo pupunta?"

Hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy siya sa paglakad. Hinila ko ang kamay ko sakanya ng mapagtanto ko kung saan kami papunta.

Inis niya akong tiningnan. "Ano?"

"Saan mo ba ako dadalhin?"

Sinabunutan niya ang sarili niya bago huminga ng malalim at muli akong hinarap.

Ang gwapo naman nito mag-tantrums.

"Kung nagkaka-ganyan ka dahil sa kape mo, sorry, okay?" malambing na sabi ko. Kinakabahan parin.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

Pinag ti-tripan ba ako?

"Kuya, ano bang meron?"

"Tss. Wag mo akong tawaging kuya." humarap siya sa akin. "Hindi kita kapatid."

Ang sungit talaga

"Fine. Ano bang kailangan mo sa akin, Saludez?" naka-cross ang mga brasong tanong ko na parang nagtataray.

"Layuan mo si Walter. May girlfriend siya." nag iwas siya ng tingin sa akin.

Oh ngayon?

"E, ano naman ngayon sa akin?" ikaw naman ang gusto ko.

Umirap siya sa akin. "Lumayo ka nalang."

Bumuntong hininga siya. "Basta wag si Walter. Lumandi ka sa iba." sambit niya bago ako iniwan don.

Siya ba yung jowa? sayang naman

On bended kneeWhere stories live. Discover now